Nasa mall ako ngayon bibili kasi ako ng regalo para sa kaibigan ko kaarawan niya kasi bukas. Habang namimili ako ng damit may natanaw ang aking dalawang mata, sobrang saya nila at yung mga ngiting yun na abot hanggang mata na hindi ko nakita manlang nung kami pa, masakit sa pakiramdam pero kaylangan kong tiisin para makalimot narin ako pinilit kong ibaling ang atensiyon ko sa iba pero hindi ko magawa medyo may kalayuan sila kaya't hindi nila ako makita.
Parang gusto kong magpakawala ng mga luha, gusto kong isigaw ang nararamdaman ko gusto ko mapag isa parang sasabog na ako, sobrang lungkot ko.
Nandito ako sa tambayan ko, sumilong ako sa puno dahil medyo ma araw at nag isip isp ako kung paano ko ba siya makakalimutan, may nakita akong babae.
"Teka, siya ba yung nakita ko nung nakaraang linggo?" Sabi ko sa utak ko
Hindi naman ako interesado sa kanya kaya't uuwi nalang ako, ayoko kasing may ibang tao dito kapag nag iisip isip ako pero huli na bago paman ako makatayo tumabi siya sa akin "hmm ang bango niya," sabi ko sa utak ko.
"Hello!," sabay pakawala niya ng napakamagandang ngiti ang cute lang kasi lumabas pa yung cheek bone niya
Wait whatt??!!! Don't tell me na aatract ka sakanya??
No, im not hindi kaya siya cute ahmm cute naman pero hindi cute? Pero cute nga asyyshhhh basta bahala na.
Hindi ko siya pinansin at tatayuna sana ako pero hinawakan niya ako sa braso.
Ang lambot ng palad niya.
"Sungit naman" bulong niya, pero narinig ko iyon
"Sorry, pero ano po bang kailangan mo miss?" Walang ekpresyon kong sabi wala kasi akong gana makipag usap kahit kanino man.
"Wala naman po gusto ko lang makipag friend if okay lang? Bago lang kasi kami dito eh so wala pa akong masyadong friend"
"Okay lang naman makipag friend pero huwag muna ngayon" umalis na ako dun medyo naka layo na ako sakanya ng onti pero di katagalan hinabol niya ako.
"Hala grabe siya oh, feel free to share?"
"I dont even know you," sabi ko dito
"Then Im jema galanza you can call me jema for short hehe." Ayan nanaman yung ngiti niya ang ganda.
"Im not asking tsss" sabi ko dito sabay irap
"You said you dont know me so, magpapakilala ako noh. Eh ikaw ano name mo ms. Sungs?"
"Sungs?"
"Short for sungit hehe."
Cute talaga ng ngiti niya
Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad
"Uy ms. sungs dito din daan pamunta sa bahay niyo? Ako din eh siguro mag kapitbahay lang tayo no?"
Hindi ko ulit siya pinansin at nag patuloy sa paglalakad
"Uyy.. ms. Sungs"
"Ms. Sungs?"
"Can you please stop calling me sungs? It's so baduy." Reklamo ko dito
"Kasi ayaw mo naman sabihin yung name mo so, I called you ms.sungs nalang "
"Hayss... -_- okay okay I'm Deanna Wong happy now?"
"Uhmm? Yeah maybe haha" tawa neto
Habang naglalakad kami Hindi parin siya tumitigil sa pang aasar.
Hindi ba toh nauubusan ng daldal?
"Uy dito na pala ako hahaha salamat sa paghatid ms. Sungs"
"Hindi kita hinatid sadyang magkatapat lang yung bahay natin oh so, don't assume na hinatid kita."
"Sungit mo talaga, hahaha bye na nga ms. Sungs" at winawagayway niya ang kanyang kamay para magpaalam sakin.
Binuksan ko ang pintuan at dumeretso sa kwarto ko hinubad ko yung sapatos ko at pagkatapos ibinagsak ko agad ang katawan ko sa kama.
Naaalala ko nanaman yung nangyari sa mall pero hindi ko napansin na lumipat nayung isipan ko yung kay jema inisip ko siya hanggang sa maka iglip ako.
Pagkagising ko binuksan ko yung cp ko para I check yung oras
"9:43 napala, mesyo napahaba yung tulog ko"
Isinuot ko ang jacket kong kulay black at kinuha ang susi ng kotse ko pumunta ako sa ministop at bumili ng makakain.
Pagkatapos kong kumuha ng mga pagkain pumunta ako sa counter para magbayad
Nagulat nalang ako dahil may bumulong sa kanang tenga ko."Hi! Ms. Sungs"
------
Vote and comment naman diyan oh!
Medyo malungkot si author ngayon :( idag dag mo pa ang stress hahaha.
Kaway kaway JeDean/GaWong shipper oh!
Kinikilig talaga ako sakanila ayshh omeyghed talaga hahaha
I lab you mga beshh....
BINABASA MO ANG
I Can't Love You Back (JeDean/GaWong)
Hayran Kurgu#50 Random 11/5/2018 #126 Fanfiction 11/5/2018 "I can't love you back deanna, Im sorry" -jema