Bully No More

4 1 0
                                    

Sabunot.

Sampal.

Tulakan.

Iyan ang laging natatamo ni Isabela kapag nasa skwelahan.

Siya ang pinaka binu-bully doon.

“Look who's here, the oh so ugly nerd.” sabi ng campus queen

Siya si Cheska, ang numero unong nangbu-bully kay Isabela.

Hinarang nila ang babaeng nakayukong naglalakad.

Napahinto ito.

Bigla itong binuhusan ng juice at—

“Ooops. Sorry, di sinasadya.”

Napakuyom ang kamao nito.

Inis itong tiningnan si cheska habang nakakuyom ang kamao.

“Oh? Are you gonna fight now? HAHAHAHA!”

Kasabay ng pagtawa nito ay ang malalakas na pagtawa sa kaniya ng ibang mga studyante.

Walang kagatol-gatol na lumapit kay cheska at kinuha ang iniinom na juice sa isa sa mga alipores nito.

Binuhos niya ito sa ulo ng babae at masamang tinitigan.

“WHAT THE HELL—”

Sinampal niya ito ng malakas at ngumiti.

Nagulat naman si cheska at nanggagalaiti siyang tinignan

“Sa oras na i-bully mo pa ako ulit, hindi lang 'yan aabutin mo.”

“Ha-ha, so matapang ka na pala.”

“Matapang naman talaga ako, cheska. Ayaw lang kitang patulan kasi nakakaawa ka.” Sabi niya at ngumisi

Galit siya nitong linapitan.

“Hindi pa tayo tapos!” sabi nito at umalis.

“Beks! Omg, okay ka lang? Pasensya na ngayon lang ako nakarating!”

“Okay lang ako, beks. Siguro naman hindi na siya uulit noh?”

Tumawa ito.

“Tara na nga beks, idol na kita sa ganung eksena HAHAHA! Magbihis ka nga muna sa cr.”

Short StoriesWhere stories live. Discover now