⬛ Part 2
“B-Bryan...”
Napaatras ako, kinakabahan dahil baka alam niyang ako 'yung nakakita sa ginawa niya.
Napaatras ako ulit ng lumapit siya sa'kin, bigla siyang yumuko para magkapantay kami.
“Mag-usap tayo.” sabi niya at ngumiti.
Halos hindi ako huminga ng sobrang lapit ng mukha niya sa'kin, nakahinga lang ako ng maluwag ng umayos na siya ng tayo.
“Sumunod ka.”
Kinakabahan man ay sinundan ko siya papunta sa abandonadong classroom.
“A-Anong pag uusapan natin?”
Umupo ito sa isa sa mga silya at naka de kwatro habang ako naman ay nakatayo malapit sa pinto.
“Maupo ka, karen.”
Hindi ko siya sinunod kaya ngumisi siya, may kinuha siyang bagay mula sa bulsa niya at ibinigay sa'kin.
“Sayo 'yan diba? Nagtanong tanong ako kung kaninong bracelet 'to. Sayo pala, tss.”
Tinitigan niya ako at pinaningkitan ng mga mata.
“Nakita mo ginawa ko diba?”
Nagulat naman ako, akmang lalapit ito sa akin pero sumigaw ako.
“Wag kang lalapit!”
Nakangisi itong ibinato sa'kin ang bracelet na bigay pa sa'kin ng mama ko.Natatakot na ako, bat ba siya ngumingisi?!
“So, ikaw pala 'yun. Dapat pala patayin na din kita para di ka kumanta!”
Gulat naman akong napatingin sa kaniya at bigla niya akong patakbong sinakal.
“Ahhhkkk—”
“Hindi ako pwedeng makulong kaya mamatay ka na!”
Mas lalo pa niya akong sinasakal at naramdaman kong nakalutang na ako, nagpupumiglas akong makawala pero hindi ko kaya. Masyadong mahigpit ang pagkakasakal niya sa'kin, napapkita ako.
Hirap na hirap na akong huminga.
“BRYAN!” rinig kong sigaw sa kung saan.
Agad naman akong napabagsak sa semento at napaubo, malalalim din ang paghinga ko.
“ANONG GINAGAWA MO?!”
“Tangina, wag kang makialam dito.”
Napamulat ako ng mga mata at nakita ang kaibigan niyang si Rico, nagpapalitan sila ng malalakas na suntok.
Malakas na sinipa ni Bryan si Rico at tumilapon naman ito.
“Tangina!”
“Mapapatay mo siya!”
“Wala akong paki alam!” ani Bryan at nagalakad paalis.
Tinulungan naman akong makatayo ni Rico at inaalalayan ako, bigla kasing nawalan ako ng lakas.
“Ayos ka lang ba?” tanong nito sa akin.
“Obvious ba?”
“Sumusobra na talaga siya, tikom lang ang bibig ko nang malaman kong pinatay niya si Mikaela.”
Inalalayan ako nitong makaupo, napakunot noo naman ako.
“Alam mong—?”
“Oo, nandoon din ako nung gabing nag-away sila. Pero hindi ko alam na nakita mo rin.”
Akala ko ako lang ang may alam, dalawa pa kami. Natatakot ako kapag kumanta ako sa mga pulis, baka mapatay na talaga ako ni Bryan. Mahal ko pa ang buhay ko.
“Sasabihin ko na sa mga pulis ang nakita ko.”
Napatingin naman ako sa kaniya, bakas sa mukha niya ang pagiging determinado. Sana kaya ko rin
“Siguro ka ba, Rico? Baka patayin ka ni Bryan kapag nalaman niya.”
“Sigurado ako, kailangan ni Mikaela ng hustisya.”
“Mag iingat ka.” ani ko
Dahan-dahan akong tumayo at naglakad.
“Sandali, karen!”
Napatigil ako dahil hinawakan niya ang kamay ko, tinignan ko naman siya.
“Hindi mo ba isisiwalat sa mga pulis ang nakita mo?”
Umiling ako.
“Bakit? Kailangan ni Mikaela ng hustisya, kaibigan mo siya dati diba?”
Bigla akong napatingin sa kaniya ng may pagtataka.
“Pano mo alam 'yan?”
“Hindi na mahalaga iyon, ano karen? Alang alang sa pagkakaibigan niyo dati, bigyan mo ng hustisya si Mikaela.”
Napakuyom ko ang kamao ko, nararapat na makulong si Bryan. Kaya nakapag desisyon na ako, isisiwalat ko na sa may kapangyarihan ang nasaksihan kong krimen.