Chapter 20; Couple Shirt

7.4K 195 17
                                    

DyosaJadine36>>> Couple Shirt

Kasalukuyan akong nagtutupi ng aking mga damit at inilalagay iyun sa malaking bag. Sa susunod na araw kasi ay uuwi na ako sa baryo namin.

Paniguradong magtatampo na naman sakin si Jurrence kapag nawala ako ng dalawang araw.

Kung pwede nga lang na hindi ko sya iwanan eh, kaso lang hindi iyun maaari. May pamilya rin ako na dapat bisitahin.

Sa totoo lang ay miss na miss ko na ang pamilya ko at ilang kaibigan na naiwan sa baryo namin. Pero syempre ay mamimiss ko rin si Jurrence.

"Ihhhhh, excited na talaga ako!" natigilan ako sa pagtutupi ng mga damit nang marinig ang pagtili ni Maui mula sa sala.

Ang lakas naman ng boses niyun. Napatayo pa ako at sumilip dahil sa nacurios ako sa pagtili nito.

Nanduon rin pala si Brix, Patrice, Gie Ann at Princess. Ano kayang meron? Mukhang ang saya-saya pa nila.

"Ako nga rin. Hindi na ako makapaghintay para bukas" rinig ko pang bulalas naman ni Patrice.

"Kahit ako rin. Laking pasasalamat ko talaga kay Madam Dela Vega, napakabuti nya. Mamimiss ko tuloy kayo kapag nagpunta na ako ng abroad" kumunot bigla ang aking noo nang marinig ang sinabi ni Brix.

Maga-abroad pala ito? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyun? Paano na si Jurrence kapag nawala si Brix? Sino nalang ang magpapaligo rito?

Namula ang aking pisnge nang maisip na maghahired ng bagong tagapagligo si Tita Georgina para kay Jurrence. Nanikip ang dibdib ko sa isiping babae ang magpapaligo sa kanya.

"Itutuloy mo ba talaga ang plano mong mag-ibang bansa?" malungkot na tanong ni Princess.

"Oo eh, hindi naman talaga isang tagapagpaligo lang ang gusto kong trabaho. Ayukong manatili nalang sa ganuong trabaho. Nakapagtapos ako ng kursong medisina at pangarap kong maging doctor sa US, gusto kong matupad iyun kaya makikipagsapalaran akong mag-abroad"

Napangiti ako dahil sa narinig na sinabi nito. May pangarap naman pala ito at pangarap nyang makapagtrabaho sa ibang bansa. Pero paano na si Jurrence?

"Eh kailan pala ang alis mo? Planado na ba?" tanong ko at nagsimula ng maglakad pababa ng hagdan.

"Oh Rose, ikaw pala" nakangiting bulalas ni Brix nang makahinto ako sa harap nila.

"Bakit hindi ko alam ang tungkol sa pag-alis mo?" tanong ko pa rito.

"Ang totoo nyan ay kahapon lang din nila nalaman ang tungkol sa pag-iibang bansa ko. Siguro two weeks from now ay magpapaalam na ako sa inyo. Mamimiss ko kayong lahat" sabi pa nito bago ngumiti ng malawak.

Nginitian ko rin ito kahit na nalulungkot ako. Kahit hindi kami madalas magkasama ay itinuring ko narin syang kapatid ko, minsan nga ang tawag nya sakin ay bunso.

"Hwag kayong mag-alala, hindi ko naman kayo makakalimutan. Tatawag parin naman ako para kamustahin kayo, pati narin si Sir. Jurrence" nakangiti pa nitong sabi.

"Teka nga, magdadramahan nalang ba tayo rito? Ilang linggo nalang ang itatagal ni Brix kaya dapat ay magsaya tayo. Naku Rose, sumama ka samin bukas ah?" kumunot ang noo ko dahil sa huling sinabi ni Maui.

"Sumama saan?"

"Naku, nakalimutan kana naming sabihan kasi nagdrama pa itong si Brix. Dahil nga sa aalis na sya, naisipan ni Madam Dela Vega na bigyan ng pahinga si Brix. At dahil mabait ang amo natin, binigyan nya tayo ng pera para naman makapamasyal tayo sa Mall!" tumitili pang paliwanag ni Maui at nagtatalon-talon pa. Iyun siguro iyung kanina pa nyang itinitili.

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon