Kabanata Sixteen

205 11 0
                                    

Adam's POV
    Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala ang batang laging nang aasar sa akin noon. Nalaman ko din na kaya pala niya ako palaging inaasar noon ay dahil ayaw niyang may lumalapit o di kaya ay kinakausap akong iba.
   Pangalawang araw na ngayon ng tree planting. Nandito kami ngayon sa medyo kapatagang parte ng kagubatan, malawak siya at puro damo lang makikita, magkasama kami ngayong nagtatanim ni Leon, nagtataka ako kung bakit nasa grupo namin siya eh gayung hindi naman namin siya kagrupo. Nakita ko kanina na maguusap sila nung Gay naming teacher, kinikilig pa yung teacher namin habang kinakausap siya ni Leon. Siguro ay pinakiusapan siya ni Leon na sumama sa aming grupo kaya siya nandito ngayon.

"Shiiiit" sigaw ni Leon, tiningnan ko kung bakit tsaka ko siya pinagyayaman paano ba naman kasi may kumapit lang na tutubi sa kanyang damit ay kung makasigaw na siya ay parang hindi lalaki. "Hahaha! Hahaha! Hahahahaha!" Wala akong tigil sa pagtawa dahil sa itsura niya. "Para kang Gay matakot, Hahaha! Hahaha! Hahaha!" Natigil ako sa pagtawa dahil ang sama na ng tingin niya sa akin. Inirapan niya ako tsaka umalis sa harapan ko.

"Hoyyy SORRY" paghingi ko sa kanya ng tawad, muka kaseng nainis ko siya dahil pinag tawanan ko siya. Pinilit kong tignan siya sa mata ngunit iniiiwas niya ito sa akin. "Hoyyy SORRY na" ngunit kahit anong hindi ko ng tawad ay hindi parin niya ako pinapansin.
    Nagsimula na kaming magtanim ng seedlings, si Leon ang naglilinis at naghuhukay ng pagtatamnan ko, kapag sinusubukan kong maghukay at maglinis ay hinahawi niya ang aking kamay. 
"ako na baka masugatan ka nanaman" sabi niya.
Kinilig naman ako sa kanyang sinabi pero hindi ko ito ipinahahata sa kanya. Akala ko ay papansinin na niya ako pero pagkatapos niyang kinisan ang butas ay tumingin na siya sa kawalan at wala na siyang balak pansinin ako.

  Gano'n alang ang naging set UP namin hanggang natapos ang pagtatanim namin ng mga seedlings. Nagyaya ang mga kasama naming maligo sa ilog, malinis naman ang ilog dahil natural na nanggagaling sa kagubatan ang tubig nito. Nagsipuntahan na ang iba sa aming mga kasama sa ilog, pati si Ellie ay nandoon na at nakikipagbasahan kasama niya yung katabi niya kanina sa buss noong papunta kami.

   Tinanggal ko na ang suot kong damit at ang panloob na sando ko nalang ang naiwan, maglalakad na sana ako papunta sa ilog ngunit pinigilan ako ni Leon.
"Hintayin mo ako, baka madulas ka diyan sa mga bato" at agad niyang hinubad ang kanyang damit kaya naka shorts nalang siya ngayon. Kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan.
  Nakita ko rin ang iba sa aming mga teacher na nakasama natin sa paliligo sa ilog. Agad na akong hinila ni Leon papunta sa ilog at nakapag asahan na kami sa kanila.
    Tatlong oras na kaming nakababad sa tubig, nakaramdam na ako ng ginaw kaya umupo muna ako sa malaking bato sa gilid ng ilog. Napansin kong papalapit si Ellie sa kinaroroonan ko kaya naghahanda na ako sa maaaring maging mga katanungan niya.

