Chapter 38; Same School

6.3K 170 27
                                    

DyosaJadine36>>> Same School

[Rose's Point Of View]

Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang glass na may lamang lemon juice. Hindi na nga ito ganun kalamig dahil kanina ko pa itong hawak.

Sino ba naman ang hindi kakabahan at manginginig kung makakaharap ko ang iniiwasan kong tao sa lahat, si Jurrence.

Niyaya ako nito na pumunta sa isang simpleng restaurant, tumanggi ako pero mapilit ang anak kong si Rense kaya wala rin akong nagawa.

Pero ang ipinagtataka at mas ikinakaba ko ay kung bakit ipinaiwan ni Jurrence si Rense at si Heren sa loob ng sasakyan nya at kaming dalawa lang ang nasa loob ng restaurant.

Binilhan nalang nga nya ang mga ito ng tigdalawang slice ng cake at dalawang juice. Hwag naman sana nyang sabihin na gusto nyang mag-usap kami.

"I want to talk to you Rose"

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayuko muna syang makaharap. Hindi pa ako handa na makausap sya, tsaka natatakot ako na baka may masabi akong hindi dapat sa kanya.

"Maybe some other time Jurrence, busy pa kasi ako eh" akma na sana akong tatayo nang magsalita ito na nagpa-ikom ng bibig ko.

"Just please talk to me at least five minutes. Madami akong gustong itanong sayo" hindi kaagad ako nakasagot.

"Bakit basta ka nalang umalis Rose? Wala akong makuhanan ng sagot. Wala akong nakuhang sagot mula sa mga naging kaibigan mo sa mansion, wala kina Dara at wala rin kay Miguel"

Umiwas ako ng tingin dahil wala rin naman syang makukuhang sagot mula sakin. I'm just afraid na baka balikan ako ni Zoren at madamay ang anak ko.

"Rose please answer me" pagsusumamo nito bago ay hinawakan pa ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"I'm so sorry but I really have to go" inagaw ko mula sa kanya ang kamay ko.

"You change a lot"

Yumuko ito at napansin ko nalang na bahagyang yumugyog ang balikat nito. What is happening to him? Nag-aalala na ako.

"H-hindi mo na ba talaga ako mahal Rose?" nangilid kaagad luha sa mga mata ko.

Pakiramdam ko ay may kumirot sa bawat parte ng puso ko nang marinig ko ang pumipiyok na boses nito. He is crying because of me.

"Ang laki-laki na ng pinagbago mo Rose. Hindi na kita kilala, akala ko iyang hitsura at katayuan mo lang sa buhay ang nagbago sayo. Pero iba narin ang pagkatao mo" tumitig ito sakin.

Hilam ang mga mata nito na mas nagdagdag ng kirot sa puso ko. Hindi ko naman ginustong saktan sya ng ganito eh.

"Rose mahal kita, mahal na mahal pero mukhang hindi na ganun iyung nararamdaman mo sakin ngayon. Mas mabait ba at mas masarap kasama ang ama ng anak mo kesa sakin?"

Hindi Jurrence, para sakin ikaw ang best sa lahat. Pero hindi ko magawang masagot ang tanong mo. Patawarin mo sana ako.

Nagtaka ako nang tumawa ito ng pagak bago sandaling tumalikod para siguro punasan ang mga luha nya na gusto ko sanang ako magtatanggal sa pisnge nya.

"I'm sorry, I should not asked that question. We both know na wala akong laban sa lalaking mahal mo ngayon. Sino ba naman ako, isa lang naman akong may problema sa utak na inalagaan mo noon right?"

Napa-iling-iling ako. This is to much, sobra-sobra na ang panlalait nya sa sarili nya. He shouldn't down himself.

"Jurrence, don't say that. Don't underestimate yourself" this time ay ako naman ang humawak sa mga kamay nya.

"What? You know that I'm saying the truth right? That time I'm useless and lunatic. Hindi naman kita masisisi kung may minahal kang iba, kung masaya na ang pamilya nyo ngayon"

Umiling-iling ako at hindi ko ginawang bitawan ang mga kamay nya. Lumipat ako ng upuan na katabi lamang ng inuupan nya.

