Notey ni Ms. MyrrhRamirez: Happy Halloween!! Wooh! Sorry yan lang ang update ko ngayon ha! Kasi pag pinagpatuloy ko yung pagsusulat ko nyan baka maging horror na to, ganda kasi ng trip ng mga tao sa bahay eh storytelling ng mga kakatakutan. So here's the update guys!!
_________________________________________________________
She's A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez
Chapter 33:
Rence POV:
Pagkatapos ng nangyari sa Secret Garden ay agad naman akong nagtungon sa classroom ni Princess, nadatnan ko naman itong nagsusulat kaya naman lumapit ako rito.
"Anong kailangan mo?" tanong nito sakin habang hindi nakatingin.
"Wala lang, gusto ko lang na samahan ka, mukhang nagiisa ka lang dito eh.."
"Hindi ko kailangan ng kasama.." matabang na sabi nito.
"May hinihintay ka ba kaya hindi ka umaalis dito?" tanong ko sa kanya.
"Ano pa bang hihintayin ko? Wala di ba? Kaya lang naman ako nandito para mapagisa, tsaka isa pa ayokong umaasa na babalik yung taong yun sakin.." at umupo naman ako sa tabi nito at napansin kong may namuong luha sa mga mata nito.
Kaya naman kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at pinunasan ang luha ko.
"B-Bakit ganun Rence? Lagi na lang akong iniiwan?" at niyakap ko naman ito.
"Kung lahat sila iniwan ka, ako nandito lang ako at hindi kita iiwan.." at saka humagulgol naman ito ng iyak.
"Mahal ko sya Rence, p-pero bakit?" nakaramadam naman ako ng awa sa kanya habang umiiyak sa tabi ko.
"Wag kang mag-alala hindi kita iiwan, pinapangako ko yan.." sabi ko at hinimas-himas ko naman ang likod nito.
Anna Marie's POV:
"Hon, ang tahimik mo, alam mo bang kinakabahan ako pag ganyan ka?" sabi sakin ni Gil kaya naman napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa gawi nya.
"Wala to......wala lang ako sa mood, ikaw naman Gil parang hindi mo ako kilala.."
"Kinakabahan kasi ako Anna, pakiramdam ko parang may mangyayaring masama.." bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya.
Ang weird ng feeling, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito. Hindi kaya may mangyayaring hindi maganda?
*iling iling*
Wag naman sana..
"Gil.."
"Basta Anna, kahit anong mangyari magtiwala ka lang sakin at wag na wag kang maniniwala sa pinagsasabi nila..." at nagnod na lang ako bilang sagot.
BINABASA MO ANG
She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]
General FictionOnce i fell inlove with a guy, a guy who been dreaming of. But one day i realize he taken by the someone's heart. Pero heto pa rin ako habol ng habol sayo.. Kasi wala sa vocabolary ko ang katangang "Stealing a Boyfriend is a Crime"