Natulog ako ng masama ang loob gumising ako ng masama ang loob masama parin loob ko ngayon dahil nga kagabi. Nakakainis lang kasi bat di niya sinabi na hindi siya makakapunta? Tas makikita ko na kasama niya yung lalaking ewan na yun?
Pero di bale di ko na muna iintindihin yon kailangan kong mag focus sa training dahil papalapit na ang aming laban..
Pero bat ganun? Bakit siya padin? Hayss jema pwede ba umalis ka muna sa isipan ko hindi ako makapag focus ehh..
Mas lalo pa akong hindi naka focus kasi nandito pala siya pinapanood ako mag training.. yung totoo? T.V ba ako?
Tapos sinaman pa niya yung kasama niya kagabi wow ah? Ano tas ipapakilala saakin ni jema yan na boyfriend niya? Tapos ano? Ako malungkot tas kayo masaya ganun?Ng matapos na ako magtraining sabi ko na ngana at tatawagin ako nitong si jema.
"Deanna!" Wow at parang ang saya saya niya yata ngayon?
Ayoko muna siyang kausapin kaya kunwari wala akong narinig diretso lang ako sa paglalakad.
Di naman yata siya sumunod saakin kaya nakahinga na ako ng maluwag. Ewan ko ba naiinis talaga ako eh.
Hindi muna ako umuwi dumiretso muna ako kung saan ako madalas tumambay. Nalukungkot ako dahil may kasama siyang iba alam kong hindi dapat pero anong magagawa ko? Nagseselos ako!
Sino ba kasi yun ang panget panget naman non eh mas magandang gwapo pa ako dun! Bahala na! Hindi ko na matiis tong nararamdaman ko panahon na yata para gumawa na ako ng paraan. Jema mahal kita at papatunayan ko yun sayo!
Dumiretso agad ako sa bahay pagkatapos ako'y nagbihis na. Agad ko silang hinanap dahil ayokong magkalapit silang dalawa ayokong maunahan ako.
Pumunta ako sa court dahil nagbabakasakaling nandun sila pero wala na mga bata na ang nga naglalaro dito dahil kanina pa natapos yung training.
Paikot ikot lang ako pabalik balik pa lakad lakad kahit na masakit na ang paa ko laban parin!
Sa kakaikot ko buti naman ay nakita ko na sila nandun lang sila nakaupo kumakain ng fishball na dapat ako ang kasama niya dun
Bago pa man ako nakalapit ay nakita ako ni jema bigla naman siyang ngumiti at lumapit saakin.
"Hoy! Tinatawag kita kanina ah di mo man lang ako pinapansin iniiwasan mo ba ako?" Sabi niya saakin at sinubo saakin yung fishball.
"Huh sorry talagang pagod lang ako kaya siguro di kita marinig sorry pero anong ginagawa mo dito?" Tanong ko rito at tumingin dun sa lalaking kasama niya.
"Balak ka sana namin yayain kanina eh dahil nga di mo ako pinansin kaming dalawa nalang. Si adrian nga pala kaibigan ko Adrian si deanna pala"
Ah adrian pala pangalan nitong lalaking to? Tskk
Lumapit naman tong adrian na to saakin at nakipag shake hands at dahil mabait ako at nandito si jema hindi ko to makakamayan kung di bubugbugin ko pa to! Tsk di naman kagwapuhan.
"Hi deanna kababata nga pala ako ni jema"
Sabi nung adrianEh ano naman kung kababata mo siya.
"Ahh hello adrian"
Tinanggal ko na yung kamay ko. Gaspang naman ng kamay -_-
"Ahh deanna gusto mo bang sumama saamin bukas? Birthday kasi nang kapatid niya please sumama kana? Okay lang ba adrian?" Sabi saakin ni jema. Nako kung hindi ko lang mahal to.
"Kung okay lang kay Adrian" At tumingin ako kay adrian muka naman ayaw niya akong isama pero dahil si jema ay nandito napipilitan lang siya.
"Sure okay lang" alam kong plastik iyong pagkasabi nitong adrian marunong kaya akong kumilatis ng tao. "Sige jema uwi na muna ako may gagawin pa kasi ako ingat kayo"
"Sige adrian ingat ka ah" paalam ni jema
"Ingat din kayo"
Nginitian ko nalang siya. Ma sosolo ko na si jema yesss!
"Jema sino nga ulit yun?"
"Ah si adrian magkababata kami nun. Dati kasi hindi naman talaga ako pala kaibigan tsaka mahiyain ako natatakot kasi ako na ma bully so ayun si adrian napapansin niya palagi daw akong tahimik gusto niya nga daw akong kaibiganin nun kaya lang muka daw akong maldita pero nung inaway ako ng mga bata ayun pinagtanggol niya ako dun na kami naging magka close"
kwento niya saakin. Siyempre mas nauna niya nakilala si adrian na yun kesa saakin kaya mas importante yung adrian na yun kesa saakin
"Tagal niyo na magkaibigan no? So mas importane pala siya sayo? Nakakaselos ah"
"Tsk ano ba kaibigan ko kayong pareho kung si adrian mas nauna kong nakilala hindi ibig sabihin nun na siya lang ang importante Siyempre ikaw din hindi naman yun basehan eh tsaka magkaiba kayo iba ka sakanya iba rin siya sayo. Importante ka saakin"
"Talaga ba?"
"Oo naman! Kaibigan kita eh!" Ang sakit no? Kainigan niya ako kaibigan niya lang ako. Pero hindi ako susuko hindi pa naman ako nagcoconfess sa kanya kaya may pag asa pa ako.
Walang Wong ang sumusuko!
---
A/N
Sa mga silent reader diyan hello sainyo.
Pasensiya ngayon lang ako nakapag update lam niyo naman ang palusot ng mga author marami daw ginagawa pero ang totoo tinatamad lang hahahaha
BINABASA MO ANG
I Can't Love You Back (JeDean/GaWong)
Fiksi Penggemar#50 Random 11/5/2018 #126 Fanfiction 11/5/2018 "I can't love you back deanna, Im sorry" -jema