You are my Sunshine Part 3

19 0 0
                                    

Bettina woke up feeling tired and drained and found herself cuddled next to Rain on her bed. She has no idea how they both end up on bed so she likes to think that Rain must have carried her towards her bedroom when she dozed off to sleep after the "tiring and energy-sucking activity" they did earlier.

She was already fully clothed and so as Rain who was still peacefully sleeping next to her.

She looked at the wall clock and found out that it's past 6 already. Maggagabi na pala. Kailangan na niyang ihatid si Rain sa KALInga. Pero nang makita niyang payapa pa rin itong natutulog, nag-alangan siyang gisingin ito at nagkasya na lamang siya sa panonood sa maamong mukha nito.

Rain's hair was disheveled. But it didn't make him look less attractive. Katunayan nga'y mas nakadagdag pa ang magulong buhok nito sa kagwapuhang taglay nito.

Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi habang pinagmamasdan ang binata sa pagtulog.


Just like Tin-Tin, Rain looks like an angel when he's sleeping. They both look like one even when they're awake. Malayong-malayo ito sa wild na Rain na nakilala niya kanina habang gumagawa sila ng milagro.


Bettina never knew that he has that side of him.


Wala sa loob na napailing siya.

Marami pa talaga siyang dapat malaman sa binata.


"Well honey, we have the rest of our lives to get to know each other better," she said as she stroke his hair gently.

Her hand then went down to his face and caressed it gently.

Bettina felt him move a little. Mukhang naramdaman yata nito ang paghaplos niya.



Mayamaya'y naalala niya si Kali. She has to inform her na medyo male-late siya na ihatid si Rain sa foundation.
Kung anu-anong palusot ang naiisip niya habang kinakapa ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng night table niya. Nang tuluyang makapa ang kaniyang telepono, nag-umpisa na siyang i-dial ang numero nito.

"No! Get off me!"


Talaga namang nawindang siya at natigilan sa pagdial sa numero ng kaibigan nang walang anu-ano'y isinigaw iyon Rain. When she turned to his direction, she noticed that his eyes were still closed but the expression on his face tells her that he's afraid at something or someone.

Rain's having nightmares again!

She's 100% sure of that.



Kaya naman inilapag niyang muli ang cellphone sa mesa at muling hinaplos nang marahan ang mukha ni Rain habang kinakantahan ito ng paborito nitong pampatulog na kanta pero tila yata walang epekto iyon sa binata. Umungot pa ito at ang mukha ay nagpabaling-baling sa higaan.



"'Wag! 'Wag please! Ayoko niyan! Pakiusap, maawa ka sa'kin . . . . " he said in a pleading tone.

Napansin rin ni Bettina na bagamat sarado pa rin ang mga mata nito'y may tumutulong butil ng mga luha mula roon. Nagpupumiglas din ang binata na tila ba takot na takot.


"Rain, honey, wake up!" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Bettina habang sinusubukang gisingin si Rain sa pamamagitan ng pagyugyog sa balikat nito.

After several tries, he finally opened his eyes and woke up. He seemed disoriented as he got up and sat on the edge of the bed and scanned his surroundings maybe thinking where could he possibly be.


Nakita pa niyang gamit ang dalawang kamay ni Rain ay sinapo pa nito ang kaniyang ulo.

"Rain, are you okay? May masakit ba sa'yo? She asked worriedly when he remained in that position.

Short Stories Where stories live. Discover now