Kidnap

0 0 0
                                    

Pagmulat ng aking mga mata nasa madilim na kwarto ako, takot akong napalinga linga sa paligid.

Gagalaw na sana ako pero napagtanto kong nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang silya.

“Hmmmp! Hmmp!” Impit kong sigaw upang humingi ng tulong pero mukhang nasa malayo kaming lugar dahil masyadong tahimik.

“Gising ka na pala.” Napagitla ako ng ng may magsalita sa kung saan at rinig kong naglakad ito palapit sa'kin.

Iginuyod nito ang isang upuan at tingin ko'y umupo siya roon, pilit ko namang inaaninag ang mukha niya pero hindi ko makita sa sobrang dilim.

“S-sino ka? A-Anong kailangan mo sa'kin?” Tanong ko rito.

Hindi ito nagsalita. Tangina, ano ba kailangan nila sa'kin?! Hindi naman kami mayaman!

“Sino ka ba?! Kung pera ang gusto mo, wala kang mapapala sa'kin dahil hindi ako rich kid. Okay?!”

Tumawa ito at naramdaman ko na lang na may kamay sa pisngi ko, napasinghap ako.

“Sssh, ang ingay mo.” sabi nito sa'kin.

He slowly caress my cheeks. I gulped.

“A-Anong ginagawa mo?! Tangina mo, hindi mo ko pwedeng hawakan dahil may boyfriend ako!” sigaw ko rito.

Inilayo ko naman ang mukha para hindi na niya mahawakan ang mukha ko, tumawa na naman ito.

“Anong nakakatawa?”

Naiinis nako sa lalaking 'to, bwisit.

“Ikaw. Hindi mo parin pala kabisado ang boses ko, hahaha!”

“What?!” sigaw ko sa kaniya.

Bigla namang nagka-ilaw ang buong paligid kaya napapikit ako dahil nasilaw ako.

I slowly opened my eyes, nakita kong may isang pares na sapatos. Kinabahan ako.

Dahan dahan akong tumingala at nakita ang isang napaka gwapong lalaking nakangiti sa harap ko.

“Surprise babe!”

Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nakita ang mga kaibigan at pamilya ko, lumapit naman sa akin ang lalaki at kinalagan ako.

Nang makawala ako ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

“Archo, i-ikaw ba talaga 'to? B-baka nananaginip lang ako.”

Kumawala naman ito mula sa pagkakayakap sa'kin at pinunasan ang luha ko.

“Ako 'to, babe. Hinding hindi nako mawawala sa tabi mo.” sabi nito at ngumiti ng matamis

Ngingitian ko sana siya pabalik pero naalala kong kinidnap ako nito, hayoooop! Sinampal ko siya sa pisngi.

Gulat naman siyang nakatingin sa'kin.

“Para 'san yun?”

“Para 'yan sa pagkidnap sa'kin, halos mamatay matay ako sa takot dahil nakidnap ako. Hayop ka, iniisip ko pa naman pamilya ko—” Napatigil ako sa paglintanya nang pinigilan niya ako gamit ang kamay nasa bibig ko.

“Alam ko. Pero may isa pa'kong surprise.”

Napakunot noo ako.

“Ano yun?”

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at may kinuha sa bulsa niya.

Isang maliit na kahon. Napatutop ako sa bibig ko.

Tumingala siya at tumingin sakin ng may pagmamahal sa mga mata.

“Blythe Collins, sa limang taon nating magkarelasyon ang dami na nating pinagdaanan. Ang dami na nating binuong mga alaalang masarap balik-balikan, mga alaalang magkasama tayong dalawa. 2 years din tayong naging LDR pero heto tayo't magkasama parin. Mahal na mahal kita, blythe. Kaya kahit na kinakabahan ako sa sagot mo tatanungin pa rin kita, will you marry me?”

Tumulo ang mga luha ko at tumango ng dahan-dahan.

“Yes!”

Agad naman nitong inilagay ang singsing sa daliri ko at mahigpit akong niyakap.

“I love you.” bulong niya

“I love you too.” sabi ko at napapikit ako ng halikan niya ako sa noo.

Short StoriesWhere stories live. Discover now