Shadow in a Faded Light

13 2 0
                                    

Ang mala-angel na mukha ng sikat na sikat na modelo slash artista slash singer na si Eliza Montealegre ang bumungad kay Ellaine pagkabukas niya ng telebisyon. Litaw na litaw ang kagandahan nitong taglay lalo na sa suot na itim na long gown na mayroong tila ba nagkikislapan diyamante. Balingkitan ito, matangkad, mestiza, may mahaba at makintab na buhok, at may magandang ngiti na kinahuhumalingan ng lahat maging ng mga reporters kaya tulad ngayong ganoon na lang kung pagkaguluhan ito. Ganoon na lamang kung makipagsiksikan ang mga reporters magkaroon lang ng pagkakataon para interbyuhin ang dalaga tungkol sa mga awards nitong natanggap sa nagdaang Stars Awards Night nang nakaraang gabi. Magiliw namang sinagot ni Eliza ang bawat katanungan ng mga ito at tila ba hindi nangangawit sa pagngiti. Nang tanungin ito ng isang kilalang reporter tungkol sa kung paano nito nagagawang imaintain ang ginintuang boses nito ay tumingin muna ito sa camera na para bang sa kanya nakatingin saka nakangiting sinabi na sekreto na lamang iyon na siyang ikinatawa ng media.

Napaismid si Ellaine sabay patay ng TV. Pagkatapos ay kanyang ibinagsak ang katawan sa malambot niyang kama saka napatitig sa kisame ng kanyang silid ng mga ilang segundo. Nang mapagod sa pakikipagtitigan sa kisame ay dumukwang siya para abutin ang picture frame na nakapatong sa kanyang bedside table at saka tinitigan ang dalawang batang magkamukhang-magkamukha na nakaakbay sa isa't-isa. There were wide smiles on their beautiful and identical faces and they seemed so happy in that picture. Mapapansing close na close rin sila doon at tila ba hindi mapaghihiwalay.

Bahagyang nakaramdam siya ng kirot sa dibdib kaya naman napahigpit ang hawak niya sa kwadra ng larawan. 
"You are not the Eliza I knew anymore," kausap niya sa larawan.
"Hindi na kita kilala. Please lang, ibalik mo na 'yung dating ikaw 'cause I miss her. I really do."

With that ibinalik na niyang muli ang frame sa ibabaw ng mesa. Pupwesto na sana siya sa kama para matulog nang makarinig ng pagkatok sa pinto.

"Sino yan?"

"Ma'am, si Irene po ito," sagot ng kasambahay nila mula sa labas ng kanyang silid. "Pinapatawag na po kayo sa ibaba. Maghahapunan na raw po kayo. Nandiyan na rin po kasi si Ma'am Eliza. Sabay-sabay na raw ho kayong kakain."

"Please tell them I'm still full," she said as she covered her whole body with the duvet.

"Eh Ma'am kanina pa ho kayo hindi bumababa para kumain. Sige na ho Ma'am baba na ho kayo. Ako ho ang mapapagalitan kapag hindi kayo sumabay sa kanila sa pagkain."

She doesn't want that to happen. Ayaw niyang mapagalitan ang kasambahay dahil lang sa kanyang katigasan ng ulo kaya naman wala siyang nagawa kundi bumaba at tunguhin ang kusina.

Ang masayang pagkukwentuhan ng kanyang mommy, daddy, at mga kapatid ang nadatnan niya sa hapag-kainan. They were animately talking about the achievements her sister got from the awards night last night. She even heard his Dad and Mom said that they are very proud of her and for what she had become.

Tila ba hindi napansin ng mga ito ang pagdating niya kaya naman walang imik na umupo siya sa bakanteng silya sa pinakadulo ng hapag-kainan.

"Anong silbi ng pagsabay ko sa kanila sa pagkain kung parang hangin lang din naman ako sa paningin nila?" she told herself.

She should be feeling comfortable with her family around but what she has been feeling when with them was the total opposite. She felt like she was a stranger to the family. She was the odd man out in the Montealegre clan.

Siguro kakaiba siya sa buong pamilya dahil hindi siya overachiever katulad ng daddy, mommy, at mga kapatid niya. Her Dad was the former COO of a well-known company, her mom was an international opera singer, her older brother is the editor-in-chief of one of the luxurious magazines in the world while her sister, specifically her twin is a famous multi-awarded artist and a model as well. Most people don't even have any idea about her existence. Ang alam lang kasi ng mga ito ay dalawa lang ang anak ng mag-asawang Elizar at Divine Montealegre-ang kuya Ethan niya at ang kakambal niyang si Eliza. Yeah, they are twins. Identical twins to be exact. They may have shared the same face and some physical features but they are totally different from each other.

Short Stories Where stories live. Discover now