Pangarap

2 0 0
                                    

— 📝

◤Pangarap◥

“Athena Reyes! Ikaw na susunod!”

Kinakabahan man ay umakyat na rin sya sa entablado at huminga ng malalim.

“Hello, what's your name?” tanong sa kanya ng isa sa mga judge.

“Athena Reyes po.” Sagot niya habang mahigpit na hawak ang mikropono.

“Athena, anong gagawin mo?”

“Kakanta po ako.”

“Okay, good luck.” sabi nito at ngumiti.

Nang marinig niya ang musika na kanyang kakantahin ay huminga siya ng malalim at nagsimula.

Dinadamdam niya ang bawat letra at isinasapuso ang pagkanta.

Pumikit siya't dinamdam ito hanggang sa huling linya ng kanta.

“Your love is like the river that flows down through my veins, I feel the chill inside 🎶🎤”

Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nagsisigawan ang mga tao.

Nakatayo habang pumapalakpak.

Pati na rin ang mga judges.

“Wow. Athena, I'm speechless. I mean we were speechless, ang ganda ng boses mo. Nung kumakanta ka ramdam na ramdam namin ang bawat meaning nung kanta.” sabi nito at pinindot ang golden buzzer.

Nagulat sya. Napaupo sa tuwa. Hindi mapigilang maging emosyonal.

“Maraming maraming salamat po!”

Pinuntahan siya ng kanyang ina upang yakapin sa tuwa.

“Matutupad na rin ang mga pangarap natin ma.” sabi niya habang yakap-yakap ang ina.

“ATHENA! ATHENA! ATHENA!”
“AAAAAH! WE LOVE YOU ATHENA!”
“ATHENAAAAA!!”

Heto sya, nakatayo sa entablado.

Hawak-hawak ang mikropono.

Sinisigaw ng mga tao ang pangalan niya.

Sinusuportahan siya.

Hindi niya aakalaing matutupad ang mga pangarap niya, dahil ito sya may concert na.

Ngumiti siya. Hawak ang mikropono at nagsalita.

“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa panginoon. Binigyan niya ako ng talento at lakas ng loob para i-pursue 'tong pangarap ko. Siyempre maraming salamat sa inyong sumusuporta sa'kin, dahil sa inyo nandito ako sa entabladong ito nakatayo. Maraming salamat din sa pamilya kong kahit kailan hindi ako sinukuan at sa pangarap ko.”

Mahabang linya niya at ipinagpatuloy na muli ang pagpapasaya sa mga taong lubos siyang sinusuportahan.

Short StoriesWhere stories live. Discover now