She's A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez
Chapter 6:
Anna Marie's POV:
"Aray!" napahawak naman ako sa noo ko na pinitik ni Gil.
"Tss..Sleepyhead, tumayo ka na dyan nandito na tayo!!"bakit ba kasi kailangan pang mamitik? Pwede namang mangalabit, sakit sa nun ha! Gaganti rin ako!!
Bumaba na ako ng kotse habang hawak ko yung noo ko, mukhang magkakabukol pa yata sa lakas ng pagkapitik ni Gil, syempre pumasok na kami sa loob alangan namang tumunganga pa di ba? Napatingin naman ako sa paligid at may napansin naman ako..
'WELCOME BACK RENCE VILLAFLORES'
Welcome party? Sino naman yung alien na nakasulat dun? *kamot ulo*
"Uy nandyan na pala kayo.." sabi ni Elica na may nakakalokong ngiti.
Pustahan siguro iniisip nitong babaeng to eh nagdate kami ni Gil, mga assuming talaga eh noh!!
"Nag date pa kayo noh kaya kayo natagalan.." see sabi ko naman sa inyo eh.
"Oo.." napatingin naman ako kay Gil. "Nagdate nga kami pero friendly date lang yun.." ay, akala ko pa naman kung anong klaseng date ang sasabihin nito, FRIENDLY DATE lang pala..
"Sino yung Rence?" sabi ko para maiba naman yung topic sigurado hindi na naman ako tatantanan ng mga to eh. Iba pa naman ang takbo ng utak ng mga yan.
"Pinsan ni Van yun.." napalingon naman ako at lumapit naman samin si Myrrh at nakacross-arm pa ang baliw..
"Eh bakit sa bahay mo cinecelebrate yang welcomw party na yan.." sabi ko sabay naglakad papasok ng bahay at sinundan naman ako ng mga to.
"Wala daw syang venue, psh......Lalakihan ko yung singil since ako pa yung nagluto.." sabi ni Myrrh with matching evil smile nya.
"Eh biglaan kasi yung dating nya galing Amerika, wag kang mag-alala magkano ba?" singit ni Van at sabay labas ng wallet nya.
Psh..Yabang..E di sya na mayaman!!
"Mamaya mo na ibigay k-kwentahin ko pa kung magkano.." sabi ni Myrrh.
Nandito na pala ang lahat, mamaya malalaman ko rin kung sino yang Rence na yan..
Napalayo naman si Van dahil sa tumunog ang cellphone nito, napalingon naman kami..>.>
Pero hindi ko naman narinig yung pinaguusapan nila, aish! Malamang kaya nga lumayo sya diba? Ang tanga naman Anna..
"Guys malapit na daw sya!" sabi ni Van.
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Van at nilantakan ko dun yung cookies sa lamesa, habang si Elica naman kumakanta. May videoke kasi rito, kaya ayan nagwawala na naman si Elica, birit kung birit, hay makalabas nga muna sigurado mamaya wala na akong tenga rito.
BINABASA MO ANG
She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]
General FictionOnce i fell inlove with a guy, a guy who been dreaming of. But one day i realize he taken by the someone's heart. Pero heto pa rin ako habol ng habol sayo.. Kasi wala sa vocabolary ko ang katangang "Stealing a Boyfriend is a Crime"