Chapter 23; Jp's Condition

5.8K 145 22
                                    

DyosaJadine36>>> Jp's Condition

[Rose's Point Of View]

Mag-isa akong naglalakad pauwi saming bahay sa kalagitnaan ng dilim. Gabi na ako nakauwi dahil sa nagkaroon ng problema sa kalsada.

Ihahatid nga sana ako ni Terso at ni Dara pero tumanggi na ako, ayukong maabala ko pa silang dalawa. Kaya ko rin namang umuwi mag-isa.

Napahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa boundary ng barangay namin. Sure ako na ligtas na ako ngayon.

Pero ganun nalang ang kabang naramdaman ko nang may marinig akong natumbang lata sa may likuran ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Napahinga ako ng maluwag nang makitang pusa lang pala iyun.

Tumalikod na ako at nagsimula na ulit na maglakad. Baka mapaano pa ako kapag nanatili ako sa labas.

Kaagad rin akong nakauwi ng bahay. Tinakbo ko na yata papunta sa bahay namin para makapasok sa loob. Nakakatakot kasi sa labas.

[Jp's Point Of View]

Sh*t! Napamura ako saking sarili nang tuluyang makapasok si Rose sa loob ng bahay nya. Bakit ba naman kasi ang duwag-duwag kong klase ng lalaki?

Mula kanina sa labas ng simbahan ay sinusundan ko na sya. Muntik pa nga nya akong makita nun sa parke.

Iyun naman talaga ang pakay ko eh, ang magpakita sa kanya at ang kausapin sya in person. Pero bakit naduduwag ako?

Bumuntong hininga ako. Masyado ko yatang natatakot ang dalagang iyun. Dapat siguro ay pormal ko syang puntahan sa bahay nila at kausapin sya kasama ang kanyang pamilya.

Napatango-tango ako. That's it! Iyun ang dapat kong gawin. Bukas na bukas ay babalik ako rito para makausap sila.

[Rose's Point Of View]

Kinakabahan akong nakatitig sa maamo at gwapong mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Sya si Jp Valdez diba? Ang lalaking nakabangga sa pinakamamahal kong kapatid na si Jingjing.

Ano kayang ginagawa nya rito? Sisingilin na ba nya iyung utang namin sa kanya? O kaya sasabihin na ba nya ang kapalit na hihingin nya?

Kinakabahan ako, pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Pero sana mali ang kutob ko.

"Ihoj, magkape ka muna" inilapag ni Nanay ang tasa na may lamang kape sa katapat na table ni Jp.

"Salamat po" nakangiting sabi nito.

"Ano po bang ginagawa nyo Sir. Jp dito? Sisingilin nyo na po ba ang utang namin sa inyo?" magalang na tanong ni Kuya rito.

"Actually, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. I told you na kahit kailan nyo bayaran ang utang nyo sakin, pero sa sitwasyong ito ay kailangan ko ng makuha ang bayad nyo sakin na nagkakahalagang animnapu't limang libo"

Napatawa ako ng marahan bago ay marahas na tumayo. May mali rito eh, at kailangan iyung itama.

"Kailangan pa ba namin iyung bayaran? Oo nga't wala kang kasalanan sa aksidenteng nangyari sa kapatid ko pero responsibilidad mo paring tulungan kami sa pagpapagamot sa kanya. Sa totoo lang ay pwede ka naming ipakulong dahil kahit na si Jingjing ay may mali ay nabunggo mo parin sya!"

Ngumiti ito na mas nakapagpa-inis sakin. May gana pa syang matawa sa ganitong sitwasyon? Totoo naman ang sinabi ko diba?

"I understand you Rose. Pero alam naman natin ang kalakaran dito sating lugar. Hindi kayo mananalo, hindi sa mababa ang tingin ko sa inyo pero hindi kayo papanigan ng may mga kapangyarihan rito"

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon