Kabanata Twelve

262 13 1
                                    

    Nandito ako ngayon sa skwelahan at kasalukuyan akong gumagawa ng aking takdang aralin sa asignaturang Philosophy. Habang gumagawa ako ng aking takdang aralin ay nakatitig sa akin si Leon kaya hindi ako mapakali at makapag Focus sa aking ginagawa.

    Pinilit kong huwag nalang siyang pansinin, ngunit sadyang malala na ang epekto ni Leon sa akin. Inikot ko ang aking upuan at hinarap ko si Elie upang maiwasan ko ang mga titig sa akin ni Leon . Akala ko ay matatapos na ang pagkairita ko kay Leon ngunit naramdaman kong pinaglalaruan ni Leon ang damit ko mula sa likod. Naramdaman kong parang nagsusulat siya doon gamit ang kanyang daliri.

   Hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa, pinakiramdaman ko kung ano ang kanyang isinusulat, inuna niyang isinulat ang letter I, sunod ay gumuhit siya ng hugis puso at panghuli ay isang isang big letter na U.

   Namula ako dahil sa kanyang isinulat sa aking likod ngunit hindi ako nagtangkang lumingon sa kanya, nagpatuloy nalang ako sa aking ginagawa upang hindi niya mahalata na pinakikiramdaman ko siya.

   Alas tres na ng hapon at kakatapos lang ng huli naming klase na Creative Non- Fiction . Papunta na ako ngayon sa auditorium dahil may practices kami ngayon ng volleyball. Pagpasok ko ng locker room ay nadatnan ko ang ilan sa mga Kateammate kong nagbibihis na, hindi masyadong pamilyar sa akin ang mula ng iba kong ka teammte, siguro ay sa ibang Building sila sa Building kasi namin ay for Grade 12 lang.

   Pumunta na ako sa aking locker at nadatnan ko naman si Xyle na naka maikling shorts lang, nakatitig ako sa magandang hubog ng kanyang katawan .
  "Heyyy guys paki bilisan daw magbihis"
Bigla naman akong nagbalik sa aking ulirat nang tinawag na tinawag na kami ng isa naming kasamahan, nakaisip naman ako kung napansin ba ni Xyle ang pagkakatitig ko sa kanyang katawan, sana ay hindi dahil nakakahiya kapag nagkataon.

    Nagsimula na aming practice, puspusan ang pagprapractice namin dahil sa nalalapit na kumpetisyon, hinati kami sa dalawang grupo para maglaban, nagkataon naman na magkalaban kami ni Xyle, nakaramdam tuloy ako ng kaba. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ay painit ng painit ang laban, nag serve ang kabila at nakuha naman ito nang aming libero, kumuha ako ng bwelo para kung sakaling sa akin ipapasa ng setter ang bola ay nakahanda ako, hindi naman ako nagkamali at sa akin nga ipinasa ng setter ang bola, tumalon ako ng mataas para paluin ang bola, pagka spike ko sa bola ay nakita kong hindi na ito nakuha ng kabila, nang pababa na ako ay nawalan ako ng balanse kaya natalisod ako, napasigaw ko  "SHIIIIIT" nakaramdam ako ng sobrang sakit sa kaliwa kong paa, nagsipuntahan naman lahat ng kasama ko sa aking kinaroroonan pati ang coach namin upang alamin kung okay lang ako. Napansin kong si Xyle ang unang pumunta sa aking kinalalagyan at bakas sa kanyang mula ang pag paalala! "Okay kalang?" narinig kong sabi niya pero hindi ko na siya nasagot dahil iniinda ko Latin ang sakit ng aking paa. Hinawakan niya ang paa kong masakit "ahhhh" sigaw ko dahil nagalaw niya ang bandang masakit sa aking paa.
"SORRY SORRY hindi ko sinasadya"
"its okay" sagot ko sa kanya baka kasi maguilty siya kaya sinagot ko na siya, alam ko namang hindi niya sinasadya concern lang siya. Binuhat ako ni Xyle papunta sa may bleacher para gamutin ang aking paa. Nahiya naman ako kay Xyle dahil alam ko sa aking sarili na mabigat ako, buti nalang at tumulong sa pagbuhat sa akin ang iba ko pang mga kasama at hindi siya masyadong nahirapan sa pagbuhat sa akin.

