DyosaJadine36>>> Meeting Him Again
[Rose's Point Of View]
It's been three days nung magkita at magkausap kami ni Jurrence. Hindi ko nga akalain na magkikita kami sa lugar na iyun.
Sa tuwing naaalala ko ang kanyang malungkot na mukha at lumuluhang mga mata ay tila sinasaksak ang puso ko.
Sobrang sakit para sakin na makita syang lumuluha. Inaamin ko naman kasi na mahal na mahal ko parin sya hanggang ngayon.
Kahit kailan ay hindi sya nawala sa isip at puso ko. Halos kalahating taon ko sya nun iniyakan dahil sa pag-iwan ko sa kanya.
Nung makita ko sya sa may labas ng simbahan ay may nag-udyok sakin na sunggaban sya ng yakap at pugpugin ng halik, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayuko ng sirain pa ang buhay nito na nasa maganda at maayos na kalagayan. Kasama ko rin ang anak ko, ang anak naming dalawa at wala akong balak na ipakilala ito sa kanya.
Masakit rin iyun para sa side ko. Malapit lang sakin ang pinakamamahal kong lalaki, malapit lang sa anak ko ang ama nya pero hindi ko magawang ipakilala sa isa't-isa.
Natatakot kasi ako na baka mapahamak si Rense maging si Jurrence oras na malaman ni Zoren kapag lumapit pa ako kay Jurrence.
Nalagay na nuon si Jurrence sa alanganin kaya ayaw ko na iyung maulit ulit. Isa pa, natatakot ako na baka may tanim pala ng sama ng loob sakin si Jurrence dahil nagawa ko syang iwan.
Aminado naman ako na isa akong walang kwentang babae at napakaduwag pa. Naramdaman ko iyun ulit sa sarili ko dahil sa mga sinabi ni Jurrence.
Pero hindi kinaya ng utak ko ang mga rebelasyong nalaman ko. Katulad nalang ng hindi nya talaga anak si Miguel. Hindi parin kasi talaga ako makapaniwala.
[Flashback]
Pasakay na sana ako ng sasakyan nang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Walang pasabi na tumulo ang luha ko pagkakita ko sa kanya.
"Jurrence" lumuluha ang mga mata ko pagkabanggit ko sa pangalan nya.
"Rose, is that you? Ikaw ba talaga iyan?!" hindi nito makapaniwalang tanong. Naaalala pa pala ako nito.
Hindi ko maiwasang magtaka nung mapansin kong puno ng saya ang kanyang reaksyon, masaya ba ito na nakita nya ako? Hindi ba ito galit sakin?
"Rose, matagal na kitang hinahanap! Akala ko ay hindi na kita makikita pang muli!" nakangiti itong lumapit sakin.
Hindi ko namalayan na wala na pala si Rense mula sa pagkakabuhat ko, mabuti at hindi sya nakita ni Jurrence. Dahil hindi ko hahayaang magkakilala silang dalawa. Patawarin sana ako ni Jurrence.
"Ang laki na ng pinagbago mo. Mas gumanda ka ngayon"
"S-salamat" napakagat labi ako nang mautal ako bigla.
"Kumusta kana? Bakit bigla ka nalang nawala?" napalitan ng pagkalungkot ang ekspresyon nito na kanina ay masaya.
"Rose, bakit iniwan mo ako? Akala ko ba ay mahal mo ako?" mas nadagdagan pa iyung luha na tumutulo mula sa mata nya.
Napaiwas ako ng tingin para hindi nya makitang nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko.
Sa totoo nyan ay pakiramdam ko sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit. Nasasaktan akong makita si Jurrence na ganito pero wala akong magagawa.
Sa totoo nyan ay ilang taon kong pinagsisihan ang pang-iiwan ko sa kanya, kahit hanggang ngayon naman. Pero tama lang iyung ginawa ko diba?
"Rose, magsalita ka naman. Sagutin mo naman ang mga tanong ko, ilang taon kong hinanap ang sagot pero wala akong nakuha na ano mang sagot mula sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sakin. Rose, ikaw lang ang makakasagot ng mga katanungan ko"
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Special
RomansaKilala si Jurrence Dela Vega bilang isang good looking at magaling na business man sa larangan ng business Industry. Sa kasamaang palad ay nawala siya sa katinuan nang iwan siya ng kanyang asawa na hindi naman siya minahal at ng kanyang inakalang an...