Chapter 31; Juguel (Jurrence and Miguel)

6.4K 130 11
                                    

DyosaJadine36>>> Juguel (Jurrence and Miguel)

[Rose's Point Of View]

Hindi ko maiwasang mapangiti kapag nakikita kong sobrang saya ni Jurrence habang nakikipaglaro ito kay Miguel.

Oo, tama ang na-isip nyo. Nagka-ayos na ang mag-ama. Nakakatuwa nga silang tignan at panuorin. Sulit na sulit ang paghihirap ko na pakiusapan si Miguel.

[Flashback]

Mahigit tatlong minuto na akong naghahalungkay sa loob ng damitin ko, naghahanap ako ng ibang kagamitan na maaaring makapagbigay sakin ng kumunikasyon kay Tita Georgina.

"Rose, ano bang hinahanap mo? Kanina kapa dyan ah? Gulong-gulo na iyung malinis kong kwarto dahil sayo" inis na tanong ni Princess dahil siguro ginulo ko ang kwarto namin.

Sa kwarto na kasi nito ako nakikitulog. Maging sina Patrice, Maui at Gie Ann. Inalisan kasi nung Zoren na iyun ang mga ito ng kwarto at ginawang Mini Gym. Kaya nagsisik-sikan kami sa iisang kwarto

"Naghahanap kasi ako ng cellphone, baka may naipuslit ako sa bahay" sagot ko habang patuloy na naghahanap.

"As if naman meron ka, edi ba de keypad ang cellphone mo?" sabi pa nito bago umirap.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ngayon ko lang naalala na dalawa lang naman kami ni Kuya na may cellphone sa pamilya namin.

"Rose, bakit hindi kaya magpaalam tayong lumabas? Tapos humingi tayo ng tulong sa kahit na sinong kaibigan natin sa labas?" suhestiyon ni Patrice na syang nakapagbigay sakin ng magandang ideya.

"Tama ka Patrice, bukas na bukas ng umaga ay pupunta kami ni Princess sa palengke, magbabakasali kaming makita namin si Kenneth na kaibigan namin" bulalas ko.

"Sakto lang pala eh, napansin ko kanina sa kusina na pa-ubos na ang stocks natin!" sabad ni Maui.

"Mabuti kung ganun. Iyun ang plano natin, sana lang ay makita namin si Kenneth" nakangiting sabi ni Princess.

"Eh paano kapag hindi?" sarcastic na tanong ni Gie Ann.

"Basta, gagawa kami ng paraan" sabi ko pa para mapalakas ang loob nila.

"Kung ganun ay kailangan ko ng matulog para maganda ako kinabukasan" todo ngiting sabi pa ni Princess bago humiga na sa kama nya.

Nagsihiga narin ang iba. Ako naman ay tumayo para lumabas ng kwarto upang mabisita naman si Jurrence.

Dalawang araw na kasing narito ang mag-ina na wala namang ibang ginawa kundi ang utos-utusan lang kami.

Hindi ko nga alam kung paano nakakakain si Jurrence, iyung men in black  kasi ang inatasan ni Zoren na mangalaga muna rito.

Pagkalabas ko kaagad ng pinto ay hinarangan na ako ni Brillio, isa sa mga men in black ni Zoren na inutusan nyang magbantay sakin.

Pikon na pikon na nga ako sa lalaking ito eh, pero naisip ko na nagtatrabaho lang ito kaya kailangan nyang sumunod sa pinag-uutos sa kanya.

Masasabi kong mabait naman ito. May ilang bagay akong nalaman sa kanya sa loob lang ng buong isang araw.

"Saan ka pupunta?" tanong kaagad nito sakin.

Hindi talaga nito binabanggit ang pangalan ko. Hindi ko rin naman alam ang dahilan kung bakit, pero wala naman akong pake.

"Tinatanong kita"

"Kay Jurrence lang, gusto ko lang syang bisitahin"

"Hindi pwede!" kumunot bigla ang aking noo.

"Anong hindi pwede? Brillio, ako ang nag-aalaga kay Jurrence. Gusto ko syang makita, paano kung sinasaktan pala sya ng mga kasama mo?!" hindi ko maiwasang magtaas ng boses.

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon