Donny
As soon as I ended up Heaven's call I rushed to the hospital. I was praying so hard na sana hindi pabayaan ng mga doctor ang mag-ina ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may nangyaring masama sa kanila.
Pagdating ko sa hospital ay tumakbo na kaagad ako sa may emergency room. I saw Heaven, Viv and Fenech, lahat sila mukhang kagagaling lang sa iyak. When Heaven saw me, nilapitan niya ako kaagad at sinampal ako.
"Kapag may nangyari masama sa kaibigan ko at sa magiging anak niya, God forgive me, but I will do everything to keep Kisses away from you." Gigil na sabi ni Heaven sa akin.
"N-no.. h-hindi ko kakayanin," Sabi ko at unti unti ng napaiyak.
My wife went missing yester-night, I was so worried na baka iniwanan nanaman niya ako. Tapos ngayon mababalitaan ko na nasa hospital siya because of bleeding.
"Tangina mo naman kasi. Bakit ba hindi mo magawang lumayo sa mga taong nakakasakit sa kaibigan namin?" Tanong ni Vivoree.
"What?" Kahit umiiyak ako ay hindi nakatakas sa akin ang galit sa boses ni Vivoree.
"Heav said na kasama mo raw kagabi si Maymay. You had dinner with her." Ani Fen.
"N-no. I was at MYX studio kagabi, after that nag-cr muna ako bago umuwi. Hannah's texting me na naiinis na si Kisses kaya nagmadali ako pauwi."
Nakita ko namang naguluhan si Heaven, "Ano? Teka, ang sabi ni Kisses, tinawagan ka ni Kisses kagabi. Tapos si Maymay daw ang nakasagot sabi niya kumakain daw kayo."
"That's not true!" Depensa ko. "Nasa studio kami after ng take ko, uuwi na ako nun. At pag-uwi ko wala na 'yong asawa ko."
"So, ang hitad nagsinungaling?" Fen said. "Ang babaeng 'yon! Sasabunutan ko talaga siya kapag nakita ko!"
Nanghina ako sa nalaman ko. All this time, Maymay was trying to destroy my family. All this time, Kisses was right. Maymay's intention was to break my wife's heart and believing that she might get me. Wow, what a wise girl huh?
Nasuntok ko 'yung pader dahil sa galit ko. Bakit hindi ko pinaniwalaan ang asawa ko?
"D-donny!" Natatarantang tawag nila Heaven sa akin.
"Bakit? Bakit ako naging tanga sa ika-lawang pagkakataon?" At doon na bumuhos ang luha ko.
Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak ko lalo na sa asawa ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko.
Napaayos ako ng tayo nung nakita ko 'yung OB-gyne ni Kisses. She looked at my direction and tried to smile.
"I'm sorry, Donny."