  Alas sais na ng gabi nang natapos ang aming practice, nagpatuloy sila sa practice ngunit hindi na ako sumali at nanood nalang ako sa gilid. Habang nanonood ako ay napansin kong panay ang tingin sa akin ni Xyle na may bakas ng pag aalala Latin sa kanyang muka.

   Naglalakad kami ngayon palabas ng campus kasama ko si Xyle, nagpresenta siyang ihatid ako, ang rason niya ay tungkulin daw niya iyon bilang aming captain Ball. Nakaakbay ako sa kanya habang naglalakad kami, amoy na amoy ko tuloy ang nakakaadik niyang bango pero mas nakakaadik pa rin ang amoy ni Leon para sa akin. Nahihirapan parin ako sa paglalakad kaya kailangan ko ang suporta ni Xyle. Patuloy lang kami sa paglalakad at walang umiimik sa aming dalawa nang karamdaman kong may humawak sa aking braso.
  "Anong ibig sabihin nito" sabi ni Leon habang matalim ang titig niya sa akin tapos ay kay Leon.
" ah eh this Xyle may teammate and Xyle this is Leon friend ko" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Aksidente akong nawalan ng balanse kanina habang naglalaro kami kaya nabalian ako, inalalayan lang ako ni Xyle dahil nahihirapan akong maglakad" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ako na ang maghahatid sa kanya Bro" sabay hila niya sa akin. "Ah sige Xyle mauna na ako salamat sa tulong mo" nakangiti kong sabi kay Xyle.
  Napansin kong lumungkot ang ekspresyon ng kanyang muka kaya medyo nalungkot din ako, parang nadismaya ko siya.:(
 
  "Nagseselos ako" pagpasok namin sa kanyang sasakyan, napansin ko naman na naka basketball na naman siya siguro ay may practice din sila.
"Kanino?" Tanong ko sa kanya kahit na alam ko na ang kanyang tinutukoy .
" to that guy a while ago"
"Nagmamagandang loob lang yung tao, at isa pa siya ang captain Ball namin, it's his job to take care of us bilang teammate niya" malambing kong pagpapaliwanag sa kanya.
"OKAY but simula ngayon susunduin na kita pagkatapos ng practice niyo just text me" seryoso at medyo galit niyang sabi sa akin. Natakot naman ako dahil nakita ko na naman ang dati niyang aura na cold at mahirap alamin kung anong iniisip niya.
"Okay" simple ko kong tugon sa kanya.

  Pagka Park niya sa harap ng aming gate ay tahimik lang siya ganon rin ako hindi siya umiimik at mukhang galit parin siya . "Ah sige salamat sa paghatid" pagpapasalamat ko, hinintay kong tumugon siya sa akin ngunit wala parin, pakiramdam ko tuloy ay mali ang pagsama ko kay Xyle dahil kasalukuyan akong nililigawan ni Leon.
"SORRY kung nagselos ka" sabay hawak ko sa kanyang bana at pinaharap ko siya sa akin at hinalikan ko siya. Hindi ko ginalaw ang aking labi dahil hindi naman ako marunong humalik, hindi ko pa na susubukang halikan siya, palaging siya ang gumagawa ng first move kapag naghahalikan kami. Nahihiya tuloy ako dahil ang boring nag inalay kong kiss sa kanya, tumagal lang siguro ng limang minuto ang pagbalik ko sa kanya.

 
Lalabas na sana ako ng kanyang sasakayan nang matapos ko siyang hinalikan dahil nahihiya ako, pero bigla niya akong hinigit at hinalikan, punong puno ng emosyon ang halik niya sa akin, gumanti ako at naging matagal ang aming halikan. "AKIN KALANG, MULA PA NOON.

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon