What? Hindi iyan totoo..

3 0 0
                                    

“Ma, this is my girlfriend. Nicka” ani ng kaniyang kasintahan.

Kinakabahan naman siyang kumapit sa braso nito at ilang na ngumiti.

“H-hello po, tita.” sabi niya sa ina nito at naglahad ng kamay

Tinaasan naman siya nito ng kilay at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

“So, you're my son's girlfriend.” Taas kilay nitong sabi sa kaniya.

“Lets go to the dining room, ma. Baka naghihintay na sina papa doon.”

Tinignan naman siya ng kasintahan at ngumiti, bumulong naman ito sa kaniya.

“Relax babe, okay?”

Napahinga siya ng malalim.

“Yeah.”

Pagkarating nila doon ay mainit siyang sinalubong ng mga kapatid nito at lalo na ang ama nito. Bigla namang napa-irap sa kaniya ang ina nito.

“So, iha. Anong business ng family mo?” Tanong ng ina ng kaniyang kasintahan.

Napatingin naman siya rito at kinakabahang ibinaba ang kutsara't tinidor.

“Wala po kaming business.”

Napataas naman ang kilay nito.

“So, anong trabaho ng mga magulang mo?”

“Housewife po ang nanay ko, janitor naman ho ang tatay ko.” sagot niya rito ng walang halong nahihiya sa boses.

“A janitor? Okay. Oh! by the way what's your name again?”

“Nicka Reyes po.”

Susubo pa sana ito pero napatigil din nang marinig ang pangalan niya, pabagsak nitong inilagay ang mga kubyertos.

Napagitla naman siya, hinawakan naman siya sa kamay ng kansintahan.

“Is your mom Melissa Reyes?”

“Y-yes po. Bakit ho?”

Napatayo naman ito at galit na napatingin sa kaniya at sa katabi niyang kasintahan.

“Jake! What kind of girl do you have? Hiwalayan mo ang babaeng 'yan! Ayokong magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa pamilya ng babaeng yan!” mahabang lintanya nito.

Napakunot-noo naman ang kaniyang katabi, tumayo rin ito.

“What? Bakit ko siya hihiwalayan? Mahal ko siya, ma!”

Tumayo naman siya para pakalmahin ito pero nagulat siya ng bigla na lang maramdaman niyang may humigit sa buhok niya't sinampal siya.

“MA!”

“A-anong kasalanan ko sa inyo?”

Hinawakan ito ng asawa nito at pumipiglas naman ito.

“Bitawan mo'ko! Hindi mo alam?! Nang dahil sa nanay mo kaya nagkada leche-leche ang buhay naming mag-asawa!”

Napatigil siya, kumakabog ang dibdib sa kaba.

“A-Ano? H-hindi totoo 'yan!”

“Kabit siya ng asawa ko, hanggang ngayon kumakapit pa rin ang nanay mo sa asawa ko.”

Pinapatigil naman ito ng asawa nito, gulat namang napatingin sa kaniya ang nobyo at mga kapatid nito.

“Nicka...”

Namumuong mga luha, hawak-hawak ang dibdib. Naramdaman na lang niyang parang pinipiga ang puso niya at hindi rin siya makahinga.

Napahawak siya sa katabing upuan.

“NICKA! Anong nangyayari sayo?!”

Napatigil naman sa pag-aaway ang mag-asawa ng makitang nahihirapang huminga ang nobya ng anak nila.

“H-Hindi ako makahinga...” mahinang tugon niya.

“TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA! ANO BA?!

Dali-dali naman siyang kinarga ng nobyo at sa mga bisig nito ay nawalan siya ng malay.

Short StoriesWhere stories live. Discover now