Niligtas niya ako

4 0 0
                                    

◤Niligtas niya ako◥

Kumakaripas ng takbo si Lea dahil hinahababol siya ng dati niyang kasintahan.

“Takbo lea, takbo!” sigaw ng lalaki sa kanya.

Napatigil siya sa pagtakbo ng wala na siyang matatakbuhan pa.

'Hayop na trap ako bwisit' sabi niya sa kanyang isip.

“Wala ka ng matatakbuhan, lea. Tangina pinagod mo'kong babae ka.” sabi nito at linapitan siya.

“Ano bang kailangan mo sakin ha?!” sigaw niya.

“Hindi mo alam? Hayop. Ikaw lang naman ang kailangan ko, lea. Ikaw ang kabayaran ng utang sa'kin ng tatay mo.” sabi nito at ngumisi.

Agad siya nitong itinulak ng malakas sa pader at sapilitan siyang hinalikan.

“Aaah! Ano ba—”

Nagpupumiglas siya rito ngunit hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang makabilang kamay.

“Akin ka lang.”

Naiiyak na siya, kung bakit kasi siya ang naisipang maging kabayaran ng utang ng tatay niya sa lalaking ito.

Susuko na sana siya sa dating kasintahan ng may lalaking nasa likod nito.

May hawak itong kahoy at sinasabing wag siyang maingay.

Dahan-dahan.

Malakas nitong hinampas ang dati niyang kasintahan.

“UH!” daing nito bago mawalan ng malay.

Napahinga siya ng malalim at napaupo.

“Miss, ayos ka lang ba?”

“Ayos lang ako, kung hindi ka dumating baka nakuha na niya gusto niya sa'kin. Maraming salamat!”

Dahil sa tuwa niya ay bigla niya itong nayakap. Nang mapagtanto ang kaniyang ginawa ay nahihiya siyang bumitaw sa estrangherong nagligtas sa kanya.

“Pasensya na, natuwa lang ako.” nahihiya niyang sambit.

“Ayos lang. Ako nga pala si Archer.”

Pagpapakilala nito, inilahad ang kamay at ngumiti.

'Ang ganda ng ngiti, pakshet.' sambit niya sa kanyang isipan.

“Ako si Lea.”

Tinanggap niya ang kamay nito at ngumiti ng nahihiya.

Short StoriesWhere stories live. Discover now