Sleeping Pogi

18 1 0
                                    

Maingat na inayos ni Brenna ang sariwang bulaklak sa plorera at ipinatong iyon sa ibabaw ng mesang naroroon sa tabi ng hospital bed kung saan nakahiga ang isang lalaking ni sa pangalan ay hindi niya pa rin kilala gayong halos mag-iisang taon na rin niya itong inaalagaan.

Halos sariwa pa rin sa kanyang alaala kung paano napunta sa kanyang pangangalaga ang lalaki . . . .

Summer vacation noon at nagkayayaan ang kanilang buong pamilya para mag-outing sa isang resort. Selebrasyon na rin kasi iyon para sa pagkapasa niya sa Nursing Board Exam. Masayang naglalangoy sa dagat ang kanyang mga kapatid samantalang siya'y nagpaalam muna na maghahanap ng signal upang itext ang kanyang boyfriend.

Sa kanyang paglalakad sa di kalayua'y isang katawan ng lalaki ang kanyang nakitang nakadapa sa buhangin sa tabing dagat. Mukha itong walang malay dahil napansin niyang hindi man lang ito gumagalaw. Kinabahan ma'y hindi siya nagdalawang isip na lumapit sa kinaroroonan ng lalaki.

Fear crawled down her body when she saw the blood all over the man's head. Dahil nga isa siyang nurse ay agad niyang tsinek ang vital signs ng lalaki. She was relieved when she discovered that the man was still breathing. She then tried to give him CPR but it didn't work. Nanatili pa rin itong nakapikit kaya agad niyang tinawag ang pamilya para madala sa pinakamalapit na hospital ang lalaki.

The doctor found out that he has internal hemorrhaging, particularly in his brain. Mukhang tumama yata ang ulo nito sa isang matigas na bagay kaya nagkaroon ng pagdudugo sa utak nito. The guy was in comatose.

Sinabi pa ng doktor na matatagalan pa bago ito magising or worse, baka hindi na nga magising o kung magising ma'y may posibilidad na mawala ang memorya nito.

Agad nilang ipinaalam sa mga pulis ang pangyayari pero dahil wala ang mga itong natagpuang pagkakakilanlan ng lalaki ay hindi nila magawang matukoy kung sino ang mga kamag-anak nito. Ipinanawagan na rin nila ito sa TV at radyo pero hanggang ngayon ay wala pa ring dumarating na kapamilya nito.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na nag-imbestiga na ang lalaking iyon ay sakay ng isang private plane na kanilang nakitang sira-sira sa ilalim ng dagat. Milagro nga raw na nakaligtas pa ang lalaki.

Dahil ang hospital na iyon ay pagmamay-ari ng lolo ni Brenna, hinayaan na nilang doon maconfine ang misteryosong lalaki.

Siya na rin ang nagvolunteer sa head ng hospital na siya ang laging magcheck dito. At iyon nga ang nangyari. Araw-araw ay binibisita niya ito at tsine-check ang vital signs. Labing-isang buwan na niya iyong ginagawa at hindi siya nagsasawa na maghintay ng pagmulat ng mga mata ng lalaki.

Sa totoo lang hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya dito kahit pa sabihing hindi pa niya talaga kilala ang lalaki. Siguro ay naaawa lamang siya rito dahil bukod sa kalagayan nito ay wala ni isang taong bumibisita rito maliban sa kanyang pamilya. Siya at ang mga doktor ang madalas na bumisita sa silid nito para icheck kung may improvement sa kundisyon nito matapos itong maoperahan, isang araw matapos nilang matagpuan ito.

Natatandaan pa niyang makailang ulit nang tumuwid ang linya sa monitor sa gilid ng kama nito pero salamat sa Diyos at palagi siyang nasa tabi ng lalaki upang kaagad matawag ang mga doktor upang irevive ito.

Naalala pa niya noong huling beses na magflat line ito. Nasa isa siyang medical mission ng mga oras na iyon pero nang tawagan siya ng doktor at sinabing unti-unti nang bumabagal ang paghinga ng lalaki ay kaagad niyang iniwan ang mga kasamahang nurse at umiiyak siyang nagtungo sa hospital.

Nang makapasok siya sa silid nito ay kanyang namataan ang mga doktor at nurses na nakapalibot rito habang sinusubukang irevive ang paghinga nito.

Short Stories Where stories live. Discover now