Chapter 3; Entertaining That Handsome Beggar

10.2K 233 9
                                    

DyosaJadine36>>> Entertaining That Handsome Beggar

Masyado ng malalim ang gabi pero hindi parin ako makatulog. Hindi ko maiwasang tumanaw sa labas mg bintana at isipin iyung poging pulubi na syang nakasira ng lamesa at ng mga paninda ko kanina.

Kahit na napakadumi ng pagmumukha nya, alam kong pogi sya.

Hindi ko nga namalayan na nabalian na pala ako dahil sa lakas ng impact ng pagbunggo namin sa isa't-isa.

Ano mang pilit kong kalimutan ang mga mapupungay, nasasaktan, napapagod at nahihirapan nyang mga mata ay hindi ko magawa.

His color brown eyes are full sadness. Pakiramdam ko, kailangan nya ako sa tabi nya base on his stare lately. Hmmm, but maybe I'm just assuming.

Sandali pa akong natigil nang maalala ko iyung mata ni Mr. Dela Vega. Naalala ko pa nung mga panahon na natitigan ko ang puno ng lungkot at sakit na mga mata nito. Katulad na katulad lang iyun nung poging pulubi na nakatitigan ko kanina.

Oh, nakakabaliw!

"Ate? Gising ka parin hanggang ngayon? Ano na naman bang iniisip mo? O dapat ay, sino na naman iyang iniisip mo?" naaalimpungatang tanong sakin ni Jingjing habang kinukusot-kusot ang mata.

"Ano kaba, hindi pa kasi ako inaantok. Tsaka iyung mga paninda ko iyung iniisip ko hindi kung ano-ano o kung sino-sino ok?!"

"Talaga lang Ate huh?! Baka naman si Mr. Dela Vega na namam iyan?!"

"Hindi ah?"

Natahimik namam agad kami at sabay na lumingon sa kalangitan. Kahit kailan talaga ang gandang pagmasdan ang mga bituin.

"Ate alam mo, kanina may napanuod ako sa balita"

"Ano naman iyun?" tanong ko sa kanya at hindi ko na ito pa nilingon.

"May mayamang babae ang naghahanap sa nawawala nyang anak. Iyung anak nya pogi pero parang wala sa pag-iisip" napakunot ang aking noo sa sinabi nito.

Kawawa naman iyung poging lalaki na sinasabi ng kapatid ko. Pero teka! Pogi? Nawawala?

"Ahm, may picture bang ipinakita?"

"Oo Ate, whole body pa nga eh!"

"Anong masasabi mo duon sa litrato ng lalaki?"

"Gwapo talaga Ate! Matangkad, tapos maputi sya at napakatangos ng ilong"

Mabilis na pumasok saking isipan ang imahe ni Mr. Dela Vega at nung poging pulubi. Urgh! Bakit sila iyung pumapasok sa isip ko? Erase.

"Siguro mas gwapo pa iyun kay Mr. Dela Vega!" mayabang na sabi nito na syang ikinatawa ko.

"Wow huh?! Di mo pa nga nakikita si Mr. Dela Vega eh"

"Kahit pa Ate!"

"Teka, hindi mo ba nakita kung ano ang pangalan nung lalaking nawawala? Kahit iyung epilyedo lang?"

"Hindi Ate eh! Hindi ko na kasi pinagtuunan ng pansin iyung pangalan. Napahinto kasi ako sa gwapo nyang pagmumukha"

"Tsk, tsk!" tanging nasabi ko nalang rito.

"Kung wala kayong balak matulog, pwes magpatulog kayo. Hwag na kayong magpantasya sa mga taong pinagpapantsyahan nyo, wala kayong pag-asa. Nganga nalang kayo hanggang dulo" napairap kami ni Jingjing sa sinabi ni Kuya.

"Ang ingay kasi natin Ate kaya nagising ang monster" pabulong na ani ni Jingjing pero mukhang narinig ni Kuya kaya mabilis itong tumalon sa kama namin tsaka kiniliti ng kiniliti si Jingjing. Syempre nakisali ako.

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon