Better Than Revenge I

17 0 0
                                    

"Best, ang daya daya mo. Sabi mo bestfriends tayo forever pero bakit ganoon? Iniwan mo 'ko. Bakit mas pinili mong huwag ituloy ang buhay na meron ka? Bakit, Jess? Why did you suddenly commit suicide? Bakit hindi mo man lang naisip na nandito naman ako lagi para makinig sa lahat ng problemang pinagdadaanan mo? Sinabi ko naman sa'yong kasama mo ako sa lahat-sa kasiyahan mo, sa kalungkutan mo, sa success mo, sa lahat ng problema mo. Why didn't you tell me na may pinagdadaanan ka pala? Why Jess? Best, I promise you I will always be a part of your life. I will always remember you and the happy and even sad memories we had shared together. Hindi ako hahanap ng kapalit mo. You will be my one and only bestfriend, Jess. Nangangako rin akong hahanap ako ng katarungan sa pagkamatay mo. Ipaghihiganti kita sa gumawa sa iyo nito. Ipaghihiganti kita sa boyfriend mo! Promise ko 'yan sa'yo."

Hindi mapigilan ni Shantal ang pag-agos ng kanyang mga luha  habang ipinapangako ang lahat ng iyon sa harap ng puntod ng bestfriend niyang si Jessica. She's her childhood bestfriend, her classmate, and a sister she never had. Sobrang malapit sila sa isa't-isa. They tell their secrets to each other. Maging ang mga crush nila noong nag-aaral pa sila sa highschool ay kilala ng bawat isa. Lagi rin silang magkasama dati pero dumating ang araw na kinailangan ng pamilya ni Shantal na magmigrate sa Italy. Pero kahit na lumipat sila ng tirahan, palagi pa rin niyang kinukumusta at tinatawagan ang kaibigan. Madalas nga ay kausap niya pa ito sa Skype at Facebook. Sa tuwing wala naman siyang trabaho, binibisita niya ito sa Pilipinas.

Nagpatuloy lang ang ganoon nilang routine until she received an email from Jessica's aunt telling her that her bestfriend was already gone. She thought it was just a prank because Jessica was used to pulling pranks on her but it wasn't. Maging lahat ng kakilala at mga kaibigan nila ay pare-pareho ang ibinalita sa kanya tungkol sa pagkamatay ni Jess.

Wala siyang pinalipas na araw para umuwi rito kahit nasa France siya at nagtatrabaho bilang flight stewardees.

It really hurts her seeing her bestfriend in the coffin. Magang-maga na yung mga mata niya sa pag-iyak pero wala siyang pakialam.

Bakit ba sa kanya nangyari ang lahat ng ito?

Bakit mas pinili niyang wakasan ang buhay niya dahil lang sa Eunil Nicolas na iyon?

Hindi pa niya nakikita ng personal ang lalaki pero nakita na niya ito minsan sa picture na s-en-end sa kanya ng bestfriend niya at pati na rin sa mga FB posts nito.

Usap-usapan sa burol ni Jessica na ang dahilan daw ng pagpapakamatay ng kaibigan niya ay ang boyfriend nito.

Kwento rin daw ng mga kapit-bahay na madalas nilang naririnig ang pag-aaway ng dalawa. Rinig na rinig pa nga raw ng mga ito ang malalakas na kalabog mula sa condo ni Jessica. Sa kadahilang ayaw nilang makigulo sa pag-aaway ng dalawa, hindi nila pinakialaman ang mga ito.

Akala niya masayang-masaya si Jess sa relasyon nilang dalawa ng lalaking iyon dahil walang araw na hindi nito kinukwento sa kanya ang tungkol sa kasintahan nito.

Pero bakit anong nangyari?

Why all of a sudden, her bestfriend committed suicide?

Bakit nagpakamatay si Jess ng dahil lang sa lalaking iyon na sa kanyang lamay at maging sa libing ay hindi nagpakita?

Sana nilalamon na ang lalaking iyon ng kanyang konsensiya kung meron man ito noon.

Magbabayad siya sa ginawa niya sa kaibigan ko. I'll make sure he'll pay for the death of my bestfriend.
Hindi ako aalis ng Pilipinas nang hindi siya lumuluhod sa harapan ko para magsisi sa ginawa niya sa bestfriend ko.

-----
After the burial, dumiretso si Shantal sa condo ni Jessica. Ibinigay kasi sa kanya ng Tita nito ang susi dahil hindi na rin daw sila magtatagal at babalik na muli sila sa Australia. Tinanggap niya na rin kasi bukod sa wala naman siyang matutuluyan ay kailangan niya ring kumalap ng mga ebidensya sa pagkamatay ng kaibigan niya. Isa pa, wala namang maiiwang titingin ng condo ni Jess. Ulilang lubos na kasi siya. Her parents met a car accident when they were just fifteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short Stories Where stories live. Discover now