Donny
I went to MYX studio to formally bid my goodbye. My heart is too heavy to stay here, isa ito sa dahilan kung bakit ko napabayaan 'yung asawa ko.
"Aalis ka talaga?" Bungad ni Iñigo sa akin.
Actually andito lahat sila. Even kuya Robi is here.
"Naiintindihan namin ----"
"Don't." Putol ko sa sasabihin ni ate AI.
"Donny.." It was kuya Robi.
I saw Sunny crying, even Maymay was crying too. Pero wala akong maramdaman. Wala akong maramdaman para sa kanya kundi galit.
"Don't act like you know what I feel." Sabi ko.
Tatalikuran ko na sana sila pero hinawakan ni Iñigo ang balikat ko.
"What happened to "family", dons?"
"This happens." Walang gana kong sabi.
Hinigpitan ni Iñigo ang hawak sa akin. I can't feel the pain. Kasi wasak na wasak na ako sa loob.
"Donny." Iñigo warned.
Inalis ko ang kamay ni Iñigo sa balikat ko, "Gago na kung gago, pero gusto kong lumayo sa inyong lahat."
Doon na bumuhos ang emosyon ko. Napaluhod nalang ako sa harapan nila.
"Isa kayo sa dahilan kung bakit nawala sa akin 'yung anak ko."
"Hindi naman namin ginusto 'yun, dons." Ani Shine habang umiiyak.
Umiling ako ng paulit ulit. Lumapit sa akin si Maymay pero hinawi ko lang 'yung kamay niya.
"Donny!" Awat ni Iñigo.
I looked at Maymay, I don't care if she's a girl pero galit ako.
"I warned you, Mary Dale." Kinakalma ko 'yung boses ko but I can't. "I fucking warned you! Pero anong ginawa mo?!"
"D-donny.. L-let me explain."
Pilit niyang inaabot ang kamay ko pero umiiwas ako.
"Explain? Fucking explain?" Sigaw ko. "Anong gagawin namin ni Kisses sa explanation mo? Maibabalik ba nun 'yung buhay ng anak namin?!"
Doon bumuhos lalo 'yung luha niya. Pero wala akong maramdaman na awa.
"You ruined me, Mary Dale." Sabi ko. "You ruined my life, my life. Thank you for ha? Sana masaya ka na."
Bago pa nila ako pigilan ay lumabas na ako kaagad. I can't stay there, lalo na kung nandoon siya. I can't even give her a glance ng walang halong galit.