Chapter 43 Yakap

5.9K 81 0
                                    




Nathan POV

I'm so nervous right now. Hindi ko lang pinapahalata kila kuya at Collene. Pumasok kami ng bahay and my knees are shaking like hell. Pero kailangan chill lang tayo. Umupo kami sa sofa.

"Ate Pony, Can you call Mom and Dad, may pag uusapan lang kami." Utos ni Collene sa yaya nila. Pumunta na ang yaya nila Collene, umupo si Collene sa gitna namin ni kuya Aaric. Bumaba na ang mga magulang ni Collene. Dating sundalo ang tatay ni Collene samantala ang nanay naman niya ay bussiness woman. Umupo sila sa sofa.

"Oh? Anong pag uusapan natin?" Tanong ng tatay ni Collene habang nilalagay ang salamin niya sa lalagyan nito.

"Oo nga, Collene"


Paano ba namin ito sasabihin. Sa paanong paraan. Sa paanong dahilan.


Ella POV

Lumabas ako galing banyo. Nag palingon lingon ako kasi wala si Dex. Nag katyempo ako na umalis. Pagka bukas ko ng pinto ay nasa harapan ko nanaman siya. Tinignan niya ako ng kakaibang tingin kaya napabalik ako.


"Where the hell you think your going?" Nakakunot ang noo niya. Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi niya ako mahuli.


"Uhmm.. Wala" Tipid kong sagot. Pinaupo ako ni Dexter sa upuan, umupo din siya sa isang upuan.


"I just want to explain, everything doon sa nangyari, sorry Mika" Kita sa mga mata niya ang lungkot. Siguro ito na ang pagkakataon na bigyan ko naman siya ng oras para ipaliwanag lahat.


Adam POV

Asa bahay ako ngayon kasi sinusubukan kong kausapin sila mommy. Sigurado akong magagalit sila. Binuksan ko ang laptop at pumunta sa skype, online sila. Sasabihin ko na na? Oo sasabihin ko na. Nag riring lang ito pero hindi rin tumagal ay sinagot na nila.


"Hi! Adam, nakabalik na ba dyan si Ella."

"Opo... Uhmm mommy may sasabihin nga pala ako sa inyo"


"Ano yun anak"

"S-si Nathan po kasi"

"What about Nathan? May nangyari ba?"

"Opo.. Nabuntis po ni Nathan si Collene"

"WHAT!!!!!!"

Halos masira yung speaker ng laptop ko, shems.


" bata pa siya diba? Bakit naman niya ginawa yun. How about Collene is she okey?"


"Uhmm Wala sila dito kasi sasabihin na nila sa parents ni Collene."


"Nakakahiya sa parents ni Collene, naku yang Nathan na yan"

"Okey lang ba sa inyo yun, mommy?"

"Oo anak, pero masyado pa kayong bata para sa ganyan. "

Tumungo nalang ako dahil hindi ako makapagsalita.


"Bukas na bukas pupunta kami dyan ng daddy mo. We will fix this."


Namatay na ang tawag, naku Nathan patay ka talaga.

---

Ella POV

Niyakap ko si Dex habang umiiyak ako. Ganon naman pala ang nangyari, dapat binigyan ko siya ng chance para mag explain. Kumalas siya sa yakap ko at hinawakan ang pisngi ko, tinignan niya ako. Kita sa mga mata niya ang saya dahil binigyan ko siya ng pag kakataon. Hinalikan niya ako. I missed him so much. Wala na akong ibang iniisip kundi siya lang, siya lang ang kailangan ko at wala ng iba. Sana huwag ngayon, shit. Napamulat ako ng inihiga niya ako sa kama. Pinigilan ko siya at tinignan, halata sa mga mata niya na nabitin siya, napakamanyak niya.


"Not now" Sabi ko. Tumayo siya at inalalayan niya ako sa pagtayo. Napatawa nalang kaming dalawa. Niyakap niya akong muli.

"I love you, Mika" bulong niya. Mas niyakap niya ako ng mahigpit. May nag doorbell sa may pintuan kaya naman binuksan niya ito. Napatigil sandali si Dexter sa may pintuan. Bakit kaya? Lumapit ako sa kanya at nagulat ako sa nakita ko.


"A-Alex"


Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako sa condo ni Dexter?



---

Sorry guysss! Late update

💚💚

That nerd stole my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon