Kisses
"Nasan na ba 'yong Kuya mo?" Medyo naiirita kong tanong kay Hannah.
"Baka pabalik na din, gutom ka na ba?" Balik niyang tanong.
"Hindi." Tipid kong sabi.
I know, I'm a bit bitchy now but who cares. 'Yung asawa ko kanina pa hindi nagtetext ni sumagot sa tawag ko wala pa din.
Sinubukan ko ulit siyang tawagan dahil kahit naiinis ako ay nagaalala pa din naman ako.
Sa ikatlong ring palang siya sumagot, pero lalo lang nag-init ulo ko.
Kisses:
Nasaan ka na?
Donny:
Kisses, si Maymay 'to.
Kisses:
Oh? Nasaan asawa ko?
Donny:
Nag-cr lang saglit
Kisses:
Okay
Donny:
Kumain lang kami saglit sa labas
Kisses:
What do you want me to do cut my wrist?
Donny:
Ha?
Kisses:
Wala
Pakisabi sa asawa ko umuwi siya ng buhay
Hindi ko na siya inantay pa na magsalita at pinatay ko na ang tawag. Gigil na gigil ako ngayon. Hindi ko alam saan ko ibabaling pero naalala ko na pwede ko naman puntahan ang best friend ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Hannah nung nakita niyang palabas ako ng pinto.
"Basta."
"T-teka..." Natataranta niyang sabi. "Magagalit si kuya."
Wala naman akong pakialam kung magalit siya kaya nagtuloy tuloy ako palabas. Kahit buntis ako ay alam ko pa naman paano magdrive pero pinili ko nalang na magcommute. Mabuti nalang ay may taxi na dumaan sa village.
I went to Heaven's condo. Sobra sobra na 'yung nararamdaman ko. Pagbukas palang ng pintuan ni Heaven ay napaiyak na ako.
"Ohmygod! Kisses!" Natatarantang sabi ni Heaven at niyakap ako. "What happened?"
Hindi ako kaagad nakapagsalita kaya naman inalalayan niya ako papasok ng condo niya. She gave me water din para mapakalma ako.
"Tahan na, masama sa baby 'yan." Alu niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.
"Sorry." Sabi ko. "Naistorbo pa kita."
"Duh, ano pa't naging best friend mo ako?"
"Sobra sobra na kasi 'yung nararamdaman ko. I can't even tell my in-laws." Sabi ko. "I don't know, maybe, mood swings because I'm pregnant?"
"Hey, I'm here. I'm your soul sister kaya." Sabi niya at inakbayan ako. "You tell me, is it mood swings lang ba talaga or something's not right with you and your husband?"
I sighed, "I... uh.."
"Si Maymay nanaman ano?" Dugtong ni Heaven.
Hindi ako nagsalita. I'm scared if I'm gonna tell her alam kong magagalit siya eh.
"Tell me, okay ba talaga kayo ni Donny?" Seryoso niyang tanong.
"We're okay?" Sabi ko. "Or so, I thought?"
She sighed, "Lagi nalang problema 'yan, 'no?"
"Hindi naman yata, baka pinapalaki ko lang."
"Duh," Sabi niya sabay irap. "Dati she's a relationship wrecker lang, ngayon home wrecker na ang peg?"
"Heav, hindi naman niya kami sinisira."
"Hindi pa." Pagtatama niya sa akin. "Kasi humahanap pa ng tyempo."
"Heav.."
"No, Kirsten." Ani Heaven. "Hindi ako fan ng pagiging martyr mo, okay? Kung kailangang sampalin kita para maging palaban ka, sasampalin talaga kita."
Gusto ko ulit maiyak dahil sa pagiging protective ni Heaven sa akin.
"At kung kinakailangan na ipaglaban ko kayo ni Elijah, gagawin ko. I am not your best friend for nothing, Kirsten. Nanahimik ako nung inagaw sayo 'yung ex mo, but not this time. Not Donny, not Elijah."
Doon na ako napaiyak ng tuluyan. I may not have a blood related sister, but God gave me a soul sister.
Niyakap niya ako ng mahigpit, "Alam ko kahit hindi mo sabihin. Alam konh may pinagdadaanan ka. Don't hesitate to call me, kasi alam mong kahit nasa New York ka pa, pupuntahan kita."
"I love you, Heaven." Sabi ko. "I love you so much."
"I love you too, Kirsten." Sagot niya. "Magpahinga ka na muna, dito ka na matulog."
And there, I slept peacefully. Knowing Heaven was with me, I feel safe and I know she got me.