DyosaJadine36>>> Top Two
[Rose's Point Of View]
Lumipas pa ang tatlong buwan at never na akong nakabisita sa eskwelahan ni Rense, not because I'm avoiding Jurrence but because I'm busy.
Patuloy kasi na lumalago ang negosyo ko, nakikilala narin ito sa Pilipinas finally. Noon pa man ay sikat na sikat na ang negosyo ko sa States, at nuong nakaraang dalawang buwan lang nagkaroon ng branch dito sa Pilipinas.
Sunod-sunod na events at mga importanteng tao ang dinaluhan at hinarap ko kaya hindi ko na nagagawa pang ihatid o sunduin man lang ang anak ko sa eskwelahan.
Naaawa na nga ako at nahihiya sa anak ko kasi nawawalan na talaga ako ng time rito. Pero syempre, hindi ko rin naman pwedeng pabayaan ang negosyo ko.
Pinaghirapan kong palaguin iyun, hindi ako humingi ng tulong mula kay Jp dahil binigyan na nito ng malaking bahay at trabaho ang Kuya at magulang ko. Pinag-aral din nito si Jingjing sa States noong naruon pa kami.
"Yaya Riye, nasaan si Rense?" tanong ko kay Yaya na nagtitimpla ng gatas para kay Rense.
Pinuntahan ko kasi kanina si Rense sa kwarto nito pero wala ito ruon. Saan naman kaya iyun nagpupunta eh gabi na? It's time to sleep.
"Nasa may garden po Ma'am"
"Garden? Nakapunta na ako ruon, nagbabakasaling naruon ang anak ko pero wala"
"Baka po nasa kwarto nyo Ma'am" napataas ang dalawa kong kilay dahil sa gulat.
At bakit naman nasa loob ng kwarto ko si Rense? Hindi ko ito napansin kasi dumiretso kaagad ako sa kwarto nito, hindi pa nga ako nakakapagbihis eh.
"And what is he doing at my room?"
"Baka po hinihintay na naman kayo" sagot nito na nagpatigil sakin.
"What do you mean Yaya Riye?"
"Minsan nalang po kasi kayo umuwi ng maaga Ma'am, madalas pagod pa. Kaya hinihintay ka po ni Rense na makauwi, pero malalim na po ang gabi kapag umuuwi kayo. Kaya nakakatulog na po si Rense sa kwarto nyo, inililipat ko nalang po sya sa kwarto nya para duon matulog"
Hindi ako naka-imik sa naging paliwanag ni Yaya Riye. Kaawa-awa naman ang anak ko. Hindi ko man lang naisip ang nararamdaman nya.
Napa-upo ako nang maalala ko ang nabitawang salita sakin ni Jurrence sa loob ng restaurant three months ago. YOU CHANGE A LOT.
Nagbago na ba talaga ako? Hindi ko man lang napapansin iyun sa sarili ko, I'm sure na nagtatampo na sakin ang anak ko. Pero siguro naman ay pwede pa akong bumawi.
"Ako na ang bahala sa anak ko Yaya Riye, salamat" pagkatayo ko ay kinuha ko kaagad ang gatas na itinimpla nito.
Nagtungo ako sa kwarto ko at napasimangot pa ako nang makitang nakatulog na pala ito sa kama ko. Inilapag ko kaagad ang baso ng gatas sa table na nasa side ng kama ko, dahan-dahan akong tumabi kay Rense.
Marahan kong hinaplos-haplos ang buhok nito at dinampian pa ng mumunting halik ang noo nito. Miss na miss ko na talaga ang anak ko.
"Mommy?" napangiti ako nang magising ito at napakamot pa sa mata nito.
"Hey son"
"Mommy, you're here! Ang aga naman po ng uwi nyo" napakamot ako sa ulo ko.
"Well, it's already ten o'clock in the evening Rense" sabi ko pa bago umupo.
Umupo rin ito sa harapan ko kaya magkapantay na kami ngayon. Nagulat pa ako nang idampi nito ang kanyang maliit na daliri sa mukha ko.
"Mommy, do you want me to massage you? Alam kong pagod ka po"
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Special
Roman d'amourKilala si Jurrence Dela Vega bilang isang good looking at magaling na business man sa larangan ng business Industry. Sa kasamaang palad ay nawala siya sa katinuan nang iwan siya ng kanyang asawa na hindi naman siya minahal at ng kanyang inakalang an...