"Jurrence, it's not like that. Naiiba ka sa mga lalaking nakilala ko. I have my reasons kaya nagawa ko ang mga ganuong bagay. I hope you understand"

Mabilisan kong idinampi ang aking labi sa noo nya at tumayo na. Nag-iwan ako ng sapat na pera pambayad duon sa juice.

"No, I will pay for that" kinuha ni Jurrence ang pera na inilapag ko at inabot sakin pabalik.

"Are you going to leave?" tanong pa nito na tinanguan ko lang.

Nilabas kaagad nito ang wallet nya at naglapag ng pera sa mesa. Sabay na kaming lumabas ng restaurant at nagtungo sa may sasakyan nya.

Binuksan nya ang pinto sa may likod kung saan naka-upo sina Heren at Rense. Pagkakita sakin ni Rense ay bumaba kaagad ito ng sasakyan nya.

"Mommy, are we now going to leave?" tanong kaagad nito.

"Yes son" I answered.

"But I want to stay with them, I want to know Heren's Daddy too"

Umiling ako. Hindi pa ako handa para makilala ng anak ko ang totoo nyang ama. Maybe next time, kapag may lakas na ako ng loob.

"So, what is your name anyway?" nabigla ako nang tanungin iyun ni Rense kay Jurrence.

Sasagot na sana ito pero binuhat ko na kaagad si Rense at nagpaalam na sa kanila. Pinaharurot ko kaagad palayo ang kotse pagkasakay namin.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Rense para sana kwentuhan sya ng bed time story, pero pagkahiga na pagkahiga ko sa tabi nya ay nagsalita ito.

"Mommy, ano pong name nung father ni Heren?"

Iyan na nga ba ang ikinababahala ko kanina eh. Ang tanungin nya ang bagay na ito? Paano nalang kung magka-idea sya na ama nya si Jurrence oras na malaman nya ang pangalan nito?

"Why are you asking? Is that important?" tanong nya rito para makaiwas sa tanong nito.

"Yes Mommy. You know what Mommy, lahat ng classmates ko ay matatalino at magagaling. I feel so weak and empty-headed that's why napaiyak po ako kanina. Then Heren's Daddy showed up. Pinalakas nya po ang loob ko at pinatahan nya rin po ako. Nafeel ko po na may Daddy ako"

Natahimik ako dahil sa sinabi nito. He always mentioning the Daddy thingy. Nakokonsensya na nga ako eh.

"Mommy, gusto ko lang naman po malaman ang name nya eh. Nafeel ko po kasi sa kanya na parang Daddy ko sya" umupo ako sa kama nya.

"I'll tell you next time ok? But for now, call him by his surname. And please, hwag kanang makulit alright?"

"Ok fine Mommy"

"Can I request something?" tanong ko pa.

"Anything Mommy"

"I want you to close the topic about your Dad for about three months. Hindi mo pwedeng i-open ang topic na iyun kapag nag-uusap tayo maging sa ibang tao ok?"

Kumunot ang noo nito bago sya umupo sa harapan ko para mapantayan ako. Nagtataka ako nitong tinitigan. As I expected.

"Why Mommy?"

"Well, makikilala mo narin naman ang Daddy mo after three months. It's more surprising if hindi mo muna sya pakakaisipin at gagawing topic"

"Ok Mommy, if that's what you want"

"Promise me that, never mong babanggitin iyan kahit na kanino"

"It's kind of weird but I promise!"

Napangiti ako bago ko ito yakapin at halikan sa noo. Sa ngayon ay nabawasan na ang isipin ko. Next plan, tsaka na muna siguro.


Author's here!

Para wala ng reklamo ay mamadaliin ko na po ang estoryang ito. Pabago-bago ang laman ng utak ko, and do you know na paulit-ulit ako sa bawat chapter cause someone provoked me to do so. At ang readers iyun.

Don't worry, after this chapter ay puro kasweetan at kalandian na ang mga mababasa nyo.

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon