Chapter 36:

555 13 0
                                    

She’s A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez

 

Chapter 36:

Gilbert’s POV:

Nagtungo naman kami ni Anna sa Enchanted Kingdom, tulad ng napagusapan namin. Masaya ako at nakikita ko na namang nakangti ito.

"Dapat nagpakita na muna tayo baka magtaka sila kung nasan ka, hahanapin ka ng mga yun.." sabi ni Anna habang naglalakad kami papasok ng EK.

"Hayaan mo silang maghanap sakin, ang importante kasama kita ngayon.." at pinisil ko yung kamay nya na hawak-hawak ko.

Napansin ko namang napangiti namn ito. 

Namasyal lang kami sa kung saan-saan ni Anna. Sinubukan ko syang yayain na pumasok sa loob ng Horror House, pero hindi pumayag to!! Bandang huli pumayag rin ito.

"AHHHH GIL AYOKO NA RITO!!! LUMABAS NA TAYO!!" sabi nito pero tinatawan ko lang ito.

Nang makallabas na kami ng horror house bigla naman akon nitong sinutok at napahagulgol to ng iyak, nagtinginan naman yung mga tao samin kaya naman agad ko naman itong niyakap at pinaupo sa isang bench.

"Shh.. Tahan na nakakahiya sa mga tao rito.."

"Nakakainis ka kasi eh sinabi ko naman sayo na wag na tayong papasok dun eh.." at pinunasan ko naan yung luha nito.

"Tahan na ...para makabawi ako bibilhan kita ng Ice Cream.."

"Talaga?"

"Oo dyan ka lang ha! Hintayin mo ako.."  at tumayo naman ako para bumili ng Ice Cream nito.

But someone's grab my arm then everything was black.

Anna Marie's POV:

"Ang tagal naman ni Gil.." inis na sabi ko.

Panay ang tingin ko sa relos ko at hanggang ngayon wala pa ring Gil na dumarating. Sinilip ko uli ang relos ko at..

5:00 pm 

Hanggang ngayon hindi pa rin sya dumarating.. Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko, kaya naman agad ko itong pinunasan at saka tumayo at umalis na sa lob ng EK.

'San ka ba pumunta Gil?' 

Pero naghintay pa ako ng ilang oras, pero wala pa rin. Nagsimula na akong maglakad at panay ang hikbi ko, alam kong maraming taong nakatingin sa ginagawa ko. Pero hindi ko mapigilan eh, nakakainis saan ba sya pumunta? Hanggang sa puntong may nabunggo ako, nagbow na lang ako sa kanya at nagsorry at saka nilagapas ito. Pero agad naman nyang hinawakan yung braso ko at napatingin ako sa kanya.

She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon