Feeling ko tumigil ang mundo ko ng tinutokan ako ng baril ng taong hindi ko inaasahang magagawa sa'kin.
Ang kapatid ko.
Halos maduling ako ng tinignan ko ang baril na malapit lamang sa mukha ko, tinitigan ko siya.
“Tres, ibaba mo 'yan.”
Pilit kong maging kalmado para hindi niya ito maiputok, sayang ang kagwapuhan ko kapag namatay ako. Tss
“Papatayin kita, inagaw mo sa'kin ang babaeng mahal ko!”
Inilapit niya pa ang baril at itinutok na ito malapit sa puso ko.
Napakunot-noo ako. Anong inagaw?
“Ano? Hindi ko siya inagaw sayo.”
Napatiim bagang itong nakatingin ng may galit sa mga mata.
“TRES!”
Napalingon kaming dalawa sa sumigaw, agad akong natakot. Shit anong ginagawa niya dito?! Baka mapahamak siya!
“Oh, andito na pala 'yung babaeng mahal natin eh.” ngumisi ito.
Shit, shit, shit. Wag na wag niyang idadamay dito si Irene.
Lumapit si Irene sa amin at hinawakan ang isang kamay ng kapatid ko na hawak-hawak ang baril.
“Irene! Bakit ka nandito?! Umalis ka na, baka mapahamak ka pa!” sigaw ko sa kaniya.
Gagalaw sana ako pero agad namang idinikit lalo ng kapatid ko ang bagay na nakatutok sakin.
“Hindi ako aalis. Dahil sa'kin kaya kayo nag-aaway na magkapatid.” sabi nito at tumulo ang mga luha.
Tinignan naman nito ang kapatid ko at pinapakalma, agad na umamo ang mukha nito at dahan dahan na ibinaba ang kamay.
Napahinga ako ng malalim.
“Please, wag mong gawin 'to.”
Tumalikod ito at nagsimulang maglakad papalayo.
Agad ko naman hinila ang aking kasintahan at niyakap ng mahigpit.
“Salamat sa diyos walang nangyari sa'yo.”
“Ayos lang ako— arch!!”
Nagulat ako ng bigla siyang umikot at narinig na lamang ang malakas na putok ng baril.
Tumigil ang mundo ko ng makitang may dugo ang mga kamay ko habang nakayakap sa kaniya.
Ramdam ko pang mahigpit ang pagkakayakap niya sa'kin pero bigla itong kumawala.
Hindi... Hindi pwede...
Niyakap ko ito ng mahigpit, bumuhos ang mga luha.
“K-Kuya, h-hindi ko sinasadya.” rinig kong sabi ng kapatid ko.
“H-hindi, gumising ka. Hindi ka pwedeng mamatay! IRENE!”
Kasabay ng pag-agos ng mga luha sa'king mga mata ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.