You are my Sunshine Part 1 (If Only She Knew Then Sequel)

28 0 0
                                    

Upang maiwasang tuluyan siyang lamunin ng matinding depresyon, Bettina opted to divert her mind from all those negative thoughts and feelings by volunteering in a foundation for abused woman and children, homeless people and people with disabilities.

Minabuti niyang imbes na gugulin ang mga bakanteng oras sa pagse-self pity at pagmumukmok, inilalaan niya iyon sa pagsisilbi sa isang foundation na itinatag ng isa sa kanyang mga kaklase sa college.

Apat na buwan pa lamang siyang nagvo-volunteer doon pero masasabi niyang isa iyon sa mga bagay na nakakapagpadama sa kanya ng feeling of fullfillment and peace of mind.

The foundation which was located not too far from her apartment was her safe haven. Doon niya naramdaman na hindi siya nag-iisa, na may mga iba pang tao na parehas din ang pinagdadaanan tulad niya. Doon niya rin narealized na mas maswerte pa rin siya dahil hindi niya naranasan ang mas matindi at mas masakit na naranasan ng mga ito.

There were battered wife and children who were victims of abuse, rape, and human trafficking. Mayroon ding mga kabataang nailigtas ng mga pulis mula sa mga sindikato. Ang iba nama'y 'yong mga kabataang babaeng pinalayas ng mga magulang dahil maagang nagbuntis at iniwan pa ng mga lalaking nakabuntis sa mga ito. Sa foundation ding iyon pinapatuloy at inaalagaan ang mga inabandonang mga bata at matatanda na palaboy-laboy lang sa lansangan noon.

The foundation is widely open to all people. Bata man o matanda ay welcome na welcome rito.

Mabuti na lang nadiskubre niya ang foundation nang minsang i-hire siya ni Kali at ng asawa nitong si Gab na maging official photographer ng 5th Founding Anniversary nito. Right at that moment, napagdesisyunan niyang hindi lang siya tutulong sa mga pangangailangan ng foundation kundi pati na rin magsisilbi siya bilang volunteer dito.

Masasabi niyang hindi siya nagkamali sa kanyang pagde-desisyon dahil hindi lang totoong kasiyahan at kapanatagan ng loob ang natagpuan niya sa KALInga at GABay Foundation kundi pati na rin totoong kaibigan na laging handang makinig sa kanya ng walang kahit na anong bahid ng panghuhusga.

Iba iba man sila ng mga pinagdaanan, pareho pareho naman ang kanilang hangarin. Iyon ay ang muling makabangon at magpanibagong buhay sa tulong ng bawat isa.

"Yna!" malakas na tawag sa kanya ni Kali pagpasok pa lang niya sa opisina nito.  "I'm glad you came!" she uttered in a relief kind of voice.

Kaagad pa itong lumapit sa kanya at sinalubong siya ng yakap.

"Why? What happened?" she still asked her eventhough she already have an idea what's going on.


"Same old thing, Yna. Nagwawala na naman siya."


"Naturukan ni'yo na ba siya ng pampakalma?"

"Yeah they already did kanina pero ilang sandali lang siyang kumalma and there he was again throwing tantrums like a little child."


"Puntahan mo na siya agad, please. You know you're the only one who could calm him down."

"Yeah, I will," saad niya saka nagmamadaling lumabas sa opisina ni Kali.

She immediately walked her way towards an unopened door. From the outside, she could already hear someone's scream and shout. Naririnig niya rin ang pagbagsak ng kung anong mga gamit at ang mga boses ng mga lalaking pilit pinapatahan ang lalaking sumisigaw.

"Nagpromise kayo na babalik siya pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siya? Niloloko niyo lang ba ako ha?" Bettina heard the shout of a guy. Para itong isang batang umiiyak at nagpupumiglas dahil hindi nabilhan ng laruan.

Short Stories Where stories live. Discover now