DyosaJadine36>>> Revealed
[Rose's Point Of View]
Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko mula kay Heren, nung iniwan muna ito ni Jurrence sa bahay nung nakaraang araw ay nakipagkwentuhan ako sa bata.
At duon ko lang nalaman na nakomatos pala si Tita Georgina. Last year ay nahulog pala ito sa hagdan at natagpuan nalang nila Patrice na duguan ang ulo nito.
Kahit ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyun ay nagpapasalamat ako sa may lalang dahil hindi niya ito pinabayaan at sa halip ay binigyan ito ng pangalawang buhay.
Kanina nga ay tumawag sakin si Jurrence through phone para yayain ako na bumisita sa kanilang mansion. Dahil namiss ko narin si Tita Georgina at ang mga tao ruon ay pumayag na ako.
Gusto nga sana nito na sunduin kaming dalawa ni Rense, but I refuse his offered. Kami nalang ang bahalang bumyahe papunta sa kanilang mansion.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama bago lumabas saking kwarto. Sasabihan ko si Rense para makapagprepare na sya sa pag-alis namin.
Mabilis kong narating ang tapat ng kwarto nito, pero nung papasok na ako ay napahinto ako nang marinig na nagsalita ito.
Bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto nito kaya naman malaya kong naririnig ang mga sinasabi ng anak ko.
"Yeah, I love you too babe. Bye"
Napamulaga kaagad ang mata ko dahil saking narinig na sinabi ni Rense. Nakadapa ito sa kama nya habang hawak ang cellphone na niregalo sa kanya ni Jp last year lang rin. Mukhang may kausap ito sa phone.
Wait a minute, anong sinasabi nito na I love you? Tsaka sino ang sinasabihan nitong babe? Sino ba ang katawagan nito?
"Rense?"
Napalingon ito sakin bago napabalikwas ng bangon. Mabilis pa nitong itinago sa ilalim ng kama nya iyung phone na gamit nya kanina.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto nito at nakahalukipkip na humarap sa kanya. Alam na nito kung anong gusto kong iparating.
"Mommy, wala po iyung narinig nyo" nakayuko nitong sabi.
"Hwag ako Rense"
"Mommy, it's just my friend"
Napapikit ako ng mariin. Kailan pa ito natuto na magsinungaling sakin? Never ko syang pinalaki na marunong magsinungaling kahit na sa maliit na bagay.
"Friend ba iyung sinasabihan mo ng mahal kita? Friend pa ba iyung tinatawag mo syang babe?"
Mas napayuko ito at hindi ko na narinig pa itong nagsalita. He can't hide anything to me, I'm his mother and I know him very much.
Bata palang ito ay kilalang-kilala ko na sya at walang ano man siyang kayang itago mula sakin. None, as in wala talaga.
"Kailan kapa natutong magsinungaling sakin?"
Hindi ito sumagot at napansin ko nalang na yumuyugyog ang magkabilaang balikat nito. And now he's crying. Napairap ako sa hangin.
Kapag galit ako ay hindi ako nito kayang daanin sa pag-iyak nya. Tinitigasan ko talaga ang damdamin ko, isa iyun sa mga pagdidisiplina ko sa kanya once na nagkamali sya.
"Son" ma-awtoridad kong tawag sa kanya.
"I'm sorry Mommy!"
Hindi na ako nabigla o nagulat nang bigla nalang ito tumakbo palapit sakin at lumundag pa sa harapan ko para magpabuhat.
Ipinulupot pa nito ang dalawang braso sa leeg ko at isiniksik ang mukha. Humihikbi ito kaya hindi ko natiis ang sarili ko na hagurin ang likod nito.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Special
RomansaKilala si Jurrence Dela Vega bilang isang good looking at magaling na business man sa larangan ng business Industry. Sa kasamaang palad ay nawala siya sa katinuan nang iwan siya ng kanyang asawa na hindi naman siya minahal at ng kanyang inakalang an...