Chapter 10; Kasambahay 2

8.5K 197 13
                                    

Ahermn! Mabait ako sa mabait. Kung ako pa ang tinatakot mo, aba'y sabunutan nalang ano?! Kung hindi kayo makapaghintay sa update ko, it's mean hindi kayo makaintindi.😏 Heheh joke lang!😊Please lang naman aba'y maghintay. Hwag nyong hintayin na putulin ko ito dahil sa pagka-inis sa inyo. Salamat sa pag-unawa.

DyosaJadine36>>> Kasambahay 2

[Rose's Point Of View]

Maaga kaming nagising ng pamilya ko at nagtungo sa paborito naming lugar. Sa simbahan.

Punong-puno ng tao ang loob ng simbahan dahil araw ng linggo ngayon. Magkasama kaming nagsisimba ngayon para magpasalamat sa mga biyayang natatanggap namin.

"Rose!" napalingon ako kay Kuya.

Kalalabas lang namin ng simbahan dahil tapos na ang misa. May inabot sakin si Kuya na isang supot.

"Ano ito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Buksan mo!" sabi nito tsaka ako inirapan.

Napangiti nalang ako sa inasta nito. Parang babae lang kasi kung magtaray.

"Ate anong laman niyan? Patingin!"

Inunahan na ako ni Jingjing na buksan ang supot na iniabot sakin ni Kuya. Napangiti kami ni Jingjing nang makita ang laman niyun.

Tatlong bagong damit. Malaking bagay na iyun sakin dahil kahit kailan hindi nagawa ni Kuya na bilhan kami ni Jingjing ng ganitong mga bagay.

"Oh ano pang hinihintay nyo, tara na!" masungit nitong bulyaw samin tsaka na sumakay ng tricycle.

Sumunod na kami ni Jingjing at nakangiti kong tinitigan si Kuya. May ibinulong ako sa kanya that makes him blushed.

"Kuya salamat"






Niyakap ko ng mahigpit si Jingjing. Umiiyak kasi ito dahil ayaw nya na umalis ako, pero di naman pwedeng manatili lang ako dito.

Tinanggap ko kasi ang inaalok na trabaho sakin ni Mrs. Dela Vega. Magiging kasambahay ako sa mansion nila hanggang kailan ko gusto.

Stay in duon kaya naman iyak ng iyak si Jingjing. Sa sobrang malapit namin si isa't-isa ay nalulungkot ito na lalayo na ako sa kanila.

Kahit ako man ay nalulungkot rin. Pero gusto ko rin namang maranasan ang mabuhay ng mag-isa. Buong buhay ko kasi ay nasa puder parin ako nina Tatay at Nanay.

Isa pa, gusto kong makita si Jurrence. Hindi man ako ang mag-aalaga sa kanya, makikita at makakasama ko naman sya. Sapat na ako duon.

Pero kaya ko ba? Kaya ko bang makita na masaya sya kasama ang asawa't-anak nya? Sa pagkakaalam ko, ay hiwalay na si Jurrence at si Zoren. Pero baka sa pagkakaalam ko lang iyun.

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon