You are my Sunshine Part 4

27 0 0
                                    

~~~~~
There was an awkward silence between the two of them. Kapwa tila hinihintay ng bawat isa kung sino ang unang magbubukas ng bibig upang basagin ang nangingibabaw na katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Bettina was just stealing glances at the woman who was sitting across her in that restaurant they were in. She can't help but notice how perfect the woman looks. She looked sophisticated. Ang ganda ganda nito. Her heart-shaped face was perfectly chiseled. She has attractive gray eyes, high aquiline nose and red thin lips. Mahaba at makintab ang itim na itim na buhok nito. And her skin? It was clear and radiant.

Maihihilera ang babae sa mga nagagandahang modelo na madalas kunan niya ng litrato para sa kanilang magazine. In fact, the woman who was also looking at her was more charismatic than most of the models she had met. Sobrang lakas ng dating nito kaya naman halos lahat ng kalalakihan na naroroon sa restaurant na iyon ay napalingon dito nang bumukas ang pinto at pumasok ang babae mula roon.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng intimidation nang nagbeso ito sa kanya kanina at nagpakilala bago umupo sa harap niya.

"Uhm . . . " Morwenna suddenly cleared her throat. She must have noticed that Bettina was checking her out that was why she indirectly caught her attention.

"Ow, I'm sorry," she said. She doesn't have an idea what is that sorry for.

"I just wanna say thank you for coming over."

Yeah, Rain's ex-fiancée contacted Kali yesterday and told her she wanted to meet and talk to Bettina.

Nag-alangan at nagdalawang isip siya nung una pero dahil hindi siya mapakali at hindi makatulog kakaisip kung tungkol saan kaya ang pag-uusapan nila ay pumayag na rin siya. Besides, she wanted to confirm what she saw yesterday at the hospital.

Kahapon kasi, pumunta siya kasama si Tin-Tin sa hospital para makipagkita sa kaniyang ob-gyn. She wanted to check if her baby's okay. Nakaramdam kasi siya kahapon ng pananakit ng tiyan kaya bigla siyang nag-alala sa kalagayan ng nilalang na nasa sinapupunan niya.

Bettina felt relieved when Doc. Riuz told her that the baby's okay. Iwasan na lang daw niya ang ma-stress at mapagod. She even reminded her to take her vitamins and eat nutritious foods which are good for the unborn baby. She promised her doctor that she would do what she was told to do.

She would take care of herself for the baby and she had promised to keep it no matter what. Kahit naman kasi iniwan siya ng tatay nito ay hindi niya mapagkakailang mahal pa rin niya ang lalaki.

Kali was right. Her love for him was overflowing. It was so strong that eventhough he had left her broken, she just couldn't get herself to unlove him. Mahal na mahal pa rin niya ito kaya naman sobrang sakit ang naramdaman niya kahapon nang hindi sinasadyang makita si Rain kahapon sa mismong ospital ding iyon. And he wasn't alone. He was with someone. And that someone? It was no other than his ex-fiancée, Morwenna.

Bettina was sure it was her. Bukod sa nakita na niya ito sa litrato na s-en-end sa kaniya ni Kali noong nakaraang buwan ay hindi siya nagkakamali na ang babaeng kayakap nito sa hallway ng ospital kahapon at ang babaeng kaharap niya ngayon ay iisa.

Ang isang bagay lang na ikinababagabag niya ay kung bakit magkasama at magkayakap pa si Rain at ang ex-fiancée nito kahapon doon sa ospital?

Nagkapaliwanagan na ba ang dalawa at nagkapatawaran?

Nagkabalikan?

Magsasama ba silang muli at magpapanibagong buhay sa piling ng isa't-isa?

Dang! She needs to know the answer pero hindi siya sigurado kung matatanggap ba niya kapag oo ang magiging kasagutan nito kaya naman naduduwag siyang ikumpirma sa babae ang mga gumugulo sa isipan niya.

Short Stories Where stories live. Discover now