Kabanata Fourteen

211 10 2
                                    

    Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa tunog ng alarm Clock. Bumangon na ako ako at agad na akong naligo at nagbihis. Pagkatapos kong maghanda ay sumabay na ako kay mommy mag almusal at nagpahatid ako sa kanya sa School pagkatapos naming kumain.
    Pagkababa ko ng sasakayan ay agad naman akong sinalubong ni Ellie at may dala dala din siyang hindi kalakihang bag pareho kami. Dalawa ang nakahandang sasakyan namin senyales na marami talaga kaming sasama sa tree planting, yung iba naman ay may dalang sariling sasakyan, ngunit yung mga may lisensiya lang ang pinayagan magdala ng sasakayan at karamihan sa kanila ay mga lalaki.

   Umupo muna ako sa bench habang si Ellie ay nakikipagdaldalan sa mga kaklase naming sasama din. "Ready?" nagulat ako ng biglang may umakay sa akin mula sa likod.
Anong ginagawa mo dito sasama ka rin?" gulat kong tanong kay Leon.
"Oo ayaw mo ba?" malungkot niyang tanong sa akin.
"Ah eh hindi naman sa gano'n nagulat lang ako kaya napatanong ako" sabi mo sa kanya. Akala ko ay papansinin na niya ako pero bigla siyang tumayo bitbit ang kanyang bag at iniwan na niya ako dito mag-isa na malungkot ang kanyang ekspresyon.

  Isa isa na kaming pinapasok sa loob ng sasakyan, umupo ako malapit sa bintana para mapagmasdan ko ang kapaligiran. Dahil nasa Baguio naman kami ay malapit lang daw ang pupuntahan namin. Napansin kong sa kabilang upuan umupo si Ellie sa tapat ko, napansin ko naman na may uupo sa tabi kong lalaki ngunit hindi niya natuloy ang kanyang pag upo dahil may nagsalita sa kanyang likuran. "Ako diyan" sabi ni Leon sa seryosong boses, natakot naman yung lalaki at namula siya kaya sa tabi nalang ni Ellie siya umupo. Nakita kong kinikilig si Ellie pagkaupo nung lalaki sa tabi niya, gwapo rin iyong lalaki at matangkad din siya, hindi namin siya kaklase siguro ay iba ang strand niya.

   Umupo si Leon sa tabi ko ngunit hindi siya umiimik, tahimik lang siya at hindi Ma lang niya ako kinikibo. Nalungkot naman ako kaya dumungaw nalang ako sa bintana at pinagmasdan ko nalang ang napakagandang kagubatan na aming nadadaanan, mas lalo tuloy akong ginanahan magtanim ng puno dahil sa magagandang puno na aking napagmamasdan.

   Nakatulog na ang aking katabi habang naka head phone, talagang wala siyang balak kausapin ako, naguiguilty tuloy ko ay mali ang pagtatanong ko kanina.

  Buong biyahe ay wala siyang imik, natulog lang siya at hindi niya ako kinakausap. Nakarating na kami sa aming destinasyon, pagkababa naman ay namangha ako sa ganda ang tanawin, nasa isang medyo liblib na gubat na kami pero kaya parin namang umabot ng sasakyan.
"Attention students, mula dito ay kailangan na nating maglakad dahil medyo matarik at lubak Ma ang daanan" 
   Nagsimula na kaming maglakad, gaya ng sabi ng teachers naman ay medyo mahirap nga ang daanan. Habang naglalakad kami ay nakasunod lang sa akin si Leon at tahimik lang siya, kapag tumitingin ako sa kanya ay bigla siyang nag-iiwas ng tingin at nagkukunwaring nakatingin siya sa mga punong aming nadadaanan, napapangiti nalang ako dahil natutuwa ako sa kanyang ginagawa.
   Patuloy lang kami hanggang sa may madadaanan kaming ilog, medyo malalim ang ilog kay kailangan naming dumaan sa may tulay na kawayan, dalawang kawayan lang iyon na pinagtagpi kaya medyo nakaramdam ako ng takot dumaan doon. Nauuna nang dumaan ang iba naming kasamahan, yung iba ay wala lang sa kanila at hindi natakot yung iba naman ay katulad kong natatakot dumaan lalo na yung mga babae, dahil ni Choice kami ay napilitan din kaming dumaan doon.  Ako na ay dadaan, hindi ko magawang ihakbanb ang aking mga paa dahil natatakot talaga ako dahil hindi ko nararanasang dumaan sa ganitong klase ng tulay.
"Go! Hindi kita bibitiwan" narinig kong sabi ni Leon malapit sa aking tenga sabay hawak sa aking kamay. Inalalayan niya ako, medyo nabawasan ang nararamdaman kong takot dahil sa pag-alalay niya sa akin. Nakita kong pinagtitinginan kami ng aming mga kasama, yung iba ay mukang kinikilig lalo na si Ellie at yung iba naman ay puno ng pagtataka ang kanilang mga ekspresyon.

