The Sperm Donor

33 1 0
                                    

"Hayden, I've got good news for you!" Zyla excitedly exclaimed as soon as her bestfriend picked up his phone and answered her call.

"Hayden ka diyan, Haydie kaya ang pangalan ko, noh?" maarteng saad pa ng kanyang pamintang kaibigan. Yeah, Hayden aka Haydie has a body of a man but a heart of a woman. Beks, bakla, bading, kloseta, paminta, ganern! Despite of that, she has been friends with him for God knows how long.

"K fine. Haydie."
She rolled her eyes heavenward.

"Good," he then chuckled. "Sige nga, lemme hear it. Kapag hindi 'to good, ililibre mo 'ko sa McDo, hah?"
She could almost see his smile in his voice.

"Ako pa talaga ang manlilibre eh sa ating dalawa, ikaw itong milyonaryo."

Zyla heard his hearty laughter at the end of the other line.

"Heid, You know what? I've finally found someone who could actually donate me his sperm!" she eagerly announced.

She waited for his response but she heard nothing.

"Haydie, are you still there?"

She heard his deep breath before asking,
"Where are you?"

Kumunot ang noo niya nang maging seryoso ang tono ng pananalita ng kaibigan.

"Why are you aski-

"Zyla Eunice, nasaan ka?"
Syaks! Mukhang galit ang bakla.

"I'm here at a hospital,"

"What? What are you doing there?"

"Duh, you know naman na."

"Magkita tayo ngayon," may awtoridad na saad ni Hayden sa kanya.

"You know I can't Heid. I'm about to-

"Sinabi nang magkita tayo ngayon eh," mariing saad nito.
May sinabi pa itong pangalan ng cafe at oras kung kailan sila dapat magkita.

Aish! Ano bang nasabi niya at naging grumpy bigla ang kaibigan niya?

She just informed him that she found a sperm donor. Alam naman na nito ang balak niyang iyon dati pa. Kinuwento niya kasi rito na hindi niya makukuha ang pamana ng lolo niya hangga't hindi pa nito nakikitang magkaroon siya ng sariling pamilya.
Ang balak niya ay hahanap siya ng sperm donor para mabuntis siya pagkatapos ay sasabihin na lang niya sa lolo niya na namatay sa isang aksidente ang tatay ng magiging anak niya.

Magandang ideya 'yon, hindi ba?

----
Ang lukot na mukha ni Hayden ang sumalubong sa kanya sa cafe. Ganon pa man, gwapong-gwapo pa rin ito sa suot na pantalon at asul na long sleeves na nakatupi hanggang siko.

Hanep talaga ang klosetang 'to! Ang galing magtago ng tunay na pagkatao. 'Yung mga babae tuloy na naroroon sa cafe ay may paghangang nakatingin sa bestfriend niya. Wala kasing bahid ng kabaklaan ang kaibigan niya. Kapag nasa public places sila, as usual umaakto itong lalaking-lalaki. Hindi pa raw kasi alam ng parents nito na may puso itong babae at sa oras na malaman nito ang tunay nitong pagkatao, tiyak na magiging kahihiyan ito ng pamilya dahil kilalang-kilala pa naman ang pamilya nito sa buong bansa.

"Why the long face, babe?" Yeah, she calls him babe. It's her term of endearment for him kapag nagtatampo ito sa kanya, kapag may nagawa siyang mali rito at kapag naglalambing siya rito.

"Anong problema?" tanong niya rito nang nakatingin lang ito sa kanya pero hindi naman umiimik.

"I don't like your idea of someone having to donate his essence just so you could get pregnant. That's so not a nice idea, Zy,"prankang sagot ng kaibigan niya.

Short Stories Where stories live. Discover now