Kababata #11

278 13 0
                                    

    Alas syete na ng gabi nang magyayang umuwi ang mga kasama ko. Naisipan kong maglakad nalang pauwi dahil walking distance lang naman ang bahay namin at ang school kung saan ako nagaaral, hindi naman masyadong matagal kung maglalakad ako mga 25minutes cgurong lakaran bago ako makarating sa bahay.

   Nagpaalam na akong umuwi sa mga kasama ko, nagpresenta si Josh na ihahatid niya ako ngunit tumaggi ako dahil mas trip kong maglakad, bukod kase sa malamig ang gabi ay natutwa akong pag addan ang mga bituin sa langit, nakakrelax at nakakawala ng pagod at hindi ko rin maiwasan ang mag constellations sa mgabituin.

    Patuloy ako sa paglalakad nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Leon.

Leon: Asan ka (with angry emoji)
    nagtataka naman ako kung bakit niya nilagyan ng angry emoji ang message niya sa akin. Galit kaya siya sa akin?
Me: pauwi na ako kakatapos ko lang kumain
Leon: with who? Tapos may angry emoji ulit, nagtataka talaga ako baka naman kase nakikita niya ako sa malayuan tapos pinagtritripan niya lang ako, batay kase sa pagtetext niya sa amin ay parang nakikita niya ang bawat ginagawa ko.
Me: ah eh yung mga kasama ko sa volley team, nagyaya kase silang mag celebrate dahil sa pagkakakuha namin bilang players ng campus natin kaya kumain kami sa labas. (Pagpapaliwanag ko sa kanya)
Leon:okay. Pakiramdam ko ay parang ang lamig ng pagkakasend ng message nayun , parang kung gaano siya kalamig noong una kaming magkita, noong habang ba ko siya sa May corridor.

   Yun na ang huling mensaheng natanggap ko mula kay Leon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nag eenjoy ako habang sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin, kahit nilalamig ako at napapayakap ako sa aking sarili ay nag eenjoy parin ako. Habang patuloy ako sa paglalakad ay naramdaman kong parang May sumusunod sa akin, nakaramdam naman ako ng kaba kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad, patuloy lang ang mabilis kong paglalakad at nararamdaman ko naman na ptuloy ang pagsunod ng kung sino kang sumusunod sa akin, naririnig ko na ang kanyang mga yapak, palapit ito ng palapit at mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko dahil sa sobrang takot na aking nararamdaman, naramdaman kong sobrang lapis na niya sa akin ngunit hindi ako nagtangkang tumingin sa kung sino man ito, pakiramdam ko kase ay parang May deadly weapon siyang dala at naka handa siya para sugurin ako kahit anong oras. Naalala ko tuloy yung mga horror movie na pinapanood namin ni mommy ganitong ganito kase ang ibang eksena na napapansin namin.

   Unti unti nang nanigas ang aking mga binti at nahihirapan na akong maglakad, ay naghahabol narin ako ng hininga at sumisikip akong paghinga ko. Patuloy parin ako sa paglalakad kahit nahihirapan na ako at hinihiling ko na sana ay imaginations ko lang lahat ng ito. Pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin, lalo pa siyang lumapit sa akin hanggang sa hanggang sa naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking bewang, napapikit ako sa kaba hanggang sa nagsalita ito.
   "I miss you baby"
   Boses palang niya ay kilalang kilala ko na pati ang kanyang amoy ay kabisadong kabisado ko na. Humakbang ako paharap tsaka ko siya hinarap na galit ang aking ekspresyon.
   "Alam mo bang takot na takot ako kanina at halos atakihin ako sa puso dahil sa pananakot mo sa akin?" Galit kong sermon sa kanya
"Gusto lang naman kitang pagtripan ehh"
"Pwes  hindi nakaktuwa, diyan kana nga" at iniwan ko na siya doon . Mabilis akong naglalakad medyo mabilis na ang daan dahil magkakahiwalay ang mga street light kaya natatakot narin ako.

   Naramdaman kong bumilis din ang kanyang paghakbang at patungo siya sa akin, ganun paman ay hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
  "SORRY" narinig kong baggit niya sabay yakap niya sa akin mula sa likod, nagulat naman ako sa kanyang ginawa.
"SORRY talaga kung natakot kita hindi na mauulit" malungkot niyang sabi sa akin habang nakayakap parin siya sa akin. Naawa naman ako kanya dahil sa tono ng kanyang boses ay naramdaman kong sincere siya sa kanyang pagsisisi.
"Okay wag mo nalang uulitin"
"Okay! Yes"sigaw niya sabay akbay sa akin
"Tara hated na kita"
 
  Pumayag na akong sumabay siya sa akin dahil hindi naman magkalayo ang bahay namin sa tinitirhan niya, mga ilang kanto lang ang pagitan namin.
   Habang naglalakad kami ay tahimik lang kaming dalawa, iniisip ko parin ang mga sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko lang maiwasan isipan dahil ibang iba ang ugaling kanyang ipinapakita sa akin kumpara sa mga sinabi ni Ellie sa akin.

    Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin ay nagpaalam na ako sa kanya at papasok na sana ako nang bigla niyang higitin ang aking braso at halikan ako, at tsaka siya tumakbo palayo habang kumakaway sa akin. Napansin ko naman na naka jersey lang siya at sapatos siguro ay naglaro sila ng basketball, isa kase siya sa basketball players ng campus namin. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang tinitignan siyang tumatakbo

   Pagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nadatnan kong na nonood si mommy sa may sala, siguro ay nanonood nanaman siya ng horror movie, mahilig kase siya sa horror movie pareho kami, naalala ko tuloy si Leon. Sinabayan ko si mommy manood at nakita kong pinapanood niya yung "The Healer". Humiga ako sa lap ni mommy, namimiss ko narin kase siya ka bonding. Naging busy siya sa pagtratrabaho dahil mag-isa nalang siyang nagtataguyod sa akin, kaya nabawasan narin ang time namin para magbonding.

   Pagkatapos naming manood ay inihatid na ako ni mommy sa aking kwarto. Imbes na goodnight kiss ang matanggap ko sa kanya ay pinilit niya ang aking pisngi. Gustong gusto ni mommy na pinipisil ang aking pisngi dahil matataba at namumula ito na parang kay mommy. Sabi ng mga nakakakilala sa amin ni mommy ay ako daw ang man version niya, kaya hindi maikakailang mag-ina talaga kami.

   Bago ako matulog ay naligo muna ako dahil amoy pawis ako, habang naliligo ako ay nagflaflashback sa aking utak ang muka ni Leon ang mga kasweetan niya sa akin, napapangiti nalang ako dahil dun.

    Pagkalabas ko ng banyo ay chineck ko sa aking phone kung anong oras na at nakita kong mag 3messages si Leon .

Leon: tulong kana?
           Thank you for the kiss
           Good night I love you

  Namula naman ako dahil sa huling text niya sa akin. Agad naman akong nagreply dahil nakita kong ilang minutiae na ito mula noong tinext niya ako, baka naiinip nayun.

Me: ah hindi pa ako tuloy, kakatapos ko lang naligo . Goodnight din.

Pagkatapos kong nagreply ay natulog na ako at hindi ko hinintay ang reply ni Leon, agad din naman akong nakatulog dahil sa pagod.

Author's Note 📝:
    Hmmmm don't forget to vote and comment po salamat. Paki share natin po.😇😇❤️🏐

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon