She A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez
Chapter 11:
Princess POV:
Nakakainis!! Bakit si Anna ang inakabayan nya? Ako ang girlfriends diba? Bestfriend lang sya, hindi ako papaya ng ganito, mas lalong napapalapit si Gil kay Anna. I need to think…
Bumalik na kami sa bahay nila Anna, lumayo na muna ako kay Gil at saka hinatak si Rence sa ibang kwarto. Hindi pwedeng hindi ako kikilos ayokong may kahati kay Gil.
“Wait Princess, ano bang kailangan mo?” at binitiwan ko sya at lumapit naman sya saknya at sabay higit sa kwelyo nya.
“Gusto mo akong balikan diba?” bulong ko sa tenga nya. “Well may ipapagagaw ako sayo, pag nagawa mo yun kusang akong babalik sayo..” at saka humarap ako ditto at hinalikan ito.
Hinalikan rin naman nya ako, humiwalay naman ako agad sa kanya.
“Gusto kong paibigin mo si Anna, pag nagawa mo yun kusang akong babalik sayo..” sabi ko.
“Yun lang ba? Madali lang yun..” at hahalikan nya ulit ako ng bigla kong tinabig ng hinututo ko yung labi nya.
“Opps that’s enough..” at lumayo ako ng konti sa kanya at inayos ang sarili ko.
Bago ako umalis sa kwartong yun, ngumiti na muna ako rito at saka naglakad palayo.
Tignan ko lang kung hindi pa mapasakin si Gil.. *smirks*
Anna Marie’s POV:
Umuwi na si Regie at naiwan na kaming tatlo rito nila Myrrh. Si Myrrh naman kanina pa ngitngit ng ngitngit at walang ibang bukang bibig kundi si Shinichi, Shinichi, Shinichi. Hindi kasi maka move on yun lalo na kung Detective Conan ang pinanonood ng babaeng yun. Bigla naman syang binatukan ni Elica kaya naman natahimik to. At ewan ko ba sa sarili ko at naikwento ko sa kanila yung mga pangyayari kanina.
“Talaga Anna? Ginawa ni Kuya Gil yun?” sabi ni Myrrh at nag nod na lang ako bilang sagot.
“Don’t tell me my feelings din si Gil sayo..” sabi ni Elica habang hawaka ang baba nito.
“Kaso medyo complicated pa yung mga pangyayari diba? Ang epal lang naman dyan yung Princess nay un eh..”-Myrrh.
“Kailangan maidespatsa na yung Princess nay un masama ang kutob ko eh parang nasa lob ang kulo ng babaeng yun..” sabi ni Elica.
“Itigil nyo na nga yang dalawa para kayong mga timang sa pinagsasabi nyo eh..Yan aba ang epekto ng panonood ng Detective Conan?” sabi ko sa dalawa.
“Ewan ko sayo Anna, seryoso kami sa sinasabi naming diba Elica?” sabi ni Myrrh sabay tingin kay Elica.
“Tama!” sangayon ni Elica.
“Tsaka kung makatingin naman si Rence kay Princess feeling ko may something sa dalawang yun eh..”
“Tama!”
BINABASA MO ANG
She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]
General FictionOnce i fell inlove with a guy, a guy who been dreaming of. But one day i realize he taken by the someone's heart. Pero heto pa rin ako habol ng habol sayo.. Kasi wala sa vocabolary ko ang katangang "Stealing a Boyfriend is a Crime"