You are my Sunshine Part 2

23 0 0
                                    

~~~~
"Look at them. Nakakatuwa silang tingnan. Magkasundong-magkasundo agad sila."

Bettina ripped her gaze off Tin-Tin and Rain who were still in the playground, enjoying playing hide and seek and shifted it to Kali who was sitting beside her on the bench.

"Oo nga eh. Nakapagpalagayan agad sila ng loob. Ang saya nilang tingnan," nakangiting sang-ayon niya rito.

Kanina pa sila roon nakaupo, nagkukwentuhan at panaka-nakang pinanonood ang dalawa.

It seemed like Tin-Tin and Rain were really getting along very well. Ang saya ng mga itong tingnan at masarap din sa tainga ang malutong nitong tawanan. Ilang oras na ang dalawa na naglalaro at nagkukulitan pero tila wala ang mga itong kapaguran. Parang matalik na magkaibigan ang mga ito na matagal nang hindi nagkita kaya nang muling magkita'y sinulit ng mga ito ang oras na makipagkulitan, makipagkwentuhan, at makipaglaro sa isa't-isa.

They looked so happy being with each other's company kahit pa nga kakakilala pa lamang nila sa isa't-isa.
Pero sa kanilang tatlo, si Bettina ang pinakamasaya sa nakikitang genuine happiness na nakalarawan sa mga mukha nina Tin-Tin at Rain.

"Kung natuloy siguro noon ang kasal ni Rain sa ex-fiancee niya, siguro may Tin-Tin na siya ngayon," Kali commented after few minutes of just watching the two of them play hide and seek together.

"Uhm, yeah. Siguro nga," she said, still not taking back her gaze away from Tin-Tin and Rain.

"Sometimes, I can't help but feel pity kay Rain. The unfortunate things that had happened to him were no joke. Una, 'yong pagkalugi ng kompanya nila, then his parents' tragic death tapos nakisabay pa ang ex-fiancee niyang bigla na lang hindi sumipot sa kasal nila. That was too much to handle kaya naman I can't blame him kung gumamit man siya noon ng drugs para makalimot."

Naiintindihan niya si Kali. Hindi niya rin kasi masisisi si Rain sa ginawa nitong paggamit ng ipinagbabawal na gamot para lang makalimot at mabawasan kahit sandali ang matinding sakit na nararamdaman. Siya nga eh, higit pa roon ang muntik na niyang magawa. Mabuti na lang talaga at pinagpilitan ng ate niya na agawin sa kamay niya ang iba't-ibang klase ng tableta. If it weren't for her Ate, she would have been dead by now. Hindi na niya sana nakilala si Tin-Tin. Hindi niya na sana nasilayan ang maganda at mala-anghel na mukha nito. Hindi na sana niya naramdaman ang kagalakan at labis na pagmamahal niya rito. Kung tuluyan na niyang nakitil ang sariling buhay noon, hindi na sana niya nakilala pa si Rain. Hindi na sana siya nakatulong sa pagdulot ng magandang pagbabago sa buhay nito. 

Maybe everything really happens for certain reasons.

And maybe, just maybe . . . may sarili ring dahilan ang ex-fiancee ni Rain kaya hindi ito sumipot sa kasal ng mga ito. Bettina can't do anything but give her the benefit of the doubt.


"Uhm . . . do you have any information why Morwenna didn't show up in their wedding?"

Ang tagal na niyang gustong itanong iyon kay Kali pero nagdadalang hiya naman siya dahil baka isipin nitong masyado siyang curious sa binata. Mabuti na lang at nabanggit ulit nito ang tungkol doon.

"The only information I know is that it's because she had found out about him being on drugs. Other than that, wala na kaming ibang impormasyon,"tugon ni Kali.

"Ganoon ba?"

"Oo, Yna. Uhm, do you think it's a good idea that we ask Morwenna herself?"

Doon siya natigilan pero saglit lang dahil naalala niya ang sinabi nito sa kaniya kanina.

Oo nga pala. She told her earlier that she already found Morwenna. Kali even said that Rain's ex-fiancee was already based in London. Nagbabakasyon lang daw ito kaya naririto ito sa Pilipinas ngayon. 

Short Stories Where stories live. Discover now