The debutant's wish

0 0 0
                                    

“Ladies and gentleman, our debutant Angelie Roxas!” anunso ng emcee.

Huminga ako ng malalim at bumaba ng dahan dahan habang inaalalayan ako ni daddy. Ngumiti ako nang makababa kami

“Wag kang papahalata, anak.” bulong ni daddy sa'kin.

Agad naman akong tumayo ng magsimula na ang 18 roses dance.

Mga pinsan at mga kaibigan ko ang aking mga nakasayaw, pati na rin si daddy. Ang huli kong nakasayaw ay ang lalaking mahal ko.

Lumapit ito sa'kin at mahigpit akong niyakap. Kasabay ng musika ang pagsayaw namin ng dahan dahan habang magkayakap, mariin kong pinikit ang mga mata ko.

Pinipigilan kong umiyak, tumigil ako at humiwalay mula sa pagkakayakap sa kaniya.

Ngumiti ako.

Taka naman niya akong tinignan.

“Angel? What's wrong?” nag-aalala nitong tanong sa'kin nang makitang tumulo na ang luha ko.

Napansin kong nakatingin ang lahat ng nga tao sa paligid namin pero patuloy pa rin ang tugtog ng musika.

Tinignan ko ang mga magulang ko at nakita silang tumango.

Hinawakan ko siya sa kamay ng mahigpit.

“Jacob, I.. I'm sorry.”

“Tell me what's wrong? Please, nag-aalala nako sayo.”

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko at patuloy niya rin itong pinunasan, hinawakan ko ang isang kamay niyang nasa basa kong pisngi.

“I-I'm not Angelie, I'm Angela.”

“What? What the fuck are you talking about babe? Patay na si Angela, patay na ang kakambal mo.”

“No, jacob. Angela is in front of you, I am Angela. Si A-Angelie, patay na siya. I'm sorry...”

Natigilan siya, tumulo ang mga luha. Bigla siyang napaluhod at yumuko.

Napatakip naman ako ng mga labi dahil sa paglakas ng mga hikbi ko.

“Everyone here knows Angelie is already dead, jacob. I'm sorry hindi ko sinasadyang lokohin ay saktan ka.”

Lumuhod ako para magkapantay kami, tumingala ito mula sa pagkakayuko at tinignan ako.

“But you did... you just did. All of you made me a fool!”

Tinulak naman ako nito dahilan para mapasalampak ako sa semento, pero hinayaan ko siya.

“Anak!”

Akma sanang pupuntahan ako ni mommy ng inilingan ko ito.

Tumayo siya at marahas akong hinila patayo dahilan para mapadaing ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

“I'm sorry...”

“FUCK!” sigaw niya at marahas akong binitawan.

“Magpapaliwanag ako.”

Napagitla ako ng hinahagis niya ang mga pagkaing nakahanda at mga gamit. Agad naman siya sinaluhan ng mommy nito.

“Please iho, makinig ka muna.”

Hindi ito nagsalita, kahit mabigat man ang suot kong gown ay naglakad ako papalapit rito at binigay sa kaniya ang letter na binigay sa akin ni Angelie.

“She gave that to me the day after she died eight months ago. Please read it, sana maintindihan mo kung bakit ko'to ginawa.”

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo.

Sa lalaking mahal ko.

Nanginginig na binuksan ni Jacob ang letter na binigay sa kaniya, binasa naman niya ang laman nito.

‡ Dear Angela,
        Hi kambal! Hindi ako magaling magsulat pero isusulat ko kung anong gustong sabihin ng puso ko. Alam kong malulungkot kayo nina mama't papa kapag nawala ako lalo ka na haha, pero pagod na kasi ako bal. Alam mo bang buntis ako? Hindi si Jacob ang ama, hindi ko alam kung sino basta nagising na lang akong nasa isang kwarto ako kasama ng isang di kilalang lalaki. Ayokong malagay sa kahihiyan ang pamilya natin at ang pamilya ni Jacob, lalo na sa Jacob na 'yun. I'm gonna end my life now kambal, huwag mong papabayaan sina mama ha? Alagaan mo rin ang sarili mo. Paki alagaan na rin si Jacob para sakin ha? Alam ko naman kasing mahal mo 'yun! Don't worry, hindi ako galit. Mas okay pa nga saking ikaw ang makatuluyan niya, pero I hope you'll grant my wish. Pwede bang magpanggap ka munang ako? Hanggang sa debut natin. Please? Yun na lang ang paraan ko para mapasaya siya. May plano kasi 'yun sa debut natin, ayoko kasing mabigo siya. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yun eh, babantayan ko lagi. Mahal na mahal ko kayo :)

Nagmamahal,
Angelie

Napahagulgol na lamang si Jacob habang yakap yakap ang huling letter na isinulat nito.

Short StoriesWhere stories live. Discover now