⬛ Part 1
Agad akong nagtago sa likod ng school building nang makita kong nag-aaway ang sikat na couple sa campus.
“Leche naman bryan! Tigil tigilan mo nga ako, pinagseselosan mo 'yung bestfriend ko! Ano ba?! Hindi ka ba titigil?!”
“Tangina! Best friend?! Bestfriend ba 'yung naghahalikan sa loob ng cr ng mga lalaki ha?! Tangina niyo!”
Dinig kong sigawan ng mga ito, sumilip naman ako at napatutop ako sa nakita ko nang makitang sinasakal na ni Bryan ang kasintahan niya.
Nagpupumiglas itong makawala kay Bryan pero mas nagulat ako nang may kinuha siyang kutsilyo mula sa likod niya at pinagsasaksak nito ang nobya.
“Tangina niyo! Mamatay ka ng puta ka!” sigaw nito at patuloy parin sa pagsaksak sa walang buhay nitong nobya.
Kinakabahan akong napaatras, nang tatakbo na ako ay may natapakan akong kahoy na nagbunga ng ingay.
“Sino yan?!”
Bago pa ko maabutan ay tumakbo na ako ng mabilis. Nang makarating ako sa bahay ay dali dali akong pumunta sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto.
Nanginginig akong napaupo at napahagulgol dahil sa takot. Napagitla ako ng may kumakatok
“Anak? What's wrong?”
“N-Nothing ma...”
Ilang araw din akong hindi pumasok sa school, magmula nang masaksihan ko iyon ay hindi na ako makatulog ng maayos.
Nasa sala ako at nanonood ng Tv, inis akong napamura nang biglang iniba ni kuya ang channel.
'Nagbabagang balita! May nakitang patay sa Malolos University, ayon sa mga nakakitang mga studyante nag e-ensayo raw sila sa likod ng school nang may makita silang patay. Nakilala ang bangkay na si Mikaela Smith, sa ngayon iniimbistigahan pa ang nangyari rito—”
Pinatay ko ang tv. Kinakabahan ako at nanginginig sa takot
“Bat mo pinatay? Tss.”
Napatingin sa akin si kuya at napakunot noo.
“Bunso? Ayos ka lang?”
“O-Oo kuya, k-kwarto lang ako.”
Pagkapasok ko ng school, puro nagluluksang mga mukha ang nakikita ko sa mga kapwa ko studyante.
Napatingin ako sa mga nagkukumpulang mga studyante at pumunta roon, nakita kong malaking picture iyon ni Mikaela at marami akong nakitang mga bulaklak at mga kandila.
Napatingin ako sa hawak kong bulaklak, pumunta ako sa harapan at inilagay doon ang bulaklak.
“I'm sorry...” bulong ko.
Umalis na ako roon dahil nagi-guilty ako, sobrang bigat sa pakiramdam na may alam ako kung sino ang pumatay sa kaniya pero hindi ko kayang isiwalat sa mga pulis dahil natatakot ako.
Nakayuko akong naglalakad habang pinapahiran ang mga luha ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang sa'kin.
“Karen..”
Tumingala ako at nakitang nakatayo sa harapan ko ang lalaking pumatay kay Mikaela.
“B-Bryan...”