"Heyy bakit ka nandito?" Maingay niyang pambungad sa akin.
"Ahh wala giniginaw lang ako kay umupo muna ako dito" sagot ko naman sa kanya. Tu,ah imik siya at bigla niya akong binigyan ng mapang usisang tingin.
"Oh bakit ganyan ka makatingin?"
"May hindi ka sinasabi sa akin!"
"Huh anong ibig mong sabihin?, diyan kana nga" at aalis na sana ako dahil kinakabahan ako baka kung ano pang malaman niya.
"Araaay ano ba" pagrereklamo ko dahil sa pagpingot niya sa aking tenga.
"Akala mo makakatakas ka sa akin ha, kayo na ni Leon noh?" Nagulat ako ng kumapit pa ang ibang pa naming mga kaklase dahil siguro narinig nila ang sinabi ni Ellie, ang ingay kasi ng babaeng ito.
"Ano sasagot kaba o hindi?"
"Araaay oo na! Oo nah"

"Okay lang yan, alam naman namin na may something talaga sa inyo ni Leon eh" sabi ng isa sa aming mga kaklase na si Rose.
"So ano kayo ba?" Pahabol niyang tanong?
"Ahh eh promise wag niyo muna ipagkakalat ha?" Yun palang sinasabi ko ay nagkakagulo na sila.
"Oo promise" sabay sabay pa talaga sila.
"Okay hmmm" huminga muna ako ng malalim tsaka ako nagsalita.
"Oo kami na, boyfriend ko na si Leon" nakapikit ako habang sinasabi ko yan sa kanila.
"Ahhhhhhhhh" sigaw nilang lahat kaya nakatingin sa amin ang iba naming mga kasamahan na naliligo din sa ilog.
"Hoyyy ano ba wag nga kayong sumigaw"
"SORRY kinikilig lang kami, okay"
"Grabe ikaw lang pala ang makakapagpatino kay Leon" sabi ng isa pa naming kaklase na si Audrey.
"Kailan payan? ,bakit hindi manlang nagsasabi sa akin?" Tsaka ako tinitigan ng masama ni Ellie, nakakatakot takot talaga siya kapag seryoso.
"Ahhh ano kanina lang"
"Oh my ggggg" sabay sabay nanaman sila.

"Anong ginagawa niyo sa boyfriend ko?" Sabi ni Leon kaya nakatingin silang lahat sa likod , nakita ko siya kaninang nakikipag usap sa mga barkada niya kaya hindi ko na siya inistorbo. Nalaman kong magkakilala pala sila ni Mark dahil magka teammate sila sa basketball sa campus namin, kaya pala medyo pamilyar sa akin si Mark dahil nakita ko na siyang naglaro noon kasama si Leon sa School namin.

"Ah eh wala Leon sinamahan lang namin dahil nakita naming lonely siya kanina, sige aalis na kami enjoy your date" at umalis na sila na palihim kong kiligin.

"Anong sinabi niya sayo?"
"Ahhh ehhh tinanong lang nila kung kung .....kung"
"Kung alin?"
"Kung tayo na ba" medyo nahihiya kong pag amin sa kanya.
"Eh anong isinagot mo?"
"Sinabi kong tayo na, per9 wag kang mag alala nangako naman sila na hindi nila pagsasabi sa iba" pagpapaliwanag ko sa kanya, baka kasi magalit siya dahil sinabi ko sa ibang kami na.
"Bakit naman ako mag aalala? mas gusto ko ngang sinabi mo sa kanila eh mesa naman sa ipagkaila mo ako edi mas masama yun kasi masasaktan mo ako. At wala akong pakialam kung ikalat may nila, mas gugustuhin ko pa iyon par malaman ng buong mundo na pag aari kita, you belong to me" sabay kindat niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo.
"Tara na, nilalamig kana Oh" at pinagsalikop na niya ang aming mga kamay at umahon na kami para magbihis. Tumingin ako sa ilog sa kinaroroonan nila Ellie at nakita ko silang nakatingin sa amin at nagbibigay ng heart sign gamit nag kanilang mga kamay, yung parang sa Korea, nginitian ko nalang sila at tuluyan nang umalis doon.

Author's Note 📝
Hmmmm. Don't forget to vote and comment po.. salamat.😇😇😇😘🌲

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon