Twenty two

1.7K 67 0
                                    

Third person

"Can we talk?" Sabi ni Edward sa Kisses na nakaupo sa harapan ng salamin.

Napalingon naman si Kisses, "E-edward."

"Please?"

Napabuntong hininga naman si Kisses, "Sige."

Tumayo si Kisses at sumunod kay Edward. Alam niyang magagalit si Donny kapag nalaman niya ang ginawa niya pero gusto niya na ring matapos ang issue nila ni Edward once and for all.

"Bakit?" Tanong ni Kisses paglabas nila sa rooftop.

"Bakit tayo umabot sa ganito?" Tanong rin ni Edward.

"Ang tagal na, Edward." Ani Kisses. "We had closure back then,"

Hindi nakapagsalita si Edward.

"I forgave you for the things ypu haven't done for me," Ani Kisses. "I forgave you even if you didn't deserve it."

"K-kisses..."

"Minahal lang naman kita, Edward."

"At mahal pa rin kita." Ani Edward. "Itatama ko ang lahat,"

Umiling si Kisses, "Okay lang na itama mo, pero hindi na tayo pwede."

"Please naman oh.."

Umiling si Kisses, "Masaya ako sa asawa ko, Edward. And even if I am not happy with him, I will always be beside him."

Tinapik ni Kisses ang balikat ni Edward, "Huwag na ako, Edward. Kasi kahit ano pang mangyari between me and Donny, I will always chose him."

"You really love him?"

Tumango si Kisses, "With everything I am, and everything I have; It's him, and will always be him."

Unti unting tumango si Edward, "S-sige.. I'm hoping for the best, Kisses."

"Palayain mo na ang sarili mo, Edward." Sabi ni Kisses bago tumalikod, "May isang tao diyan na handa kang mahalin ng buong buo."

Kasabay ng pagalis ni Kisses ay siya namang pag-iyak ni Edward. Pero may isang taong lumapit sa kanya at niyakap siya ng buong puso.

"Maymay,"

Sa kabilang dako naman, pagbaba ni Kisses ay isang Donny Pangilinan naman ang sumalubong sa kanya.

Niyakap kaagad ni Kisses si Donny. Doon lang din napagtanto ni Kisses na, sa dami na ng pinagdaanan nilang mag-asawa, wala na siyang dahilan para isuko pa ito.

"Anong problema?" Tanong ni Donny.

Umiling si Kisses, "Wala. Mahal kita."

Ngumiti naman si Donny, "Mahal din kita. Sobra."

AmaranthineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon