“Sis!” Tawag sa kaniya ng kakambal niyang si Alondra“Tulungan mo'ko please?”
Napakunot noo siya, nagtataka niyang tinignan ang nangangamba nitong maamong mukha.
“Bakit? Anong nangyari? Anong maitutulong ko?”
Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.
“Krisha, kumbinsihin mo naman si mommy na wag akong i-arrange marriage oh. Please?”
Buntong hininga niya itong tinignan, pano niya magagawa 'yun eh halos isumpa siya ng mommy nila.
“Alam mong matigas ang puso ni mommy sa'kin, kaya hindi ko magagawa 'yan.”
“Sige na pleeeeeeaaaaasssseeeee!”
“Fine, i-expect mo nang hindi ka niya pagbibigyan.”
—
Huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa pintuan ng kwarto ng mommy niya. Kinatok niya ito ng dalawang beses“Come in.” rinig niyang sabi ng kaniyang ina.
Pumasok siya at naglakad papunta sa kinauupuan nito.
“What brings you here, Krisha?” taas kilay nitong tanong sa kaniya.
“M-mom, pwede bang wag niyo nalang ipakasal si Alondra sa anak nina Mr. & Mrs. Jones?”
“At bakit? It's my decision, krisha. You have no rights to interfere with my decision.”
“But mom, Alondra is just 20 for pete's sake! She doesn't even want to get married.” Lakas loob niyang sabi rito.
Agad namang huminga ng malalim ang kaniyang ina at tinapik ang katabing upuan nito, sinasabing umupo siya.
Agad naman niya itong sinunod.
“Am I bad mother to you, krisha?”
Gulat naman niya itong tinignan.
“P-po?”
Ngumiti ito ng mapakla.
“Our company... palubog na ang kompanya natin at hindi ko kayang mawala ang pinaghirapan ng lolo't lola mo.” naiiyak nitong sabi sa kaniya
“M-mom, don't cry.”
“Ang pagpapakasal ni Alondra ang sagot para masalba ang kompanya natin.”
“But I don't want to get married mom.” rinig nilang sabi ni Alondra na nakikinig pala sa kanila mula sa labas.
Pumasok naman ito at umupo sa kabilang upuan.
“Ayoko magpakasal mom, marami pa'kong gustong gawin sa buhay ko. I'm sorry.”
Bigla naman siyang naawa sa kambal at naisip na siya na lang ang magpapakasal, magsasakripisyo siya para sa pamilya niya.
“Ako na lang ang magpapakasal.” pinal niyang sabi sa kaniyang kambal at ina.
Gulat naman siyang tinignan ng dalawa, hinawakan naman siya sa kamay ng kaniyang ina.
“Siguro ka ba?”
Ngumiti siya.
“Oo, sigurado ako.”
—
Ngayon na ang araw na makikilala niya ang lalaking mapapangasawa niya. Kinakabang bumaba siya mula sa kwarto at dahang dahang bumaba sa hagdan.“Oh, she's here.” sabi ng kaniyang ina.
Agad niyang pinuntahan ang ina at nakipag beso.
“Siya nga pala, this is my daughter Krisha. Anak, this is Andrew Jones. Your future husband.”
“Hi, nice to meet you future wife.” sabi nito at inilahad ang kamay nito.
Agad naman niya itong tinanggap pero nagulat siya ng hinalikan nito ang kamay niya.
“N-Nice to meet you too.”
Ilang siyang ngumiti rito.
“So, maiwan ko muna kayo rito.”
“Teka mom, iiwan mo'ko dito?”
Narinig niyang mahinang tumawa ang lalaki.
“Don't worry, di naman kita kakainin.”
“He-he.”
—
This is the day, kinakabahan siya. Mini make-upan na siya at ready na ang kaniyang buhok. Ilang ulit naman siyang napapahinga ng malalim, ilang oras lang ay tapos na siya sa paghahanda. Pumasok naman ang kaniyang kakambal at ina“Ang ganda mo bal! Bagay pala sayo maging bride eh, worth it pala pagpapanggap namin ni mommy.”
