Sa mga readers po dyan ng story ko na The Love Of A Beast. Pasensya na po kung pangit ang ending. May continuation pa po kasi iyun. Parang pasuspense po. I hope you understand. Thank you!
DyosaJadine36>>> Seeing Him Again
Maaga akong nagising ngayong araw dahil ayukong maulit ang ginawa sakin ni Princess.
Katatapos ko lang diligan ang mga halaman, na hindi ko naman tungkulin. Ngayon ay nagpupunas ako ng bintana.
Halos mag-iisang oras na pero hindi parin ako tapos saking ginagawa. Paulit-ulit parin kasing pumapasok saking isipan ang mga sinabi ni Eloiza sakin kagabi.
Napahawak ako saking dibdib. Sa tuwing naiisip ko na may kahati ako kay Jurrence, ay pakiramdam ko may kumikirot dito saking puso. Pero mali na makaramdam ako ng ganito, wala naman kasi akong karapatan. Katulong lang ako sa mismong pamamahay ni Jurrence.
"Kanina kapa dyan ah?" inis na usal ni Princess.
"Pasensya na" paghingi ko ng paumanhin.
"Dalian mo na dyan dahil may iuutos pa ako sayo! Dalawang araw ng hindi kumakain si Sir. Jurrence kaya ipagluto mo sya!"
Natigil ako saking ginagawa. Ano daw, dalawang araw ng hindi kumakain si Jurrence?! Pero bakit?
"B-bakit po?"
"Bakit ba nagtatanong kapa?! Dalian mo na dyan at gawin ang inuutos ko!" ani pa nito tsaka na umalis.
Hindi ko na tinapos pa ang pagpupunas ng bintana at mabilis na niligpit ang aking mga ginamit sa paglilinis ng bintana at dumiretso sa kusina upang magluto.
"Huy Inday Rosa!"
Nilingon ko ang nakakunot-noo na si Princess. Itinigil ko ang paghuhugas ng plato na pinagkainan namin kaninang lunch para harapin si Princess. Ano na naman bang kailangan nito?!
"Tikman mo nga itong niluto mo!"
Nagulat nalang ako nang isubsob nito ang aking mukha sa plato na may lamang kanin at adobo.
"A-ano bang problema mo Ma'am Princess?" naiiyak kong tanong ko sa kanya.
"Ano?! Hindi kasi masarap ang luto mo. Alam mo, malilintikan tayo kay Madam Dela Vega kapag nalaman nyang dalawang araw ng hindi kumakain si Sir. Jurrence!"
"H-hindi po ba ito kinain ni Sir. Jurrence?" nagtatakang tanong ko.
"Ano sa tingin mo?!"
"Dapat siguro ay puntahan ko sya. Ako ang magpapakain sa kanya" determinado kong sabi dito.
"Ang kapal naman ng pagmumukha mo! Hindi ka nya kailangan, nanduon si Ma'am Eloiza para alagaan sya!"
Napayuko ako dahil sa sinabi nito. Tama sya, hindi na ako kailangan pa ni Jurrence dahil nandun naman si Eloiza. Dapat siguro ay hayaan ko nalang sila.
"Ikaw huh?! Tigilan mo iyang kalandian mo, dapat ay ayus-ayusin mo iyang trabaho mo!" tila naiinis ako sa sinabi nito kaya naman hindi ko mapigilan ang sumagot.
"Inaayos ko naman ang trabaho ko Ma'am. Kayo nga po ang walang ginagawa dito eh. Utos lang kayo ng utos!"
"Bastos ka talaga! Wala kang galang!" akma na sana itong sasampalin ako pero muli akong umimik.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Special
RomanceKilala si Jurrence Dela Vega bilang isang good looking at magaling na business man sa larangan ng business Industry. Sa kasamaang palad ay nawala siya sa katinuan nang iwan siya ng kanyang asawa na hindi naman siya minahal at ng kanyang inakalang an...