Kabanata #3

495 19 2
                                    

Adam's POV
     
       Hapon na at naghihintay ako ng masasakyan pauwi, mga 30minutes na akong naghihintay dito ngunit wala pang dumadaamg taxi, siguro ay dahil sa ulan kaya wala na gaanong dumadaan na sasakyan, meron man ay may sakay namang iba.
 
      Alas sais na ng hapon ngunit hindi parin ako nakakasakay, medyo basa narin ang uniform ko at nilalamig pa, nagpagdesisyonan ko namng umupo muna ako habang patuloy parin akong naghihintay ng masasakyan, ng biglang may tumigil na kotse sa harapan kung saan ako nakaupo, hindi ko naman ito pinansin dahil nahihiya ako.

     Ilang sandali pa ay ibinaba ng driver ang bintana ng kanyang sasakyan at nagulat ako ng makita kong si Leon ang nasa loob, nag-iwas naman ako ng tingin dahil naramdaman ko nanaman ang kakaibang bilis ng pagtibok ng aking puso..(dugdug..dugdug..dugdug..) Bigla siyang nagsalita na ipinagtak ko naman "sakay" hindi ko ito pinansin dahil baka hindi naman ako ang pinagsasabihan niya, baka sabihin pa niya ako na assuming ako, mahirap na. "Sabi ko sakay" bigla naman akong napatingin sa kanya dahil napalakas na ang kanyang boses ! "Ako?" habang tinuturo ang aking sarili "may ibang tao kanang nakikita?"  pamimilosopo niyo sa akin, nahiya naman ako kase ako lang naman talaga ang taong predetermined niyang kausapin dito! "Ah mahihintay nalang ako ng taxi" "sasakay kaba o gusto mo pang hilain kita diyan papasok?" Napatayo naman ako at mistulang nagkusa ang aking mga paa upang pumasok sa kanyang sasakyan pagkarinig ko sa kanyang medyo inis nang boses, hindi naman ako mapakali dahil halo halo na ang aking nararamdaman..
   
     Tinanong niya ang aking address, at sinagot ko naman siya ng hindi siya tinitignan. Nahagip naman ng aking kaliwang mata mata ang pagngisi nito.. "bakit ganon ang gwapo niya ngumisi:)"
      
      Hindi na bago sa akin ang maattract sa ibang lalaki dahil Bisexual ako nagkakagusto ako sa lalake at ganun din sa babae.

     Pagkapark niya sa harap ng aming bahay ay nagpasalamat na ako sa paghatid niya sa akin, akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan para lumabas nang bigla niyang hatakin dahilan upang mapaharap sa kanya, pagkaharap ko sa kanya ay bigla niya akong hinalikan, para akong binuhusan ng malamig na tubig, habang magkadikit ang mga labi namin ay dilat na dilat ang aking mga mata, habang siya ay nakapikit ay parang walang pakealam sa mga nangyayari, mga sampung sigundo sigurong magkadikit ang aming mga labi bago siya bulitaw.. (oh my nakuha niya ang first kiss ko ^0^)...

 
Author's Note:
    Kung may mga typo po kayong makita ay paki update nalang po ako para maitama ko..
    Pls Vote and Comment . Thank you...
    

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon