DyosaJadine36>>> Poging Pulubi
Maaga palang ay gumising na ako para makapaghanda ngayong umaga. Araw kasi ng sabado ngayon, madami-dami ang namamasyal. Lalo na bukas.
"Oh Ate, kape!" inabutan ako ni Jingjing ng isang mainit na kape.
"Salamat Jingjing!"
"Oh mga anak, pandesal!" iyan agad ang bungad ni Tatay pagkapasok palang nya ng kusina.
"Pandesal na naman?!" naibulalas ni Kuya.
Napa-iling nalang kami ni Jingjing at maging nina Mama at Papa. Kahit kailan talaga, si Kuya!
"Alam mo namang di tayo mayaman Kuya, katulad ng iba! Si Tatay naggagawa lang ng mga laruan, si Nanay naglalabada. At ako nagtitinda ng laruan, makuntento ka nga sa kinakain natin. Masarap naman ang pandesal ah?"
"Naku Rose! Hindi naman pwedeng hanggang dito nalang ang katayuan natin sa buhay!"
"So anong gusto mong gawin ko, aber?!" napataas na ang boses ko dahil sa inis.
Nakakainis naman kasi kung magsalita si Kuya. Hindi naman kami mayaman para mag-inarte pa sya.
"Humanap ka ng mapapangasawa mo, iyung mayaman ah!" napairap ako sa sinabi nito.
Akala nya ba madaling makahanap ng mapapangasawa?! Tsaka hindi kaya ako gold digger! Mabuting tao ako ano?
"Hay naku Kuya, ibahin mo ako!"
"Oh tama na iyan! Baka saan pa mapunta iyang pinagtatalunan nyong dalawa eh! Baka mas lumaki pa iyung gulo!" awat ni Nanay.
"Pero Ate, kailan ka nga ba mag-aasawa? Kapag nakita mo na iyung the one that got away mo?" napakunot ang aking noo sa sinabi ni Jingjing. Sino naman kaya ang tinutukoy nito?
"Si Mr. Dela Vega ang tinutukoy ko Ate! Nawala sya kaya sya ang TOTGA mo!" napa-iling nalang ako at nagtawanan naman sina Mama at Papa.
"Magtigal ka nga Jingjing! Pati kayo! Wala pa akong panahon sa mga ganyan"
Wala nga ba?! Madalas naiisip ko, kung mag-asawa na kaya ako? Malaki na ako at kaya ko na magdesisyon para sa sarili ko. Pero ang tanong, may lalaki bang para sakin?
[Georgina's Point Of View]
"Do something! Halos tatlong araw ng nawawala ang anak ko!"
"Yes Madam! But for now, maghintay po muna kayo sa next update namin"
"Wait until your next update?! Seriously?! I want you to find my son quick! Masyadong delikado sa labas lalo na at mag-isa ang anak ko!"
"Alam po namin iyun Madam. Pero ginagawa naman po namin ang tungkulin namin"
"Talaga lang huh?! Ginagawa nyo ba talaga? Kung ganun, bakit wala pa ang anak ko?! Mga wala kayong silbe!"
"Georgina, huminahon ka" pilit akong pinahihinahun ni Tiara, one of my Amiga. Pero paano ako hihinahun sa tuwing naiisip ko na nasa kapahamakan ang anak ko?
"I have to go Madam!" tuluyan ng umalis ang hinired kong maghahanap saking anak. Mga wala silang silbe!
"Georgina, huminahon ka naman! Hindi madaling hanapin ang isang tao!"
"Yeah I know that Tiara, ang sa akin lang... Baka mapahamak ang anak ko! Sinasaktan nya ang sarili nya, pati ibang tao sinasaktan nya. Baka mabugbog sya ng ibang tao o pagtripan!"
"Well that will never be happen if magpe-pray ka! You know what, just wait until they found your son!"
"Hindi ko alam kung makakapaghintay ba ako!"
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Special
Storie d'amoreKilala si Jurrence Dela Vega bilang isang good looking at magaling na business man sa larangan ng business Industry. Sa kasamaang palad ay nawala siya sa katinuan nang iwan siya ng kanyang asawa na hindi naman siya minahal at ng kanyang inakalang an...