   Pagka tawid namin sa tulay ay balik sa dati ang pakikitungo ni Leon sa akin. Nauna na siyang naglakad. Nakarating kami sa isang malaking kubo at nagkasya kaming lahat doon dahil sa sobrang laki niya. Mukang pinasaya talaga ang kubo para sa mga visitors, may mga kabataan din doon na mukang kaidad lang namin sila, nakasuot sila ng iisang klase ng damit siguro ay uniform nila iyon, mukang mga tout guide sila dito. Napansin kong may mga mangilan ilan nang bahay sa lugar, puro gawa sa kahoy o kawayan ang mga bahay.
"Okay students mahihiwalay ang mga lalaki sa mga babae" sabi ng Gay naming teacher, apat lang ata ang kasama naming teachers sapat na para bangayan kami.
    Pinagpahinga muna kami ng mga teacher namin dahil Pare pareho kaming pagod sa byahe. Nasa iisang kwarto lang kaming mga Boys, namangha ako sa sobrang laki ng kwarto na tinutuluyan namin, nasa mahigit 20 kaming nasa kwarto pero nagkasya kaming lahat dito.
  Sakto lang sa isang tao ang isang higaan na gawa sa kawayan, sa pagkakaalam ko ay papag ang tawag doon, hindi siya masyadong masakit sa likod hindi rin siya malambot sakto lang para hindi mangalap ang hihiga dito.

   Pumunta na kami sa kanya kanya naming higaan, gaya ng dati ay sa katabing kama ko nanaman pumuwesto si Leon, ganun laman ay hindi parin niya ako pinapansin.

  Tinawag na kami ng kanilang helper ata yun para kumain ng tanghalian. Nagsipuntahan naman kami agad dahil Pare pareho na kaming gutom. Pagkaupo namin sa hapag kainan ay napansin kong puro masusustansiyang pagkain nag nakahain sa mesa, karamihan ay gulay at SEA foods ang nasa mesa. Ang iba ay nasa sala kumain ay nagcecellphone yung iba naman ay hindi na umalis sa mesa.

  Alas sais na ng gabi at naghahanda na ang lahat para matulog, pumunta na ako ng banyo para maligo, maging ang kanilang mga banyo ay sapat din para sa aming lahat.
Naramdaman kong parang may sumusunod sa akin kaya nilingon ko kung sino ito, nakita kong nakasunod sa akin si Leon kaya sinimangutan ko siya pero nag kauna ari siyang nakatingin sa taas para hindi kami magtama nag aming mga mata. Iniwan ko na siya doon at pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo, pagka labas ko ay nakita ko si Leon na naka sandal sa pader. Nabigla ako ng bigla niyang hinigit ang aking kamay at isinandal niya ako sa may pader, hinalikan niya ako ng mariin, nagulat ako sa kanyang ginawa.
"Don't make me sad again" sabi niya bang magkadikit ang aming mga noo
"O okay"
"You smells so good" bulong niya sa akin at hinalikan niya ulit ako, gumanti ako sa kanyang halik kaya mas napalalim pa ang aming halikan. Humiwalay ako sa aming halikan dahil baka may makakita sa amin .
"Baka May makakita sa atin"
"Eh ani naman" sabi niya na walang pag aalinlangan. Hinila ko na siya pabalik. Masaya ako dahil pinansin na niya ako sa wakas, akala ko ay titiisin niya ako hanggang matapos itong tree planting program.

  Nakahanda na akong matulog habang si Leon ay nakatitig parin sa akin. "Matulog kana"
"Ayoko gusto pa kitang pagmasdan, mauna kanalang matulog, babantayan kita" panlalandi niya sa akin.
"Okay goodnight" at nagtalukbong na ako ng kumot dahil baka makita niya ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kilig..🤣🤣😘😘😍

Author's Note 📝
  Don't forget to vote and comment... salamat po sa mga nagbabasa ng story ko...

Mr. Transferee(boyslove/Yaoi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon