kahit na ayaw kong pumunta eh wala akong magagawa eh si jema ang nag yaya siyempre hindi ko tatanggihan tsaka alam ko namang ayaw nung adrian na kasama ako eh pinilit lang ni jema. Feeling ko talagang tong Adrian na toh may gusto kay jema eh pero hindi ko hahayaan yun.
Bumili narin ako ng regalo para sa kapatid nung adrian nakakahiya naman pumunta ako dun tapos wala akong ibibigay. Sabi ni jema na mahilig daw yung bata sa teddy bear kaya hindi teddy bear ang binili ko bumili ako ng damit para sa bata para pag suot suot niya yun maaalala niya ko.
Papunta na kami ni jema nag taxi kami papunta sa party simpleng white tshirt lang at pinatungan na black jacket lang ang suot ko at jeans si jema naman ay naka puting dress na bumagay naman sakanya.
Nasa tapat na kami ng bahay nila adrian mayaman pala itong si adrian dahil halata naman eh talagang pinaghandaan yung party tsaka ang laki ng bahay.
"Tara na deans" tsaka hinatak ako ni jema
Medyo nahihiya ako dahil wala naman akong kakilala dito maliban kay adrian na kakakilala ko lang kahapon.
"Deans tara dun tayo puntahan natin Cathy"
"Sino si cathy?" Tanong ko"Si cathy yung may birthday siya yung kapatid ni adrian"
"Si cathy lang ba ang kapatid ni adrian?"
"Bali tatlo silang magkakapatid si adrian yung kuya"
"Oh andito na pala kayo"
Nako nako andito nanaman yung adrian tsk tsk. Huh? At niyakap pa si jema nako gusto ko ng magwala!
"Ate jema! Ate jema!" may bata namang lumapit kay jema at niyakap siya nito.
"Cathy namiss kita!" Yan pala yung cathy. Buti nalang si cathy cute di katulad ni adrian akala mo ampon lang eh.
"Ako din po ate jema namiss po kita"
"Cathy si ate deanna oh kaibigan ko may gift siya sayo"
"Ah cathy ito oh sana magustuhan mo"
"Wow! Thank you po ate De-dea??"
"Hahaha ate dean nalang para di ka miharapan"
"Sige po ate Dean thank you po ulit"
"You're welcome" niyakap naman ako nung bata. Buti pa yung bata hindi plastik katulad nung kuya niya.
"Baby cathy! Ate is back!"
"Ate nikhi!" Tumakbo naman si cathy papunta dun sa babaeng kapatid din yata nila?
Medyo matangkad yung babae pero mas matangkad ako maputi din siya at matangos ang ilong maganda siya ah.
"Kamusta naman ang batang makulit huh?"
Sabi nung babaeng dumatingSino kaya siya? Malamang yan yata yung kapatid ni adrian at cathy.
"Eto po okay lang"
"Akala ko ba bukas kapa uuwi?" Sani ni adrian at yumakap dun sa nikhi
"Nag pauto ka naman?" Nakita naman ni nikhi si jema kaya binati niya ito
"Jema! Kamusta kana ang tagal na nating di nagkita"
"Oonga nikhi pero atlis eto na oh" sabay yakap kay nikhi
"Sino naman tong kasama mo jema?"
---
Putulin ko muna ah sensiya na ngayon lang ang UD..
BINABASA MO ANG
I Can't Love You Back (JeDean/GaWong)
Fanfiction#50 Random 11/5/2018 #126 Fanfiction 11/5/2018 "I can't love you back deanna, Im sorry" -jema