The Unsent Letter Part I

15 0 0
                                    

"Zeki, itigil na natin 'to."

"Itigil? Ang alin?"

"This relationship. Magbreak na tayo, Zeki."

"Pero bakit, Mia? May nagawa ba akong mali kaya nakikipaghiwalay ka sa akin? Kung ano man 'yon, sorry na. Sabihin mo sa akin, ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako."

"Just leave me alone, Zeki. Can't you see? I'm done with you. I don't love you anymore. Sinayang ko lang ang tatlong taon ko sa'yo!"

"Pero, Mia please. Mahal na mahal pa rin kita. Hindi ako mabubuhay ng wala ka. Ikaw ang buhay ko, ang mundo ko.  Akala ko ba forever na 'to? 'Di ba nagpromise ka pa nga na ako lang ang mamahalin mo habang buhay? 'Di ba nga nagplano na tayo ng future natin pero bakit ngayon bigla ka na lang makikipaghiwalay sa'kin hah?"

"That's exactly the point, Zeki. I realized na tama pala ang parents ko na wala pala akong future sa'yo. Look at you, Zeki. You're nothing but a chuckleheaded pathetic trash I've been wanting to throw off. Hindi mo naintindihan 'yon, 'no? Baka naman gusto mong tagalugin ko pa para sa'yo 'yon? Nah, better not kasi masasaktan ka lang lalo. You know what, Zeki? Ginusto lang naman kita dahil gwapo ka, eh. Gwapo ka lang. Tama nga pala sina Mommy at Daddy. Masisira lang ang kinabukasan ko sa'yo kapag pinagpatuloy natin ang walang kwentang relasyong ito kasi tingnan mo oh. Pobre na nga ang pamilya niyo, tumigil ka pa sa pag-aaral at pinili na mag-extra-extra lang bilang construction worker. Paano uunlad ang pamilya niyo kung wala kang pinag-aralan, kung hindi ka nagsusumikap sa buhay, huh? Tingnan mo 'yong pamilya namin. We are one of the richest families in this province. Kaya nga isang kahihiyan kung galing sa isang mahirap at walang pinag-aralan na pamilya ang mapapangasawa ko eh. Alam mo kung ak-"

"Tama na! Laitin mo na ako, huwag lang ang pamilya ko. Alam kong galing ako sa isang mahirap na pamilya pero hindi ko ikinahihiyang marangal ang pamumuhay namin. Oo, tumigil ako sa pag-aaral kasi pinauna ko munang pag-aralin ang kapatid ko, oo, construction worker lang ako pero masaya ako doon dahil alam kong pinagsusumikapan ko naman ang trabaho ko, at oo, mahirap lang kami pero hindi lang kami magiging mahirap habang buhay, tandaan mo yan, Mia!"

"Okay, fine. Don't worry, I'll keep that in mind."

"Pinapangako ko sa'yo kapag dumating ang panahon na maging matagumpay ako sa buhay, babalikan kita, Mia. Ipapamukha ko sa'yo na mali ka sa lahat ng sinabi mo. Nabuhay akong dukha pero nasisiguro kong hindi ako mamamatay ng dukha pa rin. Tandaan mo 'yan!"

"Ang drama! Sige lang, tuparin mo lang ang pangako mong iyan, ako mismo ang makikipagbalikan sa'yo."

------
Limang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayo'y tila isang bangungot pa rin para kay Ezekiel ang eksenang iyon. Parang batingaw sa kanyang tenga ang huling pag-uusap nila ng babaeng pinakamamahal niya noon na kinasusuklaman niya ngayon. Ang mga huling masasakit na salita mula rito ay para bang mga balaraw na tumutusok sa kanyang puso.

Those harsh words served as his fuel to persevere in life. Those criticism has only fueled his determination to succeed. And yeah, he did. He was now a successful owner of the well-known EZ Construction Companies. Pagmamay-ari rin niya ang isa sa pinakamalaking suppliers ng construction materials hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.
Nakamit niya ang lahat ng iyon dahil sa kanyang di matatawarang sipag, tiyaga, at talino.

Napansin iyon ng may-ari ng construction company na pinagtatrabahuhan niya noon kaya naman pinag-aral siya nito ng kursong gustong-gusto niya. Iyon ay ang Engineering. Pinagbutihan niya ang pag-aaral kaya naman unang take pa lang ng board exam ay nakapasa na siya agad. He became a license civil engineer at 22. He had also worked as a project engineer in an international company. Later on, nang magkaroon na siya ng sapat na ipon, he decided to put up his own. Ang isang branch ng kanyang kompanya ay lumago hanggang sa makapagpatayo pa siya ng lima pa hindi lang dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Katunayan nga'y tatlong taon siyang nag-stay sa Amerika para sa kanyang negosyo. May nagpapatakbo kasi ng kompanya niya rito sa bansa. Iyon ay ang mga kapatid niya na pinag-aral niya at masasabi niyang naging matagumpay na rin sa kanya-kanyang buhay.

Short Stories Where stories live. Discover now