“What?”
“Alondra, shh! You're so beautiful anak, gosh naiiyak ako.”
Ngumiti naman siya sa dalawa at niyakap ito, pinipigilan niyang maluha baka masira kasi ang make up niya.
Nang makarating roon sa simbahan ay umuna na ang kaniyang kakambal dahil ito ang bridesmaid niya, ang ina naman niya ang maghahatid sa kaniya sa altar.
Kinakabahan naman siyang bumaba ng kotse at mahigpit na napahawak sa bulaklak at sa braso ng mommy niya.
“Mom, kinakabahan ako.”
“It's okay anak, ganiyan din ako nung ikinasal sa daddy niyo noon. You have to know something.”
Tatanungin na sana niya ito pero pinag ready na sila ng wedding coordinator.
Bumukas ang pinto at dahan dahan silang naglakad, nakita niyang naghihintay roon ang lalaking mapapangasawa.
Bigla itong ngumiti sa kaniya, ganoon din siya. Wala siyang ibang nakikita kundi ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso niya habang naglalakad siya papunta rito, hindi niya alam ang ibig sabihin nun pero wala siyang makapang pagsisisi sa pagpapakasal rito.
—
2 years later“Andreeeeeeeeeeew! LECHE KA MANGANGANAK NAKO! ASAN KA BA HA?! MAPAPATAY KITA!” sigaw niya rito mula sa telepono.
Natataranta naman itong sumagot sa kaniya.
“Te-teka, hingang malalim. Inhale exhale ~ Inhale exhale~”
Ginawa naman niya ang sinabi nito pero sumasakit na talaga ang tiyan niya, gusting gusto ng lumabas ng anak niya mula sa tiyan niyang pakwan.
“DALIAN MO LECHE KA! KUNG ALAM KO LANG NA GANITO PALA KASAKIT MANGANAK EDI SANA HINDI AKO NAGPADALA DIYAN SA 'MAHAL KITA' MO!”
Narinig naman niyang tumawa ito at nabigla siya ng may bumuhat sa kaniya.
“Andito na ako, mahal kita.”
“MAHAL DIN KITA! ABA HOY DALIAN MO ANG SAKIT NA NG TIYAN KO!”
Kumaripas naman ito ng takbo habang buhat buhat siya at isinakay sa kotse nito.
Nang makarating sa ospital ay agad siya nitong inihiga sa hospital bed at pumasok sa labor room.
Aalis sana ito pero hinila niya ito sa kamay.
“SAN KA PUPUNTA? DITO KA LANG, HOOOOH HOOOH~”
Tumingin naman ito sa doktor at tumango naman ito.
“Okay, ire misis. Inhale exhale, 1.. 2.. 3.. push!”
“AAAAAHHH!” sigaw niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ng asawa. Napapangiwi naman sa sakit si Andrew dahil sa kamay na hawak ng kaniyang asawa pero ayos lang sa kaniya dahil mas masakit ang dinadanas ng asawa.
Makailang ulit na umire si Krisha at narinig nalang niya ang umiiyak niyang anak. Pinutol naman ng doktor at pusod at pinunasan ito, dinala naman sa kaniya ang anak na itinabi sa kaniya.
“It's a baby boy, congratulations Mr. & and Mrs.Jones”
Nanghihina man ay ngumiti siya ng makitang mahimbing na natutulog ang kaniyang anak sa bisig niya.
Naluluha niyang tinignan ang asawa.
Ngumiti ito sa kaniya at pinahiran ang nagbabadya niyang luha, maingat nitong hinalikan sa noo ang kanilang anak. Hinalikan din nito ang kaniyang noo.
“I love you, my angels.” sabi nito bago siya nawalan ng malay.