Bawal na pag-ibig

0 0 0
                                    

Napapikit si Prinsesa Crystaline nang maramdaman ang mainit na yakap mula sa kaniyang likod.

“Namiss kita, mahal kong prinsesa.” bulong nito sa kaniyang tenga.

Napangiti siya.

Humarap siya rito at ningitian ng matamis, tumingkayad siya para bigyan ito ng mabilis na halik sa labi.

“Namiss din kita, mahal ko.”
-
Siya si Alvin, isang mamamayan ng kanilang lugar. Nakilala niya ito ng minsang tumakas siya sa palasyo upang magliwaliw sa plaza, hindi naman siya nakilala ng mga tao dahil iba ang kaniyang kasuotan at natatakpan ng tela ang kaniyang mukha. Nilapitan siya nito at nagpakilala ito, nasa mababang antas ng pamumuhay si Alvin. Unang pagkikilala pa lamang nila ay nabighani na niya ang kaniyang puso.
-
Napabalikwas ng bangon ang prinsesa ng may marinig na mga taong papalapit sa kanilang kinaroroonan.

“Alvin, umalis ka na. Baka makita nila tayong magkasama.”

Tumayo naman ito at niyakap siya ng mahigpit.

“Magkita ulit tayo rito bukas ng gabi, mahal ko. Mahal na mahal kita.” anito at ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi at patakbong umalis ng patago mula sa palasyo.

Napabuntong hininga siya.

“Prinsesa, ano ang iyong ginagawa rito?” rinig niyang tanong ng kaniyang ina. Ito pala ang paparating sa tagpuan nila ng kaniyang nobyo.

Humarap siya rito at nagbigay galang.

“Nagpapahangin lamang ako, inang reyna.”

Tinignan siya nito ng nagdududa, halatang hindi naniniwala sa kaniyang tinuran.

“O siya, bumalik na tayo sa loob ng palasyo.”

Agad naman siyang lumapit sa ina at kumapit sa braso nito.
-
Magmula ng makita siya ng kaniyang ina ay hindi ma siya nilubayan nito ng tingin, bantay sarado siya ng inang reyna.

Nang matiyempuhan niyang may ginagawa ang ina ay agad siyang pumunta sa tagpuan nila ng nobyo.

Nakita niyang nakaupo ito sa lupa at agad itong tinawag.

“Mahal ko, patawad. Ngayon lamang ako nakarating.” aniya

Agad naman itong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

“Ayos lamang, mahal kong prinsesa.” anito

“Sinasabi ko na nga ba, may lihim kayong relasyon!”

Gulat silang napahiwalay ng yakap at tinignan ang kaniyang ina na galit na galit.

“I-Inang reyna...”
“M-mahal na reyna...”

Lumapit ito sa kaniya at hinila siya patungo sa likod nito. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang mga kamay, Marahas nitong binitiwan ang kaniyang mga kamay.

“I-Ina...”

Dinuro nito si Alvin.

“Ayoko ng makita ang pagmumukha mo rito sa palasyo, hindi ka nababagay sa aking anak! Isa ka lang mababang uri na mamamayan!”

“Patawad, kamahalan. Ngunit mahal ko ang inyong anak. Ipaglalaban ko siya hanggat kaya ko.”

Matalim itong tinignan ng reyna at nagulat ng makarinig ng isang makapangyarihang sigaw, ang hari.

“ANONG IBIG SABIHIN NITO?!”

Kinabahan siya bigla, natatakot sa maaaring mangyari sa nobyo.

“A-Ama, ina... maawa kayo. Mahal namin ang isa't isa!”

“MANAHIMIK KA, PRINSESA!” sigaw ng amang hari.

Nilapitan nito ang kaniyang nobyo at malakas na sinuntok.

“Wag na wag ka ng magpakita sa aking anak kung hindi mo magawang sundin ang aking utos ay papatayin ko ang iyong pamilya!”

Natakot siya. Lumuhod siya sa harap ng mga magulang at nagmakaawa.

“Wag ama! G-gagawin ko ang lahat, wag niyo lamang galawin ang kaniyang pamilya!”

Nakatiim bagang na nakatingin sa kaniya ang amang hari at gulat namang nakatingin sa kaniyang inang reyna. Pinatayo naman siya ng kaniyang ina ngunit hindi siya nagpatinag.

“Tumayo ka riyan, prinsesa. Jusko!” ani ng kaniyang ina naluha na rin.

Tuloy-tuloy lamang ang kaniyang mga luha, napatigil lang siya sa paghikbi ng maramdaman ang init ng yakap ng nobyo.

“Tahan na, mahal ko. Tahan na. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan.” anito

Mahigpit siya nitong niyakap at binilong ang hindi niya gustong marinig galing rito.

“Patawad, mahal na mahal kita. Paalam.”

Agad siya nitong binitawan at patakbong umalis ng palasyo.

Tinignan niya ang ama't ina.

Ngumiti ng mapait.

“Masaya na ba kayo? Iniwan na ako ng pinakamamahal kong nobyo.”

Nanghihinang tumayo siya at naglakad.

“Patawad, anak...” rinig niyang bulong ng kaniyang ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short StoriesWhere stories live. Discover now