She’s A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez
Chapter 19:
Anna Marie’s POV:
Pabalik na sana kami ng kotse ng bigla kong makapa kong wala yung shoulder bag ko sa balikat ko.( Malamang shoulder nga eh..)
“Ahm, Elica, Myrrh mauna na kayo sa bahay may nakalimutan lang akong kunin..” sabi ko.
“Sige ingat ka girl..” sabi ni Elica sakin.
At umalis na ako sa harapan nila, ayokong samahan pa nila ako at sabihing duwag ako, oo aminando ako takot ako sa ghost, lalo na’t ngayon eh araw ng patay ngayon..
Oh well good luck naman sakin.. Ngayon palang natatakot ako…. Nyai!
Nang makarating na ako agad ko naming dinampot yung bag ko..
“Buti nandito lang yung bag ko..hooh..” sabi ko, kinausap ko na lang yung sarili ko para mawala yung takot ko.
Naramadam kong mahumawak sa balikat ko, hala!! B-baka…..
Ayokong lumingon, hindi ako lilingon promise itaga nyo pa yan sa grahamball.
Pero natatakot ako eh…
“AHHHHHHHHH!!” hindi kona napigilan yung sarili ko at napasigaw na ako..
Dapat pala hindi ko na binalikan yung bag ko kung alam ko lang na ganito ang kakahantungan. T_T
Tatakbo sana ako ng..
“Sandali..” lilingon ba ako o hindi?
Pero hinawakan ng mumu yung braso ko, ayokong tignan baka basag yung bungo nya or may tahi yung mukha nya tapos kita yung laman, yuck! Kadirdir!
“WAAAH! WAG MO AKONG HAWAKAN! ANG PANGIT MO!!”sabi ko
Humarap na ako sa kanya, si kamatayan nasa harapan ko!! Waaaaahhhhhh!!
Tatakbo n asana ako ng bigla nyang hinawakan yung braso ko, grabe lang hindi ko pa oras diba?
“Hoy Anna!!” hinawakan nya yung balikat ko, tapos kilala nya ako.
Hindeee pwede to!!
“ANNNNAA!!” sigaw nung kamatayan..
Kaya naman napahinto ako sa pagwawala at pinagmasdan ng mabuti yung mukha ni kamatayan kung anong itsura. Pero hindi ko talaga makita eh..
“S-Sino ka?” tanong ko kay Manong Kamatayan.
Nangangatog na yung tuhod ko sa takot, hindi ko na kaya… Bakit ba kasi kinausap ko pa to eh..
“It’s me Rence!!” sabi ni Manong Kamatayan.
At tinignan ko naman sya ng mabuti, at nagpose pa!
BINABASA MO ANG
She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]
General FictionOnce i fell inlove with a guy, a guy who been dreaming of. But one day i realize he taken by the someone's heart. Pero heto pa rin ako habol ng habol sayo.. Kasi wala sa vocabolary ko ang katangang "Stealing a Boyfriend is a Crime"