Kisses
Dumating naman 'yung OB ko, I saw sadness in her eyes too. Pero ayoko, ayoko siyang tingnan kasi ayokong kaawaan niya ako.
"I'm so sorry, Kirsten." Panimula niya. "It was partly our fault. Hindi namin kaagad nakita na maaaring twins pala ang anak ninyo ni Donny."
Hindi ko napigilang mapatingin kay Dra. Alvarez, kahit hawak ni Donny ang kamay ko ay hindi ko napigilang titigan si Dra.
"P-po?" Donny ask. "We were supposed to have twins?"
Dra. Alvarez nodded, "Unfortunately one of the embryos was smaller and behind in terms of development and so we lost one of the twins."
Mas lalong gumuho ang mundo ko. I lost one of my babies! Paanong hindi ko man lang naramdaman na dalawa pala sila?
"I'm sorry, Mr. and Mrs. Pangilinan." Dra. Alvarez said. "We tried to save the baby, but we were too late."
Hindi ko pa rin maproseso ang mga sinabi ni Dra. Alvarez hanggang sa lumabas siya ay nakatulala lang ako. Nabalik lang ako sa realidad when I felt something on my hands.
Donny was crying. Donny was hurt too, we are both in pain.
"H-hey." I called him.
Unti unti niyang inangat 'yung ulo niya, "I'm sorry. I'm so sorry."
"H-hey.. it's not your fault." I told him. "Don't blame yourself."
"Kung hindi sana tayo umuwi dito, kung hindi sana ako nag-artista ulit, sana okay tayo. Sana okay ang baby natin." Aniya at umiyak lalo.
I held his face, "We still have our baby, Donny. We need to focus on the good."
Iyak lang ng iyak si Donny. Alam ko namang sisisihin niya ang sarili niya, lalo pa't nag-away kami bago pa ako umalis ng bahay nila.
"Kalma na, bub." Sabi ko. "I'm okay, the baby is okay. And we have our angel now."
Pinilit kong pasayahin si Donny kahit na halos mabaliw na ako, I can't lose my baby. I lost one of the twins, and I can't bear to lose the other one. Kahit masakit, kahit mabigat.. I have